Chapter 40

1.5K 65 34
                                    

Chapter 40: Cebu

Carmela's POV

Umagang-umaga nambubulabog 'tong sila Lia sa bahay, nakakainis! It's the first day of May for goodness sake! Bagong gising ako ta's nakasimangot na kaagad ako dahil sa kanila pero nang malaman ko na may roadtrip kami, naligo na kaagad ako at nagsuot ng sky blue blouse at pants. Sa Cebu raw kami pupunta ngayon, ewan ko ba at anong trip ng mga 'to ngayon!  

Pagbaba ko ng first floor, nakita kong nandun 'yung buong squad. Ibig sabihin nandun sina: Lia, Nash, Jaeden, Kyle, Jasper, Nathan, Kenneth, Angelica, Tristan, Josh, at si Adrian. So ano tatlo lang kaming babae? Pero mas okay na 'yon, atleast kung may mangyaring masama (na sana wala naman), may mga knight-in-shining-armor kaming kasama. Charot one-half.

"Ano ba? Umagang-umaga nambubulabog kayo? Saan ba punta? Bakit ba naisipan niyong pumunta sa Cebu?" Naiiritang tanong ko habang nag-iinat pa ng mga braso.

"Girl, ano ba! Sa ChainSingers tayo pupunta. Ano na? Sa Cebu! One week tayo! 'Wag kang bangag!" Sabi ni Malia na ikinatawa ng lahat. "So ano na? Mag-impake ka na! Tagal-tagal mo! Palibhasa tulog mantika eh! Bilis! Chop chop!" Sigaw niya, binatukan ko siya kaagad. Tangina, ang ingay!

"Malia Lisa Romero! Papaduguin ko 'yang bunganga mong may megaphone!" Singhal ko sa kanya at nag-gesture siya na izi-zipper niya 'yung bibig niya. Inirapan ko siya at umakyat na sa taas, susundan pa sana kami ng mga boys pero pinigilan sila ni Ate Angel. Talaga naman, nanay ng tropa 'to si Ate Angel! Nakikinig sa kanya halos lahat!

Kumuha na kami ng maleta ko at tinulungan ako ni Ate Angel at Lia sa pag-impake. Nagpaalam na rin daw sila kay Mommy at pinayagan kami. Talagang planado 'tong roadtrip na 'to ha! At hindi man lang ako sinabihan? Taena, ano 'to surprise para sa'kin? Kasi lahat sila naka-ready na! 

"Nagsusuot ka ba ng swimsuit, Carmela?" Tanong ni Ate Angel sa'kin. Umiling kaagad ako pero may kinuha siya sa bag niya, isa itong red na swimsuit, at nilagay sa maleta ko. "Isuot mo 'yan kapag nandoon na tayo ha!" Paalala niya at umalis sa kwarto ko. Inayos ko ang buhok tsaka ko binuhat pababa 'yung maleta. Inalalayan pa nga ako ni Kenneth kaya hindi na naman maipinta ang mukha ni Nash. Seloso talaga 'tong Stitch ko!

"So ano? Tara na?" Sabi ni Nathan. Tumango kaming lahat at sumakay na doon sa L3 na nirentahan daw nila Kyle. Kaso sa sasakyan palang pinagtripan na nila ako, talagang pinaupo nila ako sa gitna ni Kenneth at Nash ah! Ngingisi-ngisi pa si Josh at Jaeden na para bang pinagkaisahan na naman nila ako. Peste talaga kapag nagsama 'yung dalawang 'yon eh!

Si Kyle 'yung driver so siya ang sisihin kapag may nangyaring masama sa amin. Uupakan ko talaga siya, lalo na kapag sila Lia ang na-aksidente. Dodoblehin ko pa 'yung sa kanya. Ilang oras na ang nakalipas pero halos wala pa kami sa kalahati ng roadtrip dahil traffic! Dapat mga four sila ng umaga pumunta sa'min. Alam naman nilang traffic!

Pumatak ang alas-otso ng umaga nang makasakay kami sa eroplano, tulog na lahat sila at kaming tatlo nalang nila Lia at Nash ang gising. Ayokong matulog kasi baka pagtripan ako ng nga 'to. Hindi na ako nanibago dahil panglimang beses ko na 'to masasakyan. Katabi ko pa si Nash at nasa gilid namin sina Lia at Jaeden kaya parang bago ako rito. Nako epal talaga 'tong mga 'to! Jusmeyo por favor!

Pagdating namin sa condo, namangha ako dahil kitang-kita namin ang dagat, na pinasukan namin, kasama ko sa kwarto sina Ate Angel at Lia habang ang boys ay magkakasama. Nag-suggest pa nga sina Tristan na iisang kwarto raw kami lahat, agad naman kaming nagprotesta mga babae, dahil gusto rin namin ng privacy 'no!

Pagdating namin doon, nagpahinga nalang kami hanggang sa pagpatak ng ala-sais, may kumatok sa pinto namin. Si Ate Angel ang nagbukas at ilang sandali ay bumalik na rin siya.

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now