Nakatayo lang ako rito. Nakakapit sa kung saan mang pwedeng kapitan. Mabilis rin kasi ang takbo ng bus pa-Muños.
Huminto ang bus, inayos ko ang tayo ko dahil sa ngawit na rin ako. Malapit na rin naman ako eh. Konting tiis nika.
Hanggang sa napadpad ang isang lalaki rito sa dulo.
"Ay shit." Daing niya ng makitang siksikan rin ang dulong bahagi ng bus.
Siksikan na nga rin dito eh? Bat dito pa siya?
Chineck ko yung phone ko. Baka rin kasi may msg si mama. Hirap kasi sumakay ngayon. End up sa siksikang bus.
Ibinulsa ko na ang phone ko, kasi nakakatakot baka may biglang manghablot.
Tumingin ako sa labas ng bus. Dikit-dikit na talaga rito ang nga tao. Di na ko makahinga.
Napansin kong panay ang tingin niya sa gawi ko kaya tumingin ako sakaniya. Nahuli ko siyang nakatingin saakin. Bigla pa niyang iniwas yung tingin niya saakin. Ganun rin naman ako, pero panay parin ang tingin niya sa gawi ko.
Nakakailang shit. Grabe ka naman makatingin kuya!
Hindi ko pinansin lahat ng pagtingin niya saakin. Pero di ko rin maiwasang mapatingin sa gawi niya.
Halos katapat ko lang siya kaya naamoy ko rin ang pabango niya.
Masyado akong nadala sa pagtitig na binabato niya saakin kaya hindi ko man lamang napansin na nasa paroroonan na pala ako.
"St. James!" Sigaw ng konduktor. Na siyang nagpagising saakin.
Bumwelo na ako. Inayos ang sarili bago sinimulang. Sabihin ang "Excuse me po." at "makikiraan po."
Matapos kong makawala sa siksikang bus na iyon. Biglang natanong ko sa sarili ko. Sino ba 'yon?
"Pandak."
Matapos kong tanungin kung sino ang lalaking iyon, ginulat niya naman ako sa "pandak" niya. Kumunot ang noo ko dahil bukod sa pagtitig niya saakin kanina ngayon ay iinsultohin niya naman ako. Hindi ko malaman kung anong trip niya.
"Anong trip mo kuya?" Sabi ko at tumalikod na. Baka mang-iiscam lang eh.
"Grabe kanaman. Kinalimutan mo na talaga ako no?" Habol niya pa saakin. Paakyat na sana ako sa footbridge ng sabihin niyang..
"Halos 3years na ang lumipas. Ako to si Eldreem." Napalingon ako sakanya. Tsaka siya ngumiti saakin.
Hindi ko alam kung pano niya ako napapayag na magmcdo muna. Natext ko na rin si mama na wag na kong intayin.
Pagkaupong-pagkaupo niya, pagtapos kuhanin ang order naming dalawa, bumugad agad sa akin ang tanong niya na..
"Anong nangyare?" Sumubo pa siya ng fries tsaka diretsong tinignan ako sa mata.
"Bakit? Ano bang nangyare?" Hindi ko alam pero naibato ko pabalik sakanya ang tanong niya.
Ngumiti siya tsaka sumubo pa ulit ng fries. Habang deretsong nakatingin uli saakin.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Gusto kong tanungin kung "bakit? Kung makatingin ka may kung anong meron saatin?"
Tumawa pa siya ng mahina. "Natatawa ako kasi sabi mo, "Ang cold mo na. Pwede mo namang sabihin sa akin kung nakukulitan ka na sa akin. Mas gugustuhin ko pa nga iyon. Kaysa sa mabaliw ako kakaisip kung bakit hanggang seen na lang ako? Gusto ko lang malinawan. Kung ayaw mo, i-block mo na lang ako. Para mas mapadali saakin na tigilan ang pangungulit sayo. ☺ goodnight." Pero di pa ko nagre-reply inunahan mo na kong i-block ka, kahit hindi ko naman gagawin yun."