HER POV

1K 25 3
                                    

“WOW!” O____O

Yan ang reaksyon nung dalawa kong kaibigan nung lumabas ako ng kwarto ko.

OA lang nu?

Ngayon lang nakakita ng tao, pagbigyan hehe.

Graduation Ball namin ngayon. Lahat ng estudyante at syempre pati kaming magkakaibigan ay sabik na sabik. Pero ang totoo hindi naman talaga ko kasali sa pagiging excited nila, mas gusto ko pang matulog sa bahay kesa magtagal sa school hanggang madaling araw.

Pinakahihintay to ng lahat.  Ang sabi kasi ng mga alumni ng school legendary daw ang graduation ball na ginaganap every school year, ang partner mo pagpatak ng 12nn ay maaring ang maging partner niyo in life.

Weh?

Di nga?

Paano nangyari yun?

Paki-explain.

Labyu!

Well, syempre para sa akin kalokohan lang yun. Ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo hindi ang kung anu-anong kasabihan o kung sinu-sino man.

At tsaka obvious naman, syempre parang pipiliin mo lang ang destiny mo dun diba? Bali yung gusto mong maging ka-destiny eh pupuntahan mo o isasayaw mo bago mag-12 midnight.

Parang ganito…

11:50pm hanapin si Crush

Hanap.

Hanap.

Hanap.

Kelangan mo ng matang lawin para mahanap mo siya sa gitna ng sandamakmak na tao…

Dapat mahanap mo siya agad.. at makasayaw para kapag

12 midnight na….

HOLA!! 

Huli ka balbon!

Jackpot!

Happy ever after na..

Kumbaga sa fairytale ikaw si Belle, Aurora, Snow White, Cinderella at kung sinu-sino pang Disney princesses na kinababaliwan ng mga batang babae at nagiging dahilan kung bakit nagiging bakla ang mga batang lalaki…haha chos lang!

Oh diba? Ang lupet. Kaya hindi ako naniniwala sa mga kalokohan na yan.

Okay!

Sige maniniwala na nga ko kung si James my Loves ang magiging partner ko haha.

“Hey Blairre! tara na! ayokong ma-late bakla!” sigaw ni Marvz sakin.

O siya tama na ang kwento…baka ma-late kami,  gulpihin pa ko ni Marvz,sayang make-up.

Si Marvz nga pala yung bestfriend kong bading. Grabe yan talande!

Halos lahat ng lalaki sa school crush niya…

“Eto na nga ohh?”- pagsagot ko.

“Girl, okay na ba yung feslak ko?” -Marvz

“Oo, foundation day este foundation night!  Bongga yung feslak mo bakla!” sagot ko.

“Salamat friend ha hindi ko malaman kung compliment ba yan o ano?”

^__^ yan lang ang sagot ko sa kanya.

“Hoy Marvz, tandaan mo kelangan si Papa Kian ang maka-partner ko bago mag-12nn, gumawa ka ng paraan bakla! Siya dapat ang maging destiny ko.”

Kitams? Asan ang destiny na sinasabi nila, ehh sila nga ang gumagawa nun…yung nagsalita si Kristel yan,  yung isa pa naming friendship.

YOU HAVE STOLEN MY HEART (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon