(Xyra's POV)
Ano ba yan, bakit kailangan pa talaga sa marriage booth kami umabot. Ito kasing si Stefan eh nananadya, kailangan talagang marriage booth ang patutunguhan namin ni Ivan??
Hay sana naman di sya pumunta dito, please wag kang pumunta dito Ivan.
"Hoy!!" tawag nya sa akin. Hindi ako si Hoy -_- may pangalan ako Ivan. Tawagin mo naman ako sa pangalan ko. Please. (-/\-)
"Bakit" lumingon ako. Aisshh ba't ka pumunta. Kainis ka talaga.
"Ano ba ang iniisip ng kaibigan mo, ba't pati ako nadamay??" nagtatanong ka pa eh naghihiganti lang yan sa ginawa ko.
"Kung ayaw mo, umalis ka na. Ayaw mo naman sa mga ganito diba, kalokohan lang namin ito ng kambal. Sige na kung ayaw mo makakaalis ka na.." sabi ko sabay yuko
"Siguro masaya naman, pwede naman sigurong subukan diba??"
o.O WHAAAAAAAAATTTTTT!!! SERYOSO!!! SYA!!! OMGGEEEE...!!!
"Are you sure, sigurado ka??" tanong ko, di kasi ako makapaniwala. Himala lang na gawin ni Ivan ito, eh minsan ayaw nya akong samahan sa mga kalokohan ko. =_=
"Paulit-ulit, kung ayaw mo sige alis na ako." sabi nya sabay alis sa booth
"Hey! teka!" sabi ko sabay hila sa wrist nya.
"Joke lang, sige na since sinamahan mo naman ako dito ngayon. Basta ba di ka na magsusungit sa akin??"
"At sinong maysabi na di ko pa rin gagawin yun, ngayong araw lang dahil good mood ako??"
"Good mood, weh! di nga?? sigurado ka good mood ka?? Parang hindi eh?" sabi ko. Mukhang hindi naman kasi eh.
"Hep! Hep! Tama na yang LQ na yan. Ito na ang gown nakapili na ako at tuxedo para kay Ivan, tara sukatin nyo na naghihintay na ang registrar at yung pari para sa seremonya." sabi ng bakla
"Ano ito real wedding dahil may registrar." sabi ko
"Oo, pero mabuti na din ito diba kasi pag di man kayo magkatuluyan oh diba may remembrance kayo this high school year na kinasal man kayo, may fake marriage certificate pa kayo at may wedding photo pa."
"Baliw ka talaga, tigilan mo na nga ito baka masapak ka pa ni Ivan, gusto mo ba yun"
"Oh di naman siguro gagawin ni Ivan yun since pumayag naman sya diba Ivan"
"Malanding bakla." sabi ni Shally
Hay mabuti at dumating ka na Shally, di ko kaya itong kapatid mo. Baliw talaga. =_=
"Baka ikaw ang baliw. Hmmpft??"
"Heto na po ang Groom" sigaw nung taga ayos.
HUH!! Groom, it means kanina pa ako nakikipag away dito kay Stefan tapos itong si Ivan sinuot agad ang Tuxedo.
O-M-G-G-G-G-G-G!!!! ang gwapo nya. pwede na akong mamatay. di jowk lang :P
"Wow, perfect hoy ikaw bruhilda ka, suotin mo na ito. Dali" sabi ni Stefan sabay hila sa akin papunta sa dressing room.
Ako naman heto at nagpahila din, di na ako makaangal eh dahil ang lakas ng baklang ito. Malambot nga ang puso pero ang katawan naman grabe.
After 10 minutes, lumabas na ako sa dressing room suot ang wedding gown. Yeah I admit it maganda sya and bagay na bagay sa tuxedo na suot ni Ivan. Para talaga kaming ikakasal pero hay Xy wag mong isipin na totoo ito.
"Ok dahil tapos na tara punta na tayo dito sa mini altar ng booth"
"Gorgeous Xy." sabi ni Shally. Mabuti pa si Shally may good compliment sa aking suot habang ito naman si Stefan at Ivan wala. Mga baliw talaga.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend is A Hired Killer
Teen FictionWhat if yung pinakamamahal mo, yung pinagkatiwalaan mo ng sobra ang sya palang pumatay sa pamilya mo before ng high school graduation at isa sa mga hired killer na kinakatakutan ng mga residente sa ng inyong lugar. Bakit sya pa?? Iilan lang yan sa...