Ipinaliwanag ko sa tropa kung anong nangyari at bakit parehas kaming nasa CR. Para akong inuusig ng mga pulis sa katatanong nila, kulang na lang ay upuan at ilaw na nakasabit sa may ulunan ko.
"Buti na lang naexplain mo nang maayos," sabi ni Yazzi.
"At least nalaman kong faithful ka pa rin...sa akin," banat na naman ni Becky.
Sumingit si Maron, "Pare tandaan mo ha, naiintindihan namin na may feelings ka pa rin kay Rose. Pero pigil-pigilan mo rin ang sarili mo kasi nga may asawa na yan."
"Oo. Tatandaan ko yan. Sya nga pala, gabi na. Bumalik na kayo sa mga kwarto nyo. Mga amoy alak kayo."
Naiwan kaming dalawa sa kwarto ni Rose.
Pinagmasdan ko ang bestfriend ko na mahimbing na natutulog ngayon sa kama. The light from the lamp defined her curves, and her whole irresistible self.
Pinagmasdan ko siya. Those lips, eyes, hair, and hands which could have been mine had i had at least an ounce of courage to fight for her back then.
May mga bagay talaga na saka lamang natin malalaman ang halaga kapag nawala na sila sa atin.
Hindi ko na sya ginalaw. Balak ko pa nga sana siyang bihisan kaso ayoko nang idampi sa balat niya kahit isang dulo ng daliri ko. Kaya kinumutan ko na lang siya.
Hindi ko na rin siya tinabihan sa kama kahit kasya pa. Sa matress na lang sa gilid ng kama ako matutulog.
Saka ko pinatay ang ilaw. Pero di ako siguradong magiging mahimbing ang tulog ko nung gabing yun.
--------------
"WALANG HIYA KA! BAKIT KITA KATABI???? PAANO KA NAPUNTA SA HIGAAN KO!!! HAYUP KA!"
First time akong magising nang sinasampal ng isang babae hindi para gisingin ako mula sa bangungot kundi para gisingin ako dahil may bangungot na naghihintay sa akin.
"ANO BANG PROBLEMA MO!" napasigaw ako.
Nakita ko siyang nasa matress na rin at magkatabi nga kami.
"Di ba sabi mo sa akin ang rule mo ay sa kama ka matutulog at ako sa matress?" tanong ni Rose. "O bakit kita katabi ngayon ha? May balak ka sa akin ano? WALANG HIYA KA!"
Nakaabang na naman ang isang malakas na sampal mula sa kanya kaya pinigilan ko agad bago pa dumampi sa pisngi ko.
"Pwede ba! Hindi ako ang natulog sa kama. Ikaw ang natulog sa kama at ako sa matress dahil sa sobra mong kalasingan!" pagtatanggol ko sa sarili.
" Ah ganon? Babaliktarin mo pa ang pangyayari? Anong gusto mong palabasin ha? Na ako ang lumipat dito sa matress para tabihan kita ha?"
"Ganun na nga!"
"Ang kapal ng mukha mo!"
Napaupo si Rose sa dulo ng matress at umiyak.
" Kasal na ako James. Pwede ba tigilan mo na ako."
" Mali ang iniisip mo Rose. Walang nangyari sa atin. Lasing na lasing ka kagabi kaya dito ka na sa kama ko nakatulog. Hindi na kita ginalaw o kaya bihisan man lang kasi...babae ka. Kaya dito na lang ako sa matress natulog." Todo paliwanag ako sa kanya.
Di sya kumibo. Pumunta siya sa CR para maghilamos.
Maya-maya ay lumabas sya bitbit ang puting tshirt ko na sinukahan niya kagabi. Nakalimutan ko pala yun sa lababo.
"Sa yo ba 'to?" tanong ni Rose.
" Oo. Sinukahan mo ko kagabi. Kaya iyan, nakatopless ako ngayon."
"Sorry. Ako na ang maglalaba nito. Isauli ko na lang sa iyo sa susunod na magkita tayo. Nakakahiya kay tita (nanay ko) kapag nalaman niyang may mantsa ng suka yang damit mo."
"Ah, dont worry. Ok lang yan. ako na ang maguuwi."
"Nope. Makabawi man lang ako. Sorry kung pinagdudahan kita."
Hinayaan ko na siya sa gusto niya. Sabagay, paraan na rin yung pagsauli nya ng damit ko para magkita ulit kami at magkausap man lang. Isang bagay na magpapalago sa pag-asa na nararamdaman ko para sa kanya.
"May tanong lang ako Rose."
"Ano yun?"
"Bakit wala kang wedding ring na suot-suot?"
"May mga bagay na hindi na importanteng ipaliwanag pa, James. Kasi minsan, tayo dapat ang maghanap ng paliwanag tungkol sa mga 'to."
Napatingin na lang ako sa kanya, habang siya, nakatanaw sa mga bangka sa dagat.
"I feel this certain connection with those boats from the time I came here."
"Anong connection yun?"
"I dont know. Maybe, it's for you to find out."
BINABASA MO ANG
PLS. 4GIVE ME
RomanceKarma na siguro para kay James ang maramdaman ang naramdaman dati ng bestfriend nya nung binasted nya ito (lupet...lalaki ang nambabasted). Nasa huli talaga ang pagsisisi lalo na kapag inuna mo ang takot kaysa sa totoong nararamdaman mo. Pero ilang...