Ambulansya

66 1 0
                                    

“Weeeeew weeew weeeeewwwwwwweeeeeewwwwwwwwww” tunog nang ambulansya.

 Madaming tao, isang duguang babae ang nasaloob nang ambulansya  pero di ko manainag   ang mukha sapagkat   natatakpan  ito  nang  ilang nakikioyosong mgatao.

Bakat pa rin sa aking mukha ang pagkagulat sa nakitang aksidente sa kalsada, para bang may gumugulong tanong sa aking isipan kung sino ang babaeng iyon nalabis na nagdulotsa akin nang pagtataka.

“Ano kayang nangyari sakanya?” tanong sa aking isipan.

“Pinatataybasiya?Nabundol? O ginahasa?” asan ako noong nangyari ang krimen” mga karagdagang tanong sa aking isipan. 

Habang naglalakad sa isang pasilyo, may nakasalubong akong kakilala ko at agad ko itong nginitiian at pinansin.

“Hi”, sabay kampay nang kamay habang nakangiti at patuloy na naglalakad.

Pero laking taka  ko nang hindi ako pansinin o ngitian man lang gayun pa man din patuloy pa din ako sa paglalakad at hindi na lang ininda ang pag walang pansin sa akin nang kakilala ko,

“Marahil wala lang sa mood ang taong iyon” sabi ko habang umiiling at nakangiti.

Biglang bumalik sa isipan ko ang nakalipas na aksidente pero sabay hinga nang malalim at patuloy na naglakad.

Habang naglalakad, sa parting unahan ay natatanaw ko ang lugar nadati kong tinatambayan,

“Dati madalas akong tumambay dito, kasama ang mga barkada at masayang nagsisitawanan, pero naging busy na sila at tuluyan ng nawalan nang oras sa isa’t isa gayun pa man mahal ko pa din sila ”  sabay upo sa bench sa si long nang malaking puno.

“Asan na kaya ang mga kumag nayun?Sila lang nakakaubos nang chichiryang dala kona  hindi pa man nakabukas ay nakaabang na, pambihirang mga kaibigan pero ni minsan di nila ako iniwan sa tuwing may problem aako. Asan na kaya sila?”

Napayuko habang pumatak ang aking luha sa mga naalala.

Ilang minuto pa ang  nakalipas ay umalis na akosa aking kinauupuan.

Pagdating sa bahay wala akong nadatnan ni isang tao.

“Asan sila?”,tanong ko.

Sabay higa sa sofa at nag-isip nang mga nagawa buong araw.

“Kanina  lang nasa Department Store ako kasama si mama, para bumili nang mga kailangan sa bahay” sagot ko.

“Ano pa ba ang nagawa ko? Yun lamang?”,sagot ko uli sa aking sarili.

Binuksan ang TV at nanuod nang balita.

“Isang dalagitaang nabaril nang isang holdaper sa loob nang Department Store, dahil di daw umano binigay ang kuwintas na kinukuha nang isang holdaper.” sabi sa balita sa TV.

“Tsk, kawawa naman, saang department store kaya yan?”,tanong ko  habang nanunuod.

Bigla akong kinabahan habang nanunuod at pumatak  ang aking luha nang makita ko ang pangalan nang Department Store. Agad akong pumunta sa hospital, nakita ko si mama umiiyak, mali pala ang akala ko, akala ko siya ang babaeng tinutukoy sa isang balita.

“Pero bakit umiiyak siya?” tanon ko sa aking sarili.

Biglang bumalik sa aking sarili ang alaala na minsa’y  n iregaluhan ako ni mama nang isang mamahaling kuwintas na bigay pa sa kanya nang kanyang ninuno, ngunit nang aking kapain ay wala na.

Dumungaw ako sa babaeng iniiyakan nang aking ina, nagulat ako at kahit anong sigaw ko at iyak sa isang sulok ay di na nila ako maririnig.

Ang babaeng nakahandusay sa isang morgue at duguan ay ang aking katawan na malamig na at di na maibabalik pa.

Ako pala ang babaeng kanina lang ay dala nang  Ambulansya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmbulansyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon