By: Alyn Fate Villa
Title Credits: FatimaRagay"Tanga"
"Niloko ka na nga pinatawad mo pa"
"Hindi mo na dapat siya pinatawad pa"
"Bakit mo pa yun nagawa?"Nagmahal lang naman ako
Pinatawad ko siya kasi ayun ang tama sa tingin ko
Niloko ako Oo, pero di naman ibig sabihin nun eh isumpa ko na yung tao
Hindi naman ako perpekto tulad ng Panginoon, pero kaya kong magpatawad kahit ano mang kasalanan ang nagawa mo tulad ng ginawa niya para saakin at sa iyoMahal ko kaya pinatawad ko
Karapat dapat parin namang patawarin ang isang tao kahit ano man ang nagawa neto
Kahit hindi ko alam ang buong kwento
Alam kong may dahilan siya kaya niya nagawa 'toMahal ko siya Oo
Minahal niya ako? Siguro
Pero di yun importante, ang importante nagawa ko yung parte ko
Nagawa ko yung parte ko sa buhay niya kahit nakakagagoMahal? Paalam na
Paalam sa apat na buwan na pagsasama
Paalam sa mga panahong masaya pa tayo magkasama
Paalam na at pinatawad na kita, sana maging masaya ka
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡