Zylle P. O. V
Pagkapasok ko palang sa classroom pinagkukumpolan nila yung upuan ko. Ano namang nandon?
Bigla naman sila nagsiupo ng makita ako
"Zylle may bulaklak at chocolates sa mesa mo. Ganda mo girl " Sigaw
ng isa kong kaklaseTss para don lang maganda na agad .
"Iba talaga kapag malandi " Sigaw ni Rizalyn problema naman nitong babaeng to? Tsk dimo nalang pinansin
Pumunta agad ako don at yun nga nakita ko. Kilala ko naman kung kanino to but this time wala ng letter yon pa naman hinihintay ko.
"Bigay yan ni Brylle nakita ko " bulong saakin ni Alex
"Alam ko. binigyan nya nanaman ako ng ganyan kahapon " sabi ko sa kanya. Bigla naman syang nagulat sa sinabi ko ano naman nakakagulat don
"Nageeffort nga naman. Patawarin muna kasi para yon lang naman ikaw naman talaga mahal n..." hindi na nya tinuloy yung sasabihin nya dahil tinignan ko na sya ng masama.
"Sorry " sabay peace sign pa.
Hindi naman ganon kadali ang magpatawad lalo na kung nakita talaga mismo ng dalawa mong mata yung pangyayare
Okay lang naman na naghalikan sila nong Rizalyn na yun iisipin ko pangyung babae ang may gusto non. Pero yung marinig sa mismong bunganga ni Brylle na Mahal pa nya ito yon ang di ko mangtanggap. Ansakit non sobra
Mahal nya ako pero . Mahal rin nya yung Rizalyn na yon. So ano yun?
"Tama na ang iyak. Smile " Tapik saakin ni Alex. Kahit kelan talaga to alam ko naman na pinapatahan lang talaga nya ako.
Ang tagal na pala namin ni alex dito simula nong magtransfer kami Maganda naman walang problema walang kaming nakaaway . At wala kaming naririnig kung ano ano tungkol saamin. Hindi ako nagsisisi na lumipat kami rito
"Goodmorning. Zylle and Brylle punta kayo kay Dean mamayang uwian may sasabihin ata sainyo " Sabi nong secretary ni dean. Tumango nalang ako ganon din ang sagot ni Brylle
Ito ang ayaw ko eh kung kelan iniiwasan mo yung tao don naman kayo pinaglalapit. Ano nanaman ba balak mo tadhana?
"Well well well. Kaya pala naging president dahil ginamit nya si Brylle " Nakatayong pagpaparinig ni Rizalyn. Nakuha nya lahat ng attention naming lahat tumingin ako sakanya ng masama
Ayoko ng away kaya hindi ako nagsalita tumingin lang ako sa labas
"Manggamit. Diba sis? " Sabi nya pa ,pinipigilan naman sya ni Brylle pero hindi parin sya tumatahimik. Hindi na ako nakapagpigil kaya tumayo narin ako para magsalita
"Ano bang problema mo? " tanong ko sakanya wala akong emosyong nagsalita
"Well ang problema ko lang naman is manggagamit ka. Malandi, mangaagaw " Pasigaw na nyang sabi. Pinipigilan parin sya ni Brylle
Tinignan ko naman si Brylle. Tinignan nya rin ako yung tingin nya parang nagsasaad na "please tumigil na kayo " pero di ko yun pinansin
"Anong connect ng manggagamit sa malandi at mangaagaw? " tanong ko. Wala paring akong emosyon. Nakakapanggigil na
"Well ginamit mo lang naman si brylle para ikaw ang maging president . At nilandi mo sya kaya naging kayo and mangaagaw ka kasi nawala lang ako nasayo na sya "Taas kilay nyang sabi
"Hindi ko sya ginamit. Tao ang bumoto, Hindi ko sya nilandi nagpalandi sya. Hindi ko sya inagaw pano ko naman sya aagawin kung mahal ka pa nya " Taas kilay ko ring sagot. Diko alam kung saang lumalop ko nakukuha lahat ng lakas ko para makipagsalitaan dito
"Ganon parin yon. Hindi na bale nasaakin na ulit sya " pagdidin nya pa. Edi sayo lamunin mo
"Sa ngayon " sabi ko bago umupo. Ayoko na makipagaway wasting of time
"Uh.. Ohh" sabi nalang ng mga kaklase ko.
"Sa ngayon " paguulit ng nasa gilid ko na si alex pala. Ginaya pa pati boses ko. Tsk pati ba naman to Hindi ko alam kung saan ko napulot yung salitang yon
Hayssssssst!
"May paganon ganon pa " Natatawang saad ni alex. Tumingin naman ako saknya bigla syang tumino. Tinaas nya pa yung dalawa nyang kamay na parang sumusuko
"Shut up " maotoridad kung tugon kaya tumigil na sya
Ilang minuto pa
RECESS NA PALA Diko namalayan . Nawawala utak malapit pa naman na exam
"Zylle. Recess naman na tayo ah gutom na ako " Pagmamakaawa ni Alex
Bigla naman may nagabot ng pagkain saakin
"For you. Eat it ,hindi ka na daw kumakain sabi ni tita " Pagkasabi nya non lumakad na sya papunta sa upuan nya.
"O ayan kainin mo " Bigay ko kay alex. Ito naman babaeng to kinuha agad ng walang thankyou na sinasabi
Told ya di ako gutom. Tumingin ako kay brylle diko alam kung sino ang nagtulak saakin para tignan sya nakatingin lang sya sa malayo malalim ang iniisip
Alam ko nakita nya na binigay ko kay alex yung binigay nya. Edi ibabalik ko saknya ayoko nga diba di ako gutom tss.
Tumingin ako sa labas at nakita kong paparating nayong Bruhitang Rizalyn kasama si Rhianne kung titignan mo sila magkamuhkang magkamuhka talaga sila (Kambal nga diba zylle) maliit lang ang buhok ni Rhianne while si Rizalyn Mahaba parehong pareho sila. Maldita
"Ano? " Taas kilay nyang tugon hindj ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitigin ko saknila
Inirapan ko nalang sya. Bakit ba bumalik pa sya? Nanggugulo lang ha?
Gustuhin ko mang malaman kung bakit sya lumipat pero wala akong pagtanungan. Busy naman si alex na kumakain hiya naman ako sa binigay ko na dapat saakin. Di pa nagthankyou, kaya siguro mamaya nalang ayoko naman syang istorbuhin
Antagal naman ng oras gusto ko ng matapos tong araw na ito. Naalala ko pa, mamaya pala may gagawin kami kasama ko pa sya. Bat ba kami pinaglalapit? Bakit ba kami pa pwede naman si Paolo at Alex. Tsk tsk
"Nakabusangot kananaman dyan" gulat pako si alex lang pala.
"Thankyou ah " pagiinis ko sakanya kahit kelan talaga tong kaibigan ko
"Hehehehe. Salamat sa pagkain " Sabi nya. Natatawa tuloy ako sa muhka nya
Hindi kuna naiwasan na hindi mapatawa. Nakakatawa naman kasi tong babaeng to
"Sucess napatawa rin kita " Tumalon pa sya kaya pinalo palo ko sya.
Mahalata kami eh
_____________
HOPE YOU'LL LIKE IT. DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS
ADD MY FACEBOOK ACCOUNT
Jermelle Wardell Curry 💖

YOU ARE READING
Too Much Perfect To Be Loved (COMPLETED)
Teen FictionPrologue : Paano kaya kung kakasimula palang pero bigla nalang may bumalik para kunin ang dating sakanya The best things come to those who don't give up. 'Ang kay Zylle ay Kay Zylle lamang ' Minsan talaga may mga taong iniwan kana nga tapos pag n...