Natasha's POVI tapped my pen few times at napa-isip. Then I wrote my answer to the last question on my sheet.
Done. Quarterly exam finally is finish. But of course di ako nagpahalata. Binalik ko sa first page and then I wrote my name, section, the date, my teacher's name. Binagalan ko pa.
After about 15 minutes, "pens down. Pass the paper to the front."
Hayy salamat tapos na.
"Ano Linaw? Nasagutan mo ba lahat?" pang-aasar ni Mutya kay Lino nang makalabas kami lahat sa room.
"Kelan ko ba nasagutan lahat?" naiiling na sagot ni Lino. "Pero wala pang lima ang hindi ko nasagutan. Kaya nag-imprub na ako." ngumiti si Lino.
"Sus talaga ba? Eh sa English ba? Improve nga hindi mo ma-spell ng tama."
Natawa na lang ako sa dalawa. Ayan na naman sila nag-aasaran. And I'm happy seeing them like that. Than cold and silent treatment. I'm glad that's over.
Dahil exam lang kami ngayon ay 2 hours early kami pina-uwi. Wala rin kaming rehearsals dahil aba torture naman yun sa amin.
2:10pm pa lang ay nakalabas na kami sa school.
Bigla akong kinapitan ni Mutya sa braso. "Tasyang! Punta ka samin."
"Ngayon na?"
"Oo! Tutal naman tapos na ang exam. Wala na tayong aatupagin sa ngayon. Wala ring practice. Kaya dali na!"
Napangiti naman ako. "Sige. Gusto ko rin makilala si Ligaya."
"Yun, tara na!" hinila na ako ni Mutya.
Napatingin muna ako kay Oyang. Nakatingin din pala sila ni Lino sa amin. "Oyang, paki sabi na lang kay ante Tuya ha?"
Di ko na alam kung ano sinabi nya or if he said something at all. Hinila na kasi ako ng tuluyan ni Mutya eh.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Oyang ah?" Mutya said after a while.
Napatigil ako sa paglalakad pero mga 3 seconds lang yun at naglakad na ulit. Why would Mutya say that?
"Halata kaya. Wag ka nang mag-alinlangan sabihin." tumawa sya "may gusto ka sakanya no?"
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Bumilis rin ang takbo ng puso ko.
"A-ano ka ba. Wala no."
"Yan rin ang sinabi mo kay sir Henry." ngumisi sya.
Natigilan naman ako at hindi na nagawang maglakad ulit. Wala naman akong sinabi kay sir na may gusto ako kay Oyang. Sya lang ang nag-assume nun. Tsaka that was like a month ago. Nandun ba sya nung kinausap ako ni sir Henry?
"Sinabi saakin ni sir nung nakaraang linggo. May gusto ka daw kay Oyang pero nagde-deny ka."
Wala akong gusto kay Oyang. At least wala pa.
"Look, wala akong gusto kay Oyang. Although malapit na, pilit kong pinipigilan." mabilis na sabi ko. I don't even know kung naintindihan niya.
"Ay, nagalit? Napa-english ka na." tumawa kami sa sinabi nya.
Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa tapat ng isang maliit na bahay. May magandang bermuda grass sa frontyard at may mga flascards, laruan, mesa at upuan na maliit for kids.
Binuksan ni Mutya ang maliit na bakod at lumingon sakin,
"Wag mong pigilan yang nararamdaman mo Tasyang." she smiled and went in.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Novela JuvenilTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...