Athena's POV
Habang patuloy akong tumatakbo ay tinigtignan ko yung form na binigay sakin. Sakto at nakalagay doon kung saan ang classroom ko. At kung sino ang teacher ko ngayong first subject.
Babae. Babae ang teacher ko ngayon. Bigla akong napaisip na sana huwag namang ubod ng sungit.
FV Building 101. Eto na yon. Sigurado ako kasi eto ang nakalagay sa form ko.Kaya naman dali dali ko ng binuksan ang pinto sabay binati ko silang lahat ng may magandang ngiti "Goodmorning everyo- " pero bigla nalang iyon naputol at naglaho ang aking ngiti ng tumahimik ang lahat at tumingin sa akin lahat ng kaklase ko.
Awkward. Yan talaga ang masasabi ko. Kinikilabutan ako sa mga tingin nila. Na parang ako'y kinikilatis kung papasa ba sa kani-kanilang sariling panlasa.
*cough* ng marinig nila iyon ay agad nawala ang atensyon sa akin ng lahat. Ibinalik nila ang atensyon sa guro na hanggang ngayon ay nasa akin parin ang kanyang atensyon.
Napalunok nalang ako at napapikit. Huhu Lord! Ang sungit nyang tignan!
"So, goodmorning miss. What can we do for you?" Nakangiti nyang tanong sa akin. Dahilan para lalo akong kabahan. Para akong kakainin ng ngiti nya.
"U-uhm, g-goodmorning ma'am. I-i think na dito po yung room ko. Na-nakalagay po kasi sa form ko" ngumiti nalang ako ng mapakla para pagtakpan yung kabang nararamdaman ko.
"So i think your the last one, na kanina pa namin hinihintay?" Ngiting tanong nya sakin.
Napatango nalang ako bilang pagsangayon, sabay lunok ng laway. Mauubos na ata ang laway ko kakalunok.
Oh God, have mercy on me.Tumikhim muli ang guro at tumingin muli sa akin. "Can you come in front and start to introduce your self? Instead of standing right over there?" Mataray na sabi nya sakin. Psh. Huhu ang taray
"S-sure" at ngumiti ulit ng peke upang mapagtakpan ang aking pagkapahiya.
Lumakad ako papuntang harapan. Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay kaylangan. Gusto ko nalang mapaiyak dahil sa mga naririning kong mga mumunting mga bungisngis nila kaso pinigilan ko upang huwag lalong mapahiya.
Nang makarating ako sa harapan ay tumayo ako ng tuwid at humarap sa kanila. Tumingin sa gurong nasa aking gilid bago magsimula.
"G-good morn-ning everyo-" pero bago ko matuloy ang sasabihin ko ay bigla nalang nagsalita ang guro na nasa aking gilid
"Oh by the way, before you introduce yourself. Kindly fix your hair?" Sabi nya. Dahilan para mas maging malakas ang ugong ng bulungan at tawanan sa paligid.
"Quite class!" Suway ng guro sa aking mga kaklase.
Agad ko namang inayos ang kulot at sabog kong buhok. Gosh! Nakakahiya bat kasi di ko ito sinuklay kanina?
Tumikhim muli ang guro at tinitigan ako dahilan para mapayuko ako. "You can introduce yourself now"
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko na kanina ko pa pinipiligilan para hindi ako mapaiyak sa harapan nila.
"Good m-morning. My name is Athena Ruiz P. Stanely. 18 years old." Nagbow ako pagkatapos magpakilala at tumingin muli aking guro na may tingin na nagingilatis.
"Do you think na kabilang ka talaga sa klaseng ito?" Tanong nya at kiming napatango na lamang ako.
"You may take your seat. " kagad naman akong naputol sa pagiisip ng magsalita ang guro.
Tumingin ako sa buong klase at naghanap na bakanteng upuan. Huminto ang mata ko sa bakanteng upuan kaya lumapit ako don.
Dulo. Bandang dulo ang upuan na iyon. Sakto. Ayaw ko sa harapan. Masyadong pansinin ng mga guro. Pero nakikita ko pa naman ng maayos ang mga nakasulat sa board kahit na nakasalamin ako at naririnig ng maayos ang sinasabi ng guro sa harapan.
"So goodmorning class. Kumpleto na tayo, kaya maari na akong magsimula." Ang taray nya talaga. "Oh. I forgot to tell you guys. My rules, and you need to obey it wether you like it or not. Kapag nagsasalita ako sa harapan. Gusto ko ako lang, wala nang iba! Right Mr. Santiago?" Mataray nyang saway sa magkatabing lalaki at babae na kanina pa nagdadaldalan with matching landian. Parang magjowa? Psh. Magbbreak din naman. Kaasar.
*cough* "Second!" With matching hampas pa sa table kaya, Napapatalon kami sa gulat. "Ayoko ng late!" Huhu boom! Ang sakit tamang tama sakin. "By the way, Once you are late na don't you dare to enter in my class. You might regret it my dear students." Banta na iyan eh! Bawal na yon diba?Yung ginawa nya sakin kanina. Child abuse! Ano ngang batas yon? Hmmp. Dapat pala law ang kinuha ko.
" Ms. Gemma Rocconcillo- is my name. 31 yrs of age. Master Teacher lll and I'm gonna be your science teacher. For. The. Whole. School. Year." Pagpapakilala nyansansarili nya. Emphasizing her last word.
"That's all for now students. Madadagdagan pa yan habang tumatagal. See you tomorrow." Salitang nakapag pahinga sa amin ng maluwag. Pagkalabas na pagkalabas nya ay sari saring panlalait, reklamo at pagpuna na ang narinig ko. Galing sa aking mga kaklase.
"Duhh. Girl di bagay sa kanyang masungit"
"Sarap sampalin!"
"Tsk. Lagi pa naman akong late magising."
"Ugly teacher!"
"Kahit ang ugly ni ate girl. Di parin naman tama yong ginawa nya."
"Tanda na pala nya"
"Matandandang dalaga?"At marami pang iba na pumuno sa apat na sulok sa aming silid aralan. Well, di ko naman sila masisisi eh. Umpisa palang ng klase ay namamahiya na.
What a terrible terror teacher we have.
A/N. Happy 42 reads? HAAHAHA. Srsly guys? I don't know na kung ano ang susunod kong isusulat para sa next chap. Btw. Thank you sa mga votes, and keep on voting guys. Salamat :) Click the ⭐️ button :)
BINABASA MO ANG
Unrequited Love (On-Hold)
Fanfiction"Unrequited love". -- or one-sided love is love that is not openly reciprocated or understood as such by the beloved. The beloved may not be aware of the admirer's deep and strong romantic affection, or may consciously reject it.