C h a p t e r 44

17 0 0
                                    

Zylle P. O. V

Gaya ng dati magigising ka nalang na may mabigat kang dinadala . Kelan ba to matatapos?  Mas gusto ko nalang matulog atleast natatakasan ko ang lahat.  Like what i'd said yesterday

I love sleeping.  I suddenly  forget all my problems

Pero kagabi hindi ako masyadong nakatulog dahil sa iniisip ko lahat ng sinabi ni mommy.  Ang lakas ng Impact saakin non

Matapos ko gawin lahat ng morning roitine ko bumaba na ako para sana kumain kaso nawalan na ako ng gana ng makita ko syang kumakain kasama ni mommy .May bulaklak nanaman sa tabi nya

Magsasawa karin Brylle. Swear

"O andyan kana pala baby,  Come here saluhan mo kami" Nakangisi pang sabi ni mommy.  Nginitian ko lang din sya athindi ko pinansin si Brylle

"Hindi na po. Sa school nalang po ulit,  Alis na po ako " Sabi ko.  Hindi na ako lumapit para halikan si mommy tinaas ko nalang yung kamay ko at wave

"You must eat your breakfast. Sabay na tayo pumasok " sabi saakin ni brylle

"Hindi na " sagot ko naman

Umalis na ako ayoko nasyang makita pa.  Bakit pa araw araw nalang syang nandito? Hindi ba sya nagsasawa na palaging narereject

Gaya ng sinabi ko kanikanina lang .  Magsasawa rin sya kasi sa una lang lahat. 

Nagpara na ako ng taxi at nagpahatid sa school

Ilang minuto lang nakarating na ako nagbayad lang ako at bumaba na

Magkakasama nanaman kami mamaya. Tsk bat ba kasi kami pa ang inutusan para dito

Pumasok na ako sa classroom . Bumungad saakin ang nakataas na kilay ng Rizalyn na to

Tinaasan ko rin sya ng kilay.  Ano bang problema nito?  Wala naman akong ginagawa sa kanya

"Well well well.  Nandito na pala yung malandi " Ayan nanaman yung well well well nya tsk.

"Can you please shut up your mouth" Inirapan ko sya bago umupo.  Kung gusto nya ng away wag puro salita boxing nalang oh.  Bwisset kasi! Gigil na nya ako

Bigla namang pumasok si Brylle na maydala na pagkain. Kaya tumahimik na sya tsk

Nung dumaan sya saakin binigay nya saakin yung pagkain.  Hindi ko sana kukunin kasi nga gusto kong magsawa sya kaso alam nya ata na hindi ko kukunin kaya iniwan nya  sa mesa ko. Tsk

Magsasawa ka rin Brylle

"Kainin muna.  Alam ko gutom ka. Kung ayaw mo akin nalang " Pabulong bulong pa tong babaeng to di palang kunin kung gusto rin naman pala

"O ayan sayo na " sabay saksak ko sakanya nung pagkain.  Kahit gutom man ako binigay ko nalang titiisin ko nalang magutom

"Share tayo" kapal talaga ng muhka no.  Walang paligoy ligoy may kapal pang mahsabi ng share tayo.

Dahil sa gutom ako nakikain nalang ako.  Oo tama kayo nang nababasa nakikikain po ako sa kaibigan kung makapal ang muhka

Hindi kumuna inisip na galing to kay brylle gutom ako eh.

"Kakain rin pala tss. " Bubulong na nga maririnig pa kaya kinistungan ko sya

"Para saan yon? " tanong nya habang hinihimas yung ulo

"Ang daldal mo " sabi ko sakanya.  Hindi ata to nauubusan ng laway

"Alam mo ba kung bakit bumalik si Rizalyn" sabi nya habang kumakain parin tinignan ko sya nainteresado ako sa sinabi nya

"Kasi Ikakasal na sya " ano namang konek non?

"Anong connect? " tanong ko.  Hah?! Ang gulo naman

"Kasi gusto nya bago sya maikasal. Guluhin muna kayo, Nalaman nya kasi na meron na ulit nagpapatibok ng puso ni Brylle kaya nya kayo ginugulo ngayon.  Kasi hanggang ngayon mahal nya parin si Brylle kahit ikakasal na sya " Tinignan ko ulit sya kaso wala syang reaksyon kumakain lang sya

"Ang bata naman nya maitali.  Pero yung narinig ko yun ang problema " Bigla syang tumingin saakin

"Hindi ko alam.  Mas maganda kung papakinggang mo ang explanations ni Brylle " Bumalik ulit sya sa kinakain nya.  Wala na akong ganang kumain kaya binigay ko nalang sakanya yong tira ko

Ang muhkong naman kinain parin walang pinapalampas eh.

"Tapos kaya hindi na tayo pinapansin ni Rhianne kasi hindi nya matanggap na kayo na ni brylle at hindi na magiging sila ng ate nya.  Kaya ng minsay narinig natin syang kinuya nya si Brylle kahit kaage lang natin.  Kasi super close sila dati ni Brylle parang magkapatid ang turingan" Napa O ang bibig ko.  Hindi ko alam kung bakit dahil sa narinig ko siguro

Kaya pala ganon sya makitingin saakin minsan parang makakapatay na.  Hindi ko naman sya masisisi kung bakit sya galit saakin

"Malandi kasi yung ate nya . Kaya sila nagbreak ni Brylle tsaka sya pa ang nakipagbreak duhh lang " Gigil narin na sabi ni alex.  Tapos narin sya kumain

So kaya pala pagkalipat palang namin dito yun na ang naririnig ko na super nagbago ang ugali ni Brylle.  Kaya pala walang kaibigan si Rhianne kasi binabash ang ate nya kaya pati sya naisali

But still ayokong pakinggan si Brylle hindi madaling magpatawad. Kung talagang mahal nya ako bakit nya sasabihin na mahal nya parin si Rizalyn. 

Bakit ganon parin ang impact ni Rizalyn saknya kahit isang beses na syang sinaktan neto

Ganon rin ba dapat ang gawin ko kagaya kay brylle ang tanggapin parin sya kahit sinaktan na nya ako

Pero hindi madali eh.  Ansakit kasi!  Sobrang sakit.  Kung talagang mahal nya ako Dapat ako lang talagaaa diba?  Ano ba toh.  Ansakit sakit na ah

"You okay? " tanong saakin ni alex. 

Bigla nalang akong napaluha kaya niyakap nya ako

"Ansakit kasi eh, hindi ko matanggap . Kung talagang ako lang,  bakit nya sinabing mahal nya pa si Rizalyn " Bulong ko sakanya habang humihikbi.

Pagod na akong umiyak ng umiyak.  Pero hindi ko mapigilan

"Tahan na , Pakinggan mo kasi si Brylle. Kung talagang mahal mo sya ikaw na ang magadjust pakinggang mo sya.  Malay mo mali kalang talaga ng narinig " Pagpapatahan nya saakin.  Gagawin ko nga ba?  Ayoko  natatakot ako,  Masakit pa ayoko pa

Tumahan nadin ako pagkapasok ng teacher namin. Nakinig lang ako hanggang natapos ang paglelecture nya .

____________

Enjoy Reading.  HOPE YOU'LL LIKE IT.  DONT FORGET TO VOTE AND COMMENTS GUYS💖😍





Too Much Perfect To Be Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now