Chapter Fourteen

3.8K 165 22
                                    

"VEE! Oh my God, Vee! You need to come out in the lobby!"

Boses ni Apple ang narinig ni Nevada na tumatawag sa kanya. She was inside the big wardrobe room of Sparkle Magazine kung saan naroroon ang iba't ibang damit at gamit for pictorials. It was like a mini-warehouse of clothes and accessorie for men and women of all sizes and shapes. May ilang outfit kasi siyang tinitingnan doon na puwede niyang i-mix and match sa susunod na photo shoot.

"Vee, where are you?" Sumulpot si Apple sa gitna ng dalawang nakatayong mannequin na naka-1920s outfit. Humahangos ang babae, parang hinahabol ito. "Ayan ka lang pala!"

"What is it?" She just glanced at Apple then ibinalik niya ang atensiyon sa hilera ng mga damit.

"Grabe, hinahanap ka ng mga tao sa lobby!" Nasa mukha ng babae angmagkahalong excitement at amusement. "Halika sa labas, you have to see it! Grabe, as in."


"Sinong mga tao? Why? Ano yang grabe na yan?" Natawa siya kay Apple. Saka niya ibinaba niya ang isang sundress na binalak niyang ipares sa isang leather boots but changed her mind.

"Basta, malalaman mo din." Hindi na nahiya si Apple, hinawakan siya nito sa braso saka iginiya palabas ng wardrobe room, diretso hanggang lobby.

Napasinghap din siya nang makitang isang dosenang delivery boys ang nasa lobby- lahat ay may dalang iba't ibang klase ng bulaklak, balloons, chocolates, basket of fruits, etc. Nagmistulang trade fair ang lobby nila, kulang na lang ay booth or kiosk!

"Para kanino ang mga yan?" tanong niya na napanganga.

"Apparently it's for you," sagot ni Rye na nakalapit sa kanila. Kinuha nito ang isang bouquet of flowers at iniabot sa kanya. "To the sunshine of my life talaga ang nakalagay?" Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.

Tinanggap niya ang flowers pero natatawa. "Para sa akin? Kanino galing?"

"It's from Fonzy. The prodigal boyfriend---" Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Rye.

"Ex-boyfriend," pagtatama niya sa photographer. Nakalagay nga ang name niya sa card.

To Vee, the sunshine of my life. Kinilabutan siya ha!

"Ah. Ex pala. Kaya pala ginawa tayong flower shop at gift shop dito," lalong napaismid si Rye but she saw that he wanted to laugh while looking at all the delivery boys.

"Kayo po si Ma'am Vee?" tanong ng tila pinakabata sa lahat. Gusto niyang magdeny at ituro si Apple but it was too late kaya tumango siya.

"Naku ma'am buti andito na kayo. May iba pa kaming delivery e," wika ng isa pang delivery boy."

"E anong gagawin ko sa mga yan?!" Isa-isang ibinigay sa kanya ang mga bulaklak at kung anu-ano pa.

Pati ang guard at ibang staff ay tumulong na din para hindi maging magulo ang lobby ng Sparkle.

"Grabe pala manligaw si Fonzy no?" komento ni Apple. "Big gesture talaga! Lahat yata ng flower shop sa Maynila ay kinontak."

"Siyempre sanay siya sa malalaking production number kasi artista ang parents. Kaya pati ang panliligaw, akala mo production number din," komento uli ni Rye.

Panglimang bouquet na ang hawak niya nang makita niyang nakatayo sa labas ng pinto ng Sparkle Magazine si Junie. Nakatingin ito sa dami ng mga nagdeliver sa kanya. He was holding something in his hand but itinago niya iyun. At bago pa niya natawag ang lalake ay umatras na ito at umalis.

Nakaramdam ng panghihinayang si Nevada.


PAGHINTO pa lang ni Junie sa harap ng barracks ay agad na lumabas sina Zack at Lester, na para bang kanina pa nakaabang ang dalawa sa kanya.

"O bok, bakit ang bilis mo?" May bitbit pang chichirya si Lester nang lumapit sa kanya. Ni hindi pa siya nakakababa ng kotse.

"Oo nga. Anong nangyari? Nagustuhan ba niya ang---" hindi naituloy ni Zack ang sasabihin nang makitang nakalapag sa passenger's seat ang three white roses. "Hindi mo ibinigay ang white roses?!" Shocked na napatingin ang mistah niya sa kanya.

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang nakita kanina sa lobby ng Sparkle Magazine. Mabigat ang katawan niya nang lumabas ng kotse.

"Ibibigay ko naman talaga dapat. Ang kaso, pagdating ko dun, buong Dangwa yata ang ipinadala nung Fonzy kay Nevada!"

"Anong buong Dangwa?" tanong ni Gibi na nakalapit na din sa kanila. Basa pa ito ng pawis mula sa pagtakbo.

"Labing-dalawang delivery boys ang naabutan ko sa Sparkle Magazine kanina! Lahat may dalang mga bulaklak, chocolates, balloons -- all the romantic works!"

Napanganga ang tatlong mistah sa sinabi niya.

"Nagmukha tuloy lantang pechay ang bitbit kong three white roses kanina dun!" dagdag na sumbong niya sa mga mistah.

"Grabe. Ganun ba manligaw ang mga mayayaman?" tanong ni Lester. "Nag-aadik sa mga bulaklak?"

"Ewan ko ba. Kaya umalis na lang ako na hindi man lang nakausap si Nevada.

"Bok, gusto kitang i-power hug." Bigla siyang niyakap ni Zack saka tinapik-tapik sa likod. "Babawi tayo bok. Babawi tayo, promise."

Bigla siyang kumalas kay Zack. "Hindi power hug ang kelangan ko bok kundi isang matinding power move."

Nagsimula siyang maglakad papasok sa barracks. Sinabayan siya ng tatlong mistah na halatang napapaisip na din. Hanggang sa tapat ng kuwarto niya ay sumunod sina Lester pero hindi na muna niya pinapasok ang mga yun.

"Bakit ayaw mo kaming papasukin?" angal ni Gibi. "Pag-usapan natin 'to bok."

"Matutulog na muna ako. Baka sakaling mapanaginipan ko kung ano ang dapat gawin."

Hindi na nag-insist pa ang tatlo niyang mistah kaya kahit papano ay nagkaroon siya ng chance na magpahinga. Feeling kasi niya ay mas napagod siya that day kesa sa normal na araw niya sa battlefield! Nakatulog tuloy siya at di na niya namalayan ang oras. It was already 9 in the evening nang magising siya. Hindi agad siya bumangon pero mayamaya ay nakaramdam siya ng gutom kaya lumabas din siya ng kuwarto.

"Bok, buti naman at gising ka na!" wika ni Timmy na palapit sa kuwarto niya. "Akala ko ay mahihirapan akong katukin ka."

"Bakit?" tanong niya kay Timmy. "Saka di ka ba uuwi sa inyo?" Sa labas lang kasi ng Villamor Air Base ang bahay ng lalake kaya minsan lang ito matulog sa barracks nila.

"Sabi nina Zack may importanteng meeting daw ngayon kaya andito ako."

"Class meeting? Bakit, may nangyari ba?" Nagtungo sila sa dining area.

Nagulat siya nang makitang naroroon sina Lester, Gibi, Zack, Mags, Garic at iba pa. May malaking white board din na nasa unahan.

"Ano yan?" tanong niya habang nakatingin sa mga arrow na nasa white board. Nang makalapit ay laking gulat niya nang mabasa kung ano ang mga nakasulat.

"TACTICAL MOVES?!" Napatingin siya kay Zack na may hawak na white board marker. "Gather intel? Ano tong mga to?!"

Ngumisi lang si Zack. "Relax ka lang bok. We got you."

"Anong we got you?!" Napatingin siya sa ibang mistah.

"Bok, di ka namin puwedeng hayaang mabigo," wika ni Garic.

"Baka akala ng Fonzy na yun, small time ka lang, bok," ani Lester.

"Kaya kami na mismo ang nagkusang gumawa ng strategy para sa'yo," sabad ni Gibi habang umiinom ng fresh milk.

"Strategy, tapos naka-white board pa?" Di niya alam kung nang-iinis ang mga mistah or seryoso. Pero gusto niyang matawa at maiyak. "Hindi naman ako ganun ka-desperado no!"

"Bok, kami ang nakakaramdam ng pressure mo. Desperate times na to kaya kelangan na ng tactical moves," sagot ni Zack. "At natural, kelangan din ang white board dito. Alam mo na, sanay tayo sa briefing na may white board bago magpalipad ng military aircraft."

"Isipin mo na lang bok na sasabak ka sa battlefield at kami ang strike wing mo," wika naman ni Lester. Tango naman lahat ng mga pilotong nandun.

Nawala ang gutom ni Junie sa pinagsasabi ng mga mistah niya.

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon