Habang pinagmamasdan ko ang litratong hawak ko ay hindi ko miwasan mag isip ng kung ano ano.
Maraming tanong na tumatakbo sa isip ko , tulad nalang ng:
* Ano bang purpose ko dito sa mundo.
*Bakit kailangan mangyari na mawala ka samin.
*Bakit kailangan iwanan mo agad kami ng hindi pa kami handa.
*Kaya pa ba namin makaahon ng wala ka.
*At kung ano ano pang mga problema.Bigla nalang pumatak ang luha mula sa mga mata kong habang hindi inaalis sa paningin ko ang litrato ng masaya at kumpletong Pamilya namin noong buhay pa si Papa.
"Papa miss ka na namin. Sana okay ka lang jan. Alam mo bang nakapasa ako sa Scholarship na inoffer sakin ng katrabaho mong si tito Alfred~"
Hinayaan ko lang ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko . Habang kinakausap ko ang litrato ni papa sa family picture.
"Alam mo ba Pa~ si Mama hindi na kumakain ng maayos dahil wala daw syang gana palagi. Dahil wala ka na daw. Papa nahihirapan si mama ng sobra dahil wala kana syempre pati kami ni ate Daisy apektado lalo na ko. Sana di mo agad kami iniwan nila mama at ate dahil di pa kami handa Pa~"
Nang hindi ko na kinaya ay humagulgol na ko sa pag iyak dahil sa pagkawala ni papa.
Ang hirap parin tanggapin na wala na yung lalaking laging nanjan para alalayan yung pamilya nya sa lahat ng bagay, yung tipong kahit anong problemang dumating kaya nyang gawan ng paraan para masolve .
Ang hirap umahon lalo na't alam naming gigising kami twing umaga wala na yung pag asang lagi namin pinagkukunan ng lakas ng loob ~ Si PAPA."PAPA~~~ sana di kana nalang nawala. Sana di mo kami iniwan. Sana di kami nahihirapan nila mama ngayon... Miss na kita Pa~ wala nang gustong makinig sa mga kanta ko ngayon. Wala na yung no.#1 Fan ko (T_T) ~~~
Kng pwde ko lang sana ibalik yung nakaraan gagawin ko wag ka pang mawala samin ... Papa Wag ka mag alala mag iingat kami palagi sana bantayan mo kami jan ha.. "
"I LOVE YOU PAPA. MISS NA MISS KANA NAMIN"
ang mga huling katagang lumabas sa labi ko bago yakapain ang litratong hawak ko...
Sa buhay hindi mo masasabi na lagi kang masaya .. lagi kang swerte at laging panalo...
May mga panahon din na madadapa ka at pakiramdam na wala ka nang pag asa pa.
Humiga ako at nagpahupa ng bugso ng damdamin. Kinuha ko ang cellpohone ko at pinatugtog ang paborito kong kanta kay papa. "Dance with my father".
Habang pinakikinggan ko ang kantang to pakiramdam ko nasa paligid lang si papa at nagmamasid sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag naririnig o kinakanta ko to..
Nakaramdam ako ng antok at dahan dahan pumikit ang mata ko hangang sa hindi ko na maimulat kaya hinayaan ko na ang sarili kong magpahinga kahit saglit.
Nagising ako dahil sa ingay ng isang alarm...
"Bwiset inaantok pa ko ee.. !! Ano bang oras na??" Saka tinignan ang cellpohone na nag aalarm.
Napabalikwad ako ng makita kong 15 minutes napang ay 7am na.
30 nalang ay timr na namin sa first subject.. hindi ako pwdeng mag absent dahil kailqngan ko ma-maintain yung grades ko kadi isa pang akong hamak na schoolar..Sa mga gantong kalagayan ay di na k9 nag aksaya ng oras. 10 akong naligo sobrang bilis sa regular na orad ng pagligo ko. At saka nagbihis ng uniform.pagtingin ko sa salamin ay nakita kong medyo namumugto pa ang mata ko dahil sa pag iyak ko kagabi.
Kailangan kong makaabot sa next subject ko kundi mapapagalitan ako ni sir Oliver nito baka tanggalan ako ng Scholarship kung ganto ko.
Pagka labas na pagkalabas ay . Pumara na agad ako ng sasakyan. Sa tricycle lang ako sumakay dahil matagal ang jeep dito dumaan. Walang 10 minutes nasa school na ko..
YOU ARE READING
My Mr. Swag~ |On-Going
أدب المراهقينBeing with the person who doesn't have any care with something or someone is very annoying. im a lovely girl and also a taught girl who ready to fight when someone is messing up with me. I don't have a Long patience so basically i easily get mad to...