Untitled Part 1

42 0 0
                                    

Sharealli Kyle Malaki                                                                                                              

Bb. Jonevee Amparo

Filipino-VIII

May 7 

                                                        Historikal na Pagsusuri sa mga Himagsik ni Balagtas 

       Ang Apat na Himagsik ni Balagtas ay sumasalamin sa kalagayan ng mga Pilipino noong sila'y sinakop ng Espanya. Bagama't isinulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura sa panahon ng Kastila, ang mga himagsik ay hindi lantarang naibahagi sa mga mambabasa. Ito'y tinago ni Balagtas gamit ng mga talinghagang salita at alegorya. Sa unang bahagi ng Florante at Laura, nagpapaalala si Balagtas sa mga mambabasa na may nakatagong kahulugan sa bawat saknong. May censura sa panahon ng mga Kastila kung kaya't sinadya niyang ibahin ang mga karakter at ang tagpuan. Ngunit, sa mga saknong nakatago ang iba't ibang himagsik na naglalarawan sa mga Pilipino pati na ang paniniwala ng mga Kastila.

     Isa sa mga himagsik ni Balagtas ay nagtutuligsa sa maling pagpapalaki sa anak. Tinagurian din itong Himagsik Laban sa Maling Kaugalian. Pinaniniwalaan ni Balagtas na malaki ang impluwensya ng mga magulang sa kaugalian at kilos ng kanilang mga anak. Sa Florante at Laura, inilarawan ni Florante si Duke Briseo bilang mapagmahal na ama. Ninais ni Duke Briseo na ipadala si Florante sa Atenas upang doon siya sanayin at pag-aralin. Naniwala si Duke Briseo na hindi dapat palakihin ang anak sa tuwa at saya lamang. Kailangan maranasan ni Florante ang paghihirap at pighati upang malalampasan niya ang mga problema sa kanyang pagtanda. Pinakita ito ni Balagtas sa saknong 202 ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar (Alfredo S. Consulta. Florante at Laura ni Francisco Baltazar.Quezon City: ISA-JECHO PUBLISHING INC.,2017.Print) Ayon kay Alfredo S. Consulta, isa sa mga pinakatanyag ang saknong 202. Ito'y naglalarawan ng paniniwala ni Duke Briseo pati na ang pagsang-ayon ni Florante sa kanyang ama. Dahil sa desisyong ginawa ni Duke Briseo, lumaking marangal at masipag si Florante na siyang kinaiingitan ni Konde Adolfo.

     Si Konde Adolfo ang kababayan ni Florante at ang dating kaklase sa Atenas. Si Adolfo ay mainggitin at madalas malihim. Hindi pinakita ni Balagtas ang paraan ng pagpapalaki kay Adolfo ngunit inilarawan niya na marangal na Konde ang kanyang ama. Isa sa mga pinakamabigat na kasalanan ni Adolfo ay ang pagtangka niyang pagpatay kay Florante. Kinain siya ng inggit at galit dahil iniisip niya na si Florante ang umagaw ng kanyang kapurian at dangal. Hindi niya matanggap na hinahangaan si Florante ng maraming tao. Lalong nainggit si Adolfo nang naging magkasintahan si Florante at Laura. May lihim na pagtingin ang Konde sa prinsesa kung kaya't bago siya mamatay ninais niyang magpakasal sa kanya noong siya'y naging Hari ng Albanya.

     Sa kagustuhan ni Konde Adolfo na maghiganti kay Florante, ninais niyang angkinin ang trono ng Albanya. Nagpakalat siya ng maling balita tungkol sa Hari. Sinabi niyang may balak ang Hari na gutumin ang buong Albanya. Marami ang naniwala sa kanya kung kaya't naagaw niya mula kay Haring Linseo ang kaharian. Nagdesisyon siyang pugutan ng ulo ang Hari pati na ang mga tapat niyang konseho.

     Maliban sa maling kaugalian, tinalakay din ni Balagtas sa kanyang himagsik ang pananampalataya. Pinaniniwalaan ng mga Kastila na ang mga Moro ay hindi karapat-dapat respetuhin. Para sa kanila, ang mga Moro ay nakakasama sa Relihiyong Katoliko. Ngunit hindi sumang-ayon si Balagtas dahil para sa kanya hindi hadlang ang pananampalataya upang makagawa ng mabuti ang kapwa. Ito'y kanyang pinakita sa pagkakasundo ni Florante at Aladin. Magkaiba man ang kanilang sinasambang Diyos ngunit ito'y hindi naging sagabal sa kanilang pagkakaibigan.

     Maihahalintulad natin ang maling kaugalian  sa politika natin ngayon. Ang maling balita ay ipinapakalat sa bansa at dahil dito nasisira ang pangalan at dangal ng taong nasangkot sa sinasabing balita. Mabilis kumalat ang balita sa paggamit ng "social media". Madalas maniwala ang mga tao sa sinasabi sa "social media" kahit hindi pa nagpakita ng totoong ebidensiya ang manunulat. Hindi lang sa "social media" kumakalat ang maling balita. Ipinapakita din ito sa telebisyon at sa mga dyaryo. ( Silent No MorePh blog ."Seven Deadly Sens" Facebook.) (8,000 Extrajudicial Killing in the Philippines

     Maihahalintulad ko ang HIdwaang Pananampalataya sa bansa natin ngayon. Natatakot ang mga Kristyano sa mga Muslim dahil sa imaheng nakapaskil sa utak ng mga Kristyano na ang mga Moro ay mga teroristang gustong sumakop sa bansa .Ninais ng mga teroristang Moro na burahin ang relihiyong Katoliko at ito'y palitan ng Islam. Sa ganitong paraan, naging hadlang ang pananampalataya sa pagkakaisa ng bayan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Historikal na pgsusuri ni BalagtasWhere stories live. Discover now