Chapter 41: Mga asungot na Kontrabida

10.2K 256 15
                                    

Rex's POV

Ang sarap talaga sa pakiramdam na girlfriend ko na si Caryl, sobrang saya ko nang araw ng sagutin ako ni Caryl. Sya ang first girlfriend ko, tapos nakakadik ung mga halik nya kaya naman sabik na sabik akong mahalikan ulit sya.

Nandito ako sa room namin at lutang na lutang sa pagiisip, hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang paghahalikan naming dalawa kagabi. Balak ko sana syang-----




"Mr. Suarezzzzzz!!!!!!!!!!!" sobrang lakas na sigaw ng lecturer namin kaya naman napabalikwas ako sa sobrang gulat.

"S-sir?" kinakabahan kong tanong

"Hahahahahahaha" tawanan ng mga kaklase ko

"Mr. Suarez! Kanina pa kita tinatawag! Ano bang nangyayari sayo!?" tanong ng lecturer namin

Napaayos ako ng upo "Sorry Sir"

"Sir ako nalang po ung sasagot sa tanong nyo" nagulat ako dahil biglang tumayo ang babae kong kaklase at saka sinagutan ang solution sa blackboard.

At nang maupo ang babae sa likod ko ay humarap ako sa kanya at... "Salamat ah" pagpapasalamat ko

"Enebe!! Wala yun no! Basta para sayo Rex!" malanding sabi nung babaeng humarang samin ni Caryl nong isang araw.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Lunchbreak.

"Rexxx!! Pwede ba akong sumabay kumain sayo?" malanding tanong nanaman nung babae. Nakatayo sya sa harap ko ngayon, habang ako naman ay nakaupo parin.

"Ahh ehhh, hindi pwede eh, sabay kasi kami ng girlfriend ko, si Caryl" sagot ko at saka tumayo.

"Ay si Caryl? Yaan mo muna sya, wala kasi akong kasama eh, absent ung dalawa kong kaibigan" nguso nya at hinawi ang buhok nya

"Hindi pwede, magseselos si Caryl" nagtitimping sagot ko

"Sige na kasi Rex, ngayon lang naman eh. Bawi mo nalang yon sa pagligtas ko sayo kanina. Ang cute mo talaga Rex." hinaplos nya ang pisngi ko at aastang hahalikan ako ngunit.....



*Pak*

Nagulat ako nang sampalin ni Caryl ung babae. Napaupo ito at napahawak sa pisngi nya.

"Gago kang babae ka ah! You think flirting with my boyfriend is cute? Wait until you see how cute it is when I punch you in your stupid looking face. Bitch!" sigaw ni Caryl sa babae at saka kinaladkad ako papalabas hanggang sa makarating kami sa likod ng building namin,kinabahan ako sa kanya. "Baliw ka ba o sadyang baliw ka lang talaga?" nakakalokong tanong nya.

Ano daw? Baliw ba daw ako o sadyang baliw ba daw talaga ako? Hahahah ang cute talaga ng girlfriend ko!!

"Nagpapatawa ka ba?" tatawa
tawang tanong ko

"Ay hinde!! Nagpapaiyak ako!" galit talagang sigaw nya kaya sumeryoso na ako.

"Sorry na" niyakap ko sya ngunit itinulak  nya lang ako

"Wag ka na ulit magpapalandi sa babaeng yun ah! Babanatan kita!" banta nya "Pwede ka ng yumakap!!" sigaw nya sakin. Natawa ako sa kanya hahahah

Niyakap ko sya ng mahigpit.

------

Caryl's POV

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon