ZYRENNE's P.O.V.
Time check: 10:30pm"Tagay pa!" sigaw ni Francis habang may bitbit na isang bote ng red horse at medyo lasing na din.
Ako naman nakikiparty lang din pero hindi ako umiinom.Puro juice and water lang ako at minsan ay kumakain din ng mga chichirya na pulutan daw namin. XD
Sila naman,grabe bilib talaga ako sa mga toh,lalo na sina Exie and Hydee.Kanina pa sila nag-iinuman pero parang nasa 30% palang ang kanilang kalasingan.Nakaubos na din sila ng dalawang case ng red horse at tanduay ice.Mukhang sanay silang maglasing pero ang pagkakaalam ko ay hindi sila mahilig mag-inuman.
"Uh guys,hindi pa ba kayo lasing?" tanong ko sa kanila at hinarapan naman nila ako at mukhang normal pa naman sila at mukha ngang wala silang ininom kahit isang shot lang eh.
"Hindi pa naman." sagot naman ni Exie.
"Ikaw Zyrenne? Okay kapa ba? Hindi ba umaatake yang asthma mo?" nag-aalalang tanong naman ni Kuya.
"Hindi naman kuya,tsaka okay pa naman ako." masayang sagot ko nang bigla akong may naalala."Oo nga pala! Hindi pala ako nakapagpaalam kay Mama na malelate ako ng uwi!" nagpapanic na sabi ko.
"Chill ka lang Zyrenne.Tinawagan ko na si Tita kanina at sinabi kong gagabihin ka dahil magpaparty tayo.No need to worry." sabi ni Kuya at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
-----------
Time check: 11:00pm
"Uhh..Guys,uwi nako ah.Inaantok na din kase ako." pagpapaalam ko.
"No no no Zyrenne." pagtutol ni Kuya at napaharap naman ako sa kanya."Look Zyrenne,wala nang taxi na dumadaan.Gabi na din."
"Sooo..What do you want me to do?" tanong ko sa kuya kong nasa tamang katinuan pa.Galing eh noh?
"You should stay here.Dun ka sa guest room.Tatawagin ko nalang ulit si Tita at sasabihing dito ka na natulog dahil late na para umuwi."
"Oooookay." sabi ko at pumunta na sa loob ng bahay nina Kuya at dumiretso sa guest room.Dahil dun sa isang araw na nakatulog ako dito,nalaman ko kung saan ang guest room nila.
Dumiretso naman ako sa mini bathroom para hugasan ang mukha ko at medyo mahimasmasan naman din.
Bigla naman akong napatigil sa paghuhugas nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Zyrenne?" rinig kong tawag ni Kuya sa labas at agad ko namang binuksan ang pintuan.
"Kuya,what are you doing here?" nagtatakang tanong ko habang may konting tubig pa sa mukha ko.
"I just want to give this to you." sagot niya sabay abot ng damit."Pinadala ng tita ko yan para sa pinsan ko.Isuot mo na,sasabihin ko nalang sa pinsan ko na naiwan ni tita."
Kinuha ko naman ang damit."Salamat." sabi ko at nginitian siya.Nginitian niya din ako.
"Kasya sayo yan.Sige tulog kana.It's been a tired night." sabi niya at umalis na.
Sinara ko naman agad ang pinto at tinignan ang damit na ibinigay ng cute na cute kong Kuya.Dahil sa ininom niya,lalong namula ang pisngi niya.Ang sarap tuloy kurutin.
Maganda naman ang damit.A slightly off-shoulder aqua-colored top at grey-colored leggings.Parang pang-formal toh but anyway,tatanggapin at susuotin ko na din dahil nanlalagkit nako.
After kong mag-half body shower,sinuot ko ang damit and I feel comfortable than I imagine.
Agad naman akong humiga sa kama pero biglang nawala ang antok ko.Binuksan ko nalang ang cellphone ko at nag-online.Bigla namang nagsilitawan ang mga messages ng mga classmates ko sa group chat namin.I checked it and it's all about Deinile's blind date.
BINABASA MO ANG
Partners In Crime /Book 1/
Random[COMPLETED] "BlackFaith!" Binubuo nina: • Zyrenne Herish (Leader) • Hydee Montess • Francis Liazcario • Lester Arcanghel • Deinile Tranns (new member) • Veronica Prysler (new member) • Calvin Mirisel (new member) "We don't trust anyone." BlackFaith...