"Jazz,hindi paba tayo aalis sa lugar na'to? mahigit 30 minutes na tayong nagaantay dito!" naiinip kong tanong kay Jazz na kanina pa may inaayos sa likuran ng aming sinasakyan.Hindi kumibo si Jazz sa tanong ko dahil busy silang dalawa ni Charles sa pag-aayos sa likod.
A-Ako si Hannah.....Hannah Bakery hehe joke lang.Ako si Hannah Eskelier.20 years old.Drop-out ako kaya wag mona tanungin ang mga iba pang tungkol sa edukasyon ko hikhok.Masipag kasi akong mag-aaral kaya gayahin niyoko hehe.
Kumukulo na ang tiyan ko kaya kinuha ko muna ang Potato Chips ko sa bag.Halungkat parin ako ng halungkat sa bag kong dala pero wala! Sh*t favorite ko panaman yunnnn huhu.
May narinig akong tunog ng balat ng tsitsiriya na nagmumula sa likuran kaya nilingon ko at put* !
"Hehe." si Kaizene na hawak hawak ang Potato Chips ko !
"Kaizeeeeennee!" tawag ko sakaniya nang lumabas siya ng kotse kaya sinundan ko ito.
"Hoyy Kaizeeeennee!!! Bumalik ka rito amin nayan!" sigaw ko uli pero pumasok siya sa mga nag-sisitaasang mga puno.Hining agad ako sa sobrang pagod.
Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Kaizene na titig na titig sa kung saan kaya tinignan ko ito.
Sh*t ang ganda nung cabin! Mukhang walang nakatira dito atsaka mukhang bago lang ito.Napalingon kaming dalawa ni Kaizene nang tinawag kaming dalawa ni Jazz kaya bumalik na agad kami.
"Ah guys,wala na tayong gas kaya tumigil ang sasakyan." paliwanag ni Jazz
"P-Pero pano na tayo makakapunta sa Youth Camp natin? Kanina pa nila tayo inaantay dun!" sabi ko na tila mawawalan nako ng pag-asang makapunta pa kami doon.
"Baka may mga tao naman dito para mapagtanungan natin kung saan ang malapit na gas-an dito." suggest ni Claere
"Oonga naman." pag-sang ayon ni Camille
"Tanga kaba? kita mong pinapaligiran tayo ng mga naglalakihang puno dito tapos sasabihin mong may gas-an dito?" inis na tanong ni Carlos.
"A-Ako pa tanga ngayon?Bakit may naitulong kana ba?" sabi ni Claere habang nakataas ang isang kilay nito na ikinatahimik ni Carlos.
Ayan.'yang dalawang yan ang tandem sa sagutan.Kala mo nasa Q&A portion eh.
"Shhh wag na kayo mag-away hanggang dito banaman?Bakit hindi nalang natin subukan ang sinuggest ni Claere?" saway ni Alvin
"May nakita akong bahay na gawa sa kahoy malapit dun sa mga naglalakihang puno." sabat ni Kaizene na tinutukoy yung kaninang nakita namin.
"Nice tignan natin baka may mapag-tanungan tayo o makuhaan ng gas doon." si Charles
"Kunin niyo na ang mga gamit niyo sa loob at iiwanan natin ang sasakyan babalikan rin natin kapag nakahanap na tayo ng solusyon." sabi ni Jazz
-----------------------------------------------------
Grabe para akong tutumba sa mga dala ko.Kamot ako ng kamot sa binti ko dahil mataas ang mga damo dito papunta sa cabin na nakita namin ni Kaizene kanina.
"Ano Kaizene nililigaw mo ba kami?" inis na tanong ni Carlos
"Ang alam ko malapit dito yun eh!" sabi ni Kaizene na nakakunot ang noo
"Tara bumalik nalang tayo sa kotse huhu mag-gagabi na natatakot nako." si Camille na nagtatago sa likod ni Alvin
"Ayun ba'yon?" sabay sabay kaming napalingon kay Jazz nang magsalita siya at nakaturo ang isang daliri niya sa bahay na gawa sa kahoy.
"Hoy Jazz kagatin mo nga 'yang daliri mo! Masama yun!" sabi ni Kaizene
Napaka-isip bata talaga nito.
NAGSIMULA na kaming maglakad papunta sa cabin dahil lumalalim na rin ang gabi.Napatigil kami ng may makitang sign atsaka sinenyasan kami ni Jazz na tumahimik.
Binasa ko sa aking isipan ang nakasulat roon sa tabi ng cabin.
"Keep the cabin quiet if you want to live longer."
Parang kinoryente ang katawan ko sa sobrang kilabot na idinulot ng linyang iyon.Sh*t