"Hay nako naman, Jia! Ilang beses ko sasabihin sayo? I'm not into sports! Lalo pa iyang football! I can't even play badminton, anuna?!" Nakaupo na kami ni Jia sa isang bench sa quadrangle para manood ng football training nang magreklamo ako.
"Sino ba kasing nagsabi na maglalaro ka? We will just watch, Leen. Relax!" Ngiting-ngiting sabi sa akin ni Jia at saka iniabot ang popcorn at coke in can. Akala ko ba training lang ito? Bakit may pa-popcorn si Mayora? I mean, anak ni mayora?
"Saka anuba! Lahat kaya ng players sa school ko, gwapo." Proud niyang sabi.
"Jia, ano ba talagang balak mo, ha?" Hangga't maaari'y hindi ako tumitingin sa mismong spot ng players, dahil kanina pa lamang na pag-upo namin ni Jia rito, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang tingin ng ibang mga babaeng naglalaro dito.
Siguro dahil bago ako sa paningin nila? Or dahil kasama ko si Jia. Si Jia'ng tinaguriang soccer chic ng school na ito. Hindi naman ako kokontra dahil, chic nga talaga si Jia, pero yung sa soccer? I don't really know dahil never ko pa siyang napanood.
"Leen, stop nagging! Sinama kita para may kasama akong manuod. Saka diba, isa sa mga choices mo ang school ko? Baka 'pag nakita mo 'yung mga players ng school ko, magpa-enroll ka kaagad!" Patuloy siya sa panunuod ng training habang ako ay iwas pa din ang tingin sa kanila.
"Jia, I need a school which can help me with my goals. And for now, guys aren't included." Nilingon ko si Jia— na wala na pala sa tabi ko at nakababa na at mistulang tinatawag ang mga lalaking pawis na pawis at hinihingal.
Obvious na tapos na sila sa training nila at marahil kilala nga talaga nila si Jia kaya agad natawag ni Jia ang mga ito. Saka ko lamang sila tuluyang nilingon nang sapilitan akong iniharap ni Jia.
There I saw eleven guys walking towards us looking like a model.
Isa-isa nilang kinausap si Jia habang ako'y pinanatili ang tingin sa lalaking nasa pinakagilid at hindi nagsasalita.
Mukha siyang pagod, mukha din siyang hot. Holy cow! Leen, what are you doing?!
"Oo nga pala. Guys, this is Leen. Kaibigan ko siya. Balak niyang mag-aral dito, some words, please?" Nalipat sa akin ang tingin ng labing-isang lalaking iyon. Napaiwas na lamang ako ng tingin kay number 19.
"Leen, this is Al, Austin, Third, Leo, Norman, Matt, Lucky, Vince, Kurt, Louis, and Ver." So, Ver ang name niya. Bakit sobrang ikli ata? Actually, lahat sila. Baka nickname lang nila iyon?
"Hindi mo pagsisisihan 'pag nag-aral ka dito, Leen. Al nga pala." Al? Siguro Alfonso ang name niya. Di kaya, Alberto? Alejandro?
"Nice meeting you, Leen. I'm Austin." Napangiti na lamang ako ng tipid. Masyadong binabagayan ng lalaking ito ang kaniyang pangalan. Sobrang gwapo ni Austin. Napaisip tuloy ako kung may halo siya? Hindi naman sa dinadoubt ko ang lahi nating mga pilipino pero, mukha siyang japanese eh.
"Yow, Leen! I'm Thirdee!" This Thirdee guy is tall. Mas matangkad lang ng kaunti si Austin. Thirdee. Would you name your son Thirdee even if your dad is not a junior? Okay so what nonsens am I blabbering.
"Leo." Sambit nung isa. Ay, very matipid siguro ito. Isang salita lang eh! But this Leo guy look like Austin. A little bit Austin.
"Norman nga pala, Leen. Hello!" This Norman guy is cute. Katamtaman lang ang height niya at nakabraces.
"Ako si Matt, Leen. Maganda 'tong school namin!" Itong si Matt naman ay mas maliit kaysa kay Norman.
"Totoo iyon, Leen! Lucky nga pala." Okay, this Lucky guy looks more matured than the other ten. Whatever, sports doesn't apply in just one level.
"Dami pang pogi! Including me. I'm Vince, by the way." This Vince guy is a chinito. Okay, you got it, you are one of them.
"Huwag ka maniwala dyan, ako talaga ang kabilang sa kanila. I'm Kurt." Binatukan ni Vince itong si Kurt sa narinig niya.
"Huwag mo na pansinin yang mga yan, Leen. Basta dito ka na mag-aral, nang malaman mo kung sino talaga ang pogi. Diba, Ver?" Kinalbit niya yung katabi niya. So si Louis yung nagsalita?
"Hello, Leen. Call me Ver." Maikli niyang sabi at saka lumaklak ng tubig.
Pakiramdam ko'y nag-slow motion ang pag-lunok niya na siya ring pag-bilis ng tibok ng puso ko.
Nabalik ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Jia. "Nice meeting you all, I'm Leen."
Pagkatapos ng saglit na kwentuhan ay agaran silang nagpaalam para magbihis. Itinuloy namin ni Jia ang kwentuhan tungkol sa labing-isang iyon. Hindi ko tuloy maalis sa utak ko si number 19. Or should I call him Ver?
Ayon sa kwento ni Jia, grade 12 na si Ver. Since gradeschool ay doon na ito nag-aral— same with Jia. Kaya kahit di binanggit ni Jia, alam kong close sila. Ilang beses na rin silang naging magkaklase.
Ewan ko ba dyan kay Jia, pati lovelife ng labing-isang iyon ay ikinwento niya sa akin. Halos lahat sila ay may girlfriend, o kaya'y nililigawan. At ayon kay Jia, si Ver ay wala pang girlfriend, at wala pa itong nililigawan eversince. Bukod kasi sa cold ito, torpe din siya.
Me too, Ver. I had a lot of suitors but I never had a boyfriend.
Pagkatapos ng isang oras ay nagpahatid na rin ako sa labas ng campus dahil may family dinner kami sa bahay. 4 pm na kasi, isang oras din ang byahe ko pauwi dahil traffic na.
Pagbaba ko ng shuttle sa tapat ng bahay namin ay natanaw ko agad si mommy, agad niya akong sinermunan. "Ano ba, Leen! Niremind ko naman sayo na may mga kasama tayo ngayong dinner ah? Nauna pa silang dumating kesa sayo!" Nag-sorry na lamang ako kay mommy at saka dumiretso sa loob ng bahay.
Mula sa pintuan ay nakita ko ang pag-upo ng tatlong estranghero sa dining. Dumiretso na lamang ako kay dad at saka bumeso.
Saka ko na rin tiningnan ang mga kaharap ngayon ni Dad at nabigla sa nakita kong pamilyar na mukha.
Natigil siya sa pag-inom ng tubig, very healthy siguro siya ano? Palainom ng tubig eh? Maski ako ay napatigil rin sa pag-hila ng upuan. Anong ginagawa niya rito?
Napakaaga pa naman atang magpakabait ni tadhana para ibigay ang lalaking kani-kanina ko lang hiniling.
Tumikhim si mom at saka ako kinalbit, "Magkakilala na ba kayo?" Ngumiti sila ng malapad.
Oh my god, mom! Wala tayong business na very fond of arrange marriage pero hindi ko ito tatanggihan!
Napatango ako at ngumiti ng matamis. "That's great then, Iha." Komento nung babaeng nasa 40's ata ang edad. Mommy siguro niya ito.
"Matagal kayo nawalay sa isa't isa. But now, it's a great thing pala na sinama ka ni Jia kanina, that's how you met him, right Leen?" Sabi ni dad na nakapag-palawak ng ngiti ko.
"But still I want to introduce him to your daughter, kuya."
Napalingon ako sa lalaking kasama nila, did he just called my dad, 'kuya'?
Ang alam ko ay walang kapatid si dad! Never pa niyang nabanggit sa akin na may kapatid siya!Tadhana, anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko'y unti-unting gumuguho ang mundo kong kanina lang ay napuno ng saya at pagmamahal? Bakit?
"Colleen, meet your first-degree cousin, Oliver."
BINABASA MO ANG
ONE SHOT: Jersey Number 19
RandomMay istoryang masaya, meron ding hindi. Ganoon ang buhay, hinding-hindi ka magiging masaya kung hindi mo pa nararamdamang maging malungkot. Balakajan