My Namja(남자)

9 2 0
                                    

CHAPTER #03

"Ang gwapo nung bago" bulong saakin ni Pampam.

"Mas gwapo si Chen" bulong ko din sakanya.

"Oo nga. Bagay sila nung bagong babae" matalim akong tumingin kay Pampam dahil sa sinabi niya.

"Tigna mo yun!" turo ni Pampam kay Chen kasama si Hanna na tumatakbo sa field.

PE namin ngayon kaya nasa labas kaming lahat.

"Bagay sila diba? Gwapo si Chen, Maganda si Hanna. Wow! Perfect! pero pag ikaw at si Chen wow! di bagay." sambit ni Pampam. Binatukan ko nga siya.

"Anong di bagay?! Bagay kaya kami!" depensa  ko.

Di man ako kasing tangkad ni Hanna, Kasing puti, at kasing ganda ni Hanna pero para kay Chen maganda ako.

"ano ba! wag ka nga mag imagine ng kung ano-ano! tignan mo nga si Hanna! walang wala ka sakanya! tignan mo nga kasi yang sarili mo! Ang gulo ng buhok mo! tapos yang yang damit mo magulo din! tapos yang utak mo... hayst"

"Oo bobo ako pero excuse me! may alam naman ako kahit konti lang. Tska anong problema saakin eh maganda naman ako in my own way!" depensa ko sa sarili ko.

"Wa! 'In my own way'? may alam ka ng english!" sigaw saakin ni Pampam.

"Oo i know right" ~(˘▾˘~)

"Wow! saan mo natutunan yan?" manghang tanong ni Pampam.

"Sa TV. Dun sa palatastas na 'Myra' laging niyang sinasabi na 'I know right' yun. Dun ko na tutunan." pagkwekwento ko.

"Ahhh dun pala. Akala ko nagbasa ka na, pero okay na rin yan atleast may alam ka ng english diba"

"I know right"

"Yeah ʕ-᷅ᴥ-᷄ʔ"









Bigla akong napatayo ng makitang nadapa si Hanna kakatakbo. Lumapit si Chen sakanya at mukha tinitignan kung may sugat siya o wala. May sinabi si Hanna kay Chen at bigla nalang niya binuhat si Hanna na parang pangkasal. (◕︵◕)

"Oh anyare dun kay Hanna? Bat buhat buhat ni Chen?" tanong saakin ni Pampam.

"Nadapa siya kanina" sagot ni Linlin na kakarating lang.

"Balik na ko sa room" paalam ko sakanila tska nakayukong tumalikod at naglakad pabalik ng room.

"Ha? Eh hindi pa tapos yung PE!" rinig kong sambit ni Linlin. Pero di ko na siya sinagot.

Nakayuko lang ako naglakad hanggang sa may nabangga ako.

"Sorry po" paghingi ko ng tawag tska tuloy sa paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang hawakan ng nakabunggo ko ang braso ko.

"Wait" sambit ng nakabunggo ko. Tumingala ako para siguraduhin ang hula ko. At tama ako, si Adrian nga ang nakabungo ko.

"Baket?" matamlay na tanong ko sakanya.

"Are you okay?" tanong niya saakin. Tumango naman ako bilang sagot.

"are you sure? but you dont look okay" nag aalalang sambit ni Adrian.

"Alam mo pala nag tanong ka pa" sagot ko sakanya tska tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Tinalikuran ko na siya at tinahak ang daan papunta sa room. Pagdating ko ay naupo ako sa upuan ko at tumingin sa kawalan.

Bat niya binuhat si Hanna tapos ako hinde.
Bat siya ngumingiti kay Hanna tapos saakin hinde.
Bat siya kasama ni Hanna tapos ako hinde.
Bat mas gusto niya si Hanna kesa saakin?
(ಥ﹏ಥ)



"Hey!" napatingin ako sa likod ng biglang may nagsalita.

"Adrian? Anong ginagawa mo dito? bat nandito ka? dun ka sa field" sambit ko.

Naupo si Adrian sa upuan niya. Sa likod ng upuan ko,lumipat kasi si Linlin sa likod ni Pampam.

"Ayoko dun" sambit niya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Wala naman gagawin dun tatakbo lang. Ayokong tumakbo tska mainit." paliwanag niya.

"Eh? Okay bahala ka" sagot ko nalang sakanya tska siya tinalikuran.

"May problema ka? pwede mo akong sabihan, makikinig ako" nag aalalang sambit ni Adrian sa likod ko.

"Wala. Okay lang" sagot pero ang totoo hindi.

Hindi ako okay kasi nag seselos ako.
Wala akong problema kasi ayokong problemahin. Bahala na si Chen sa buhay niya! Hindi ko na siya crush! Akala niya siya lang magiging cruah ko ! Ha! Hindi! Makakahanap rin ako ng bagong crush ko!

"Nagseselos ka ba dahil sa kambal ko?" tanong ni Adrian.

"Hindi" mabilis kong sagot.

"Crush mo si Chen? Bat mo siya naging crush?"

"Kasi matalino, mabait, mapagmahal, at galing siya sa lahat" sagot ko sakanya. Ang totoo hindi lang nama yan ang dahilan kung bakit ko siya naging crush eh.

"Talaga hmmm ilang buwan mo na siyang crush?"

"Mag 3years na sa susunod na linggo" sagot ko.

Sa tatlong taon kong pagiging crush si Chen marami na akong nalaman at natuklasan sakanya.

"3 years?! Ang tagal na pala"

"Alam ko. Marami na nga akong alam sakanya eh"

"Weh? tulad ng?"

"Marami. Mga gusto at ayaw niya. Tulad ng sea foods ayaw niya dun gusto niya gulay. Ayaw niya sa blue at yellow mas gusto niya pink at white. Ayaw niya sa matatas dahil takot siya. Ayaw niya din sa mga pusa dahil nakalmot siya ng pusa noon. Marunong siyang mag swimming, mag billiard, mag basketball, mag volleyball, mag table tennis, mag taekwando, mag combat, mag ayos ng kung ano ano tska marami pa. Mas gusto niya rin mag basa ng mag basa kesa manood ng TV, mag cellphone at lumabas ng bahay. Mag isa rin siya sa kanila dahil nasa ibang bansa ang magulang niya. May kapatid siyang lalaki na mas matanda sakanya noon pero wala na ngayon dahil namatay, dahil sa sunog. Lagi ding siyang binubully noong bata pa siya. Meron siyang laruan na lagi niyang katabi sa pag tulog. Yun si Optimus Prime, bigay yun ng kapatid niya dati bago siya mamatay. Tska-"

"Ang dami mo nga talagang alam tungkol sakanya" naputol ang sasabihin ko ng mag salita si Adrian.

"Ah oo. syempre kilala ko na siya mula bata pa tska ako kasi yung nangbubully noon hehehe" nahihiyang sambit ko.

Yung panahon na yun ang pinagsisisihan ko. Dahil sa pangbubully ko sakanya noon hindi niya na ako pinapansin. Lagi rin siyang cold saakin.(ಥ﹏ಥ)




»«
END OF CHAPTER #03

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Namja(남자)Where stories live. Discover now