chapter 11

24 4 0
                                    

"My dear students,  I'll be gone for two weeks they sent me out on an urgent errand expect a long test next next week please study

Love Professor Ramirez " basa ni dambo sa binigay na papel ni Mrs. Principal

agad nagtalunan ang mga kaklase kong adik sa absents at isa na si mike doon,Tinulak tulak pa ako ni mike sa saya tinampal ko ng mahina ang balikat niya

Tumalon rin si dambo syempre sa laki at taba niya umalog ang classroom napatigil naman ang buong kaklase namin at napatingin Kay dambo na hindi pa rin tumigil sa kakatalon


Ang saya talaga niya eh no? Feel na feel niya ang pagtalon eh tumigil naman Ito ng mapansing nasakanya ang attensyon ng buong klase Nagpeace sign ito

nagsiligpitan na ang mga tao ng gamit ang iba naman nagplaplano na kung Anong gagawin nila sa dalawang linggong walang klase; ako? nanatili parin sa upuan ko nanunuod sa mga busy kong Mga classmates habang pinapakpak ang Milo

Wala namang nagrereklamo sa ginagawa ko Siguro nasanay na sila dahil mula highschool ginagawa ko na ito pag nauubos yung chocolates ko. hindi naman ako nadadiabetes syempre nagsasawa rin ako sa Milo at chocolates minsan tinitigilan ko yung pagkain ng matatamis

Dalawa o tatlong buwan lang ang limit nang pagpipigil ko di rin naman na sisira ngipen ko syempre five times Ako nagtotooth brush a day

agad Sumama ang mukha ko at napatingin sa babaeng humablot ng Milo ko humarap ako sakanya at readyng ready na siyang bulyawan,Yung sama ng Mukha ko napalitan ito ng kunot sa noo ng makilala ko ang epal sa pagkain ko ng Milo

"you're weird" maarteng wika nito at tinignan ang Milo ko

Naubusan na ba siya ng matripan niya at ako naman ngayon ang napili niyang itrip dahil kung; Oo baka matripan ko ring masikmuraan siya at maihatid siya ng hospital ng di Oras

"talaga? thank you" sagot ko sakanya

pasalamat siya at wala ako sa mood makipagsuntukan ngayon, tumaas ang isang kilay nito dahil sa sinagot ko. Siguro nag-eexpect siyang sasabayan ko rin kabaliwan niya o di kayay matatakot Ako sakanya

Well Dela Vega yata Ito marunong akong umiwas sa gulo

"I concluded that you're really weird talaga" pag-uulit niya

Kala niya maiinis niya ako?tumango tango ako at nagsimulang maligpit ng mga gamit ko

"hindi mo kukunin itong Milo mo?,ang yucky kasi eh" inabot niya ito sakin umakma akong kukunin sakanya Pero itinaas niya ito

"get it! " panghahamon niya saakin

tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko, nakuha niya nga attensyon ng mga tao dito sa room Tama nga sila she's an attention seeker

"Alam mo patricia Kung gusto mo iyang Milo ko Pwede mo namang hingin ng Maayos eh saka OK lang naman marami ako niyan" aalis na sana ako ng hilain niya ang braso at hawakan Ito ng mahigpit

Napatingin siya sa Mga tao, si mike at hanna naman ay pinipigilan ng mga kaklase kong makalapit saamin yan yung problema ng mga tao dito eh gusto nila ng intense

"I don't like your Milo it's eww" Ano ba talaga problema ng babaeng Ito saakin? Kung gusto niya nang away puntahan niya yung tambay doon sa kanto

"Ahh nakuha ko na!  Ayaw mo sa Milo diba? gusto mo maiba?  Bumili ka ng Alaska at iyon yung pakpakin mo para maiba ka naman" tinignan ko ang kamay niya na mahigpit na Naka hawak sa braso ko mas lalo pa itong humigpit dahil nainis ko yata siya


"watch your words Dela Vega" banta nito sakin

Hinawakan ko yung pulsuhan niya at inilapit ko siya sakin

"wag mo rin itong simulan de guzman" paganti ko ring banta sakanya lumuwang ang mahigpit na pagkahawak niya braso ko tumalikod ako at naglakad paalis

"China!" Tawag nito sakin nilingon ko siyang muli nandoon siya sa garbage can itinapon niya iyong Milo ko

"Tama nga sila. China talaga Nick name mo kasi peke ka" ikinuyom ko ang kamao ko

Pinapakalma ko ang sarili ko baka mabigla ako at masugod ko siya ng wala sa Oras

"hey guys wanna know why her Nickname is china?  Cause her name is maiden and she's maiden China" humalakhak siya

Siya lang ata natawa Tama nga sila baliw na nga siya

Sabi nga ni thirteen

"I don't give a damn for nonsense"

Isa siyang malaking nonsense Kaya Bakit ko aaksayahin iyong Oras ko sa isang nonsense na kagaya niya

"hey wait! were not even yet! Don't go China" kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at muli ko siyang hinarap

"Alam mo Kung wala kanang matinong masasabi bumili ka na ng kausap mo kasi sinasayang mo Oras ko"

" Peke ka! Yung mga ngite mo yung tawa mo yung sayang pinapakita mo sa mga tao It's all fake Pati sa mga kaibigan mo peke ka!"

"wala kang alam de guzman " sigaw ni mike sakanya mas tumaas pa ang kilay niya,Ngumise ito

"ANO BA BITAWAN MOKO! " pagpupumiglas ni hanna

"really? Sa pagkakaalam ko exactly sa 13th birthday niya namatay ang parents niya Pati petsa nakiuso na rin. diba March 13,2013 birthday mo? Yan rin iyong petsa na namatay rin yung parents mo, you're such a pathetic, para kang pagong you're such a coward tinatago mo lahat yung mga emotions mo para masabihan ka ng Mga taong matapang ka Pero Ang totoo mahina ka! hindi ikaw iyong maiden na kilala ng mga tao ngayon! "


Iniiwasan kong umiyak sa harap niya magmumukha pa akong kawawa pag-umiyak ako




Peke ba talaga ako?  Maaring hindi totoo yung pinapakita ko sakanila maaring ibang maiden ang kaharap nila Pero naging totoo ako kela Mike at hanna

Pilit ko namang ibinabalik Ang totoong maiden ah


yung maiden na masayahin, yung maiden na mahiyain,si maiden na iyakin, si maiden na ang kakampi lang ay si mama at Papa at yung maiden na kahit mahiyain siya Kaya niya paring ipakita ang kakayahan niya

Ano nga ba ako ngayon?


ngayon?


Maaring ako iyong maiden na matapang, maiden na palaban, maiden na makapal ang mukha, maiden na nabubuhay na mag-isa ,maiden na natatakot ipakita sa lahat ang nararamdaman niya, maiden na hindi marunong ngumite ng totoong ngite at maiden na nagtatago sa isang maskarang hindi naman sakanya


tumingin lang ako sa ibabaw ng room para kasi pagtumingin pa ako sakanya tumulo pa luha ko

Ngumite Ako ng mapakla hindi nga ako iyong totoong maiden na totoo sa sarili niya, Pero itong maiden na ito? Ito yung maiden na nagturo saakin Kung Paano maging independent Kung Paano mabuhay na nag-iisa at walang tumutulong

kung Paano niya mabubuhay ang sarili niya na wala ang tulong ng iba

"hindi ka lang pala inggitera at Pakialamera. de guzman di ko aakalaing stalker pala kita" natatawang sabi ko sakanya

"Hindi ko aakalaing yung stalker ko ay mas kilala pa ako kesa sa sarili ko. keep up the good works mang stalk ka pa, Alam mo kung ako sayo kikilalanin ko pa Muna yung sarili ko bago ko kilalanin ang sarili ng ibang tao, mas lalo mo pa kasi pinaglalandakan sa karamihan Kung sino ka talaga Kung ako sayo gayahin mo ako maging China Karin " iniwan ko silang lahat na nakanganga

falling for challenge(Montefalco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon