Natasha's POV
Tahimik kaming apat na busy sa pagre-review. Nandito kami ngayon sa school library. Puspusan ang pagre-review namin dahil next week ay Quarterly Exams na.
Tiningnan ko si Oyang na nasa tapat ko. Busy sa pagbabasa ng reviewer nya sa Biology. Si Lino naman na katabi ni Oyang ay nagsusulat pa lang ng kanyang reviewer. At ang katapat ni Lino at nasa tabi kong si Mutya naman ay nagre-review sa Math. Ako? Nothing. I'm just pretending na nag-aaral ako. Pero ang totoo talaga, kanina pa akong distracted. Ang dami ko kasing iniisip.
At dagdag pa sa isipin ko tong si Mutya at Lino. Almost two weeks na silang laging ganito. Hindi nagpapansinan.
"Tasyang, may pambura ka ba sa bolpen?" tanong nya,
"Ah..ehh...wala. Ikaw Mutya?" sabi ko at ibinaling ang tingin kay Mutya,
Imbis na magsalita ay iniabot lang sakin ni Mutya ang white out nya, when she could've just given it to Lino who's already right in front of her.
Iniabot ko yun kay Lino at ngumiti naman sya sakin. Tapos ginamit na nya.
Nagpatuloy na ako sa pagpe-pretend na nagre-review ako. Hay..alam ko na to eh.
Ipinatong ni Lino yung white out sa harapan ko nung matapos nya yung gamitin. Saka ko yun ipinasa kay Mutya.
Tinitigan ko si Oyang at hinintay kong mapatingin din sya sakin. After ng ilang seconds ay napansin nya ring nakatitig ako sa kanya.
Ipinoint ko yung nguso ko sa dalawa. Tiningnan naman ako ni Oyang na parang nagtataka at tumingin din sya sa dalawa. Then he shrugged.
Tumayo ako at naglakad palabas without saying anything at naramdaman ko ding kasunod ko na si Oyang.
"Ano bang problema nung dalawa?" tanong ko nung makalabas kami ng library.
"Kung ano man yun, hindi na natin dapat problemahin." sabi nya,
"Hayyy Oyang naman, di ka ba nag-aalala. Halos dalawang linggo na silang nagkakaganyan." sabi ko,
"Eh, baka naman gusto lang nilang ituon ang pansin nila sa exams." sabi ni Oyang,
"Ah basta, may mali talaga. Kaylangan natin silang pag-ayusin." sabi ko,
"Tasyang, hindi mo na problema yun. Hayaan mo na sila."
Sabi ni Oyang. May point nga pala sya. Yung mission ko ang dapat kong problemahin pero kasi, si Mutya at Lino, they've become my friends and I just can't let them stay like that.
Bumalik na kami sa loob ng library sa kinauupuan namin, busy pa din sa pagre-review ang dalawa. Nakaka-miss yung Mutya at Lino na walang umay sa pagbabangayan.
...
"Ahem.." tumikhim muna ako para makuha ang atensyon ng lahat na busy pa din sa pagre-review, nakaupo na kami ngayon sa damuhan at kumakain ng lunch,
Napatingin sakin si Oyang, Mutya at Lino.
"Ano sa tingin ninyo, pumunta kaya tayo mamaya sa plaza at nang makapag-relax naman tayo. Hindi ba kayo nagsasawa sa pagre-review?" sabi ko dahil Friday naman ngayon,
Oo nga pala, wala kaming practice dahil busy ang lahat sa pag-aaral para sa exams.
"Kayo na lang, ngayon ang huling araw ko para tapusin yung parusa." sabi ni Mutya at ibinalik na ang atensyon sa pag-aaral,
"Tutulungan ka namin para madali mo yung matapos." sabi ko at ibinaling ko ang tingin ko kay Oyang,
"O-oo nga." sabi nya, buti naman at nakisama sya,

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...