Chapter 1 (Kapatid)

30.1K 134 4
                                    

Chapter 1

Kapatid

1 message received

From Seth : kapatid, pakopya nalang ng assignment mamaya. :))

Napailing nalang ako habang binabasa ang message ni Seth. Si Seth ay classmate slash kaibigan ko and like any other friends, mayroon kaming tawagan and that is 'kapatid'. Nanay kasi ang tawag ko sa isa kong kaibigan in which tinatawag niya ring nanay kaya magkapatid kuno kami.

"Oh Moonwalk na," sigaw ni mamang driver. Ibig sabihin bababa na rin ako. Twenty minutes before seven. Nagmadali na ako sa paglalakad. Ilang minuto pa kasi ang lalakarin ko bago makarating ng school.

Naalarma ako nang biglang may umakbay sa akin. Agad nanlaki ang mata ko sabay lingon sa lalaking sumasabay sa akin maglakad.

"Ang laki naman ng mata mo," agad kong tinulak at pinaghahampas-hampas si Seth. Akala ko holduper na.Panay naman ang ilag niya.

"Paanong 'di lalaki iyong mata ko eh basta-basta ka na lang nang-aakbay diyan.Akala ko kung sino na,"sagot ko sa kanya.

"Akala mo rapist ano?" tanong niya pa sabay tingin sa akin from head to foot pagkatapos ay tumingin sa mukha ko at umiling."Walang magtatangka sayo."

Sinuntok ko na. Pasaway masyado.Ang aga-aga buwisit na. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila at tumakbo. Panay ang reklamo ko dahil nakatakong ako pero hindi niya ako pinansin.Malilate na raw kami kaya huwag daw akong maarte.

Nakarating kami sa school five minutes before seven. Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa pintuan ng room ay puro kantiyaw na ang inabot ni Seth mula sa mga kaibigan namin.

"Dude,you finally came around.What made you see the light?," tumatawang tanong ni Nohlan.

"Hanggang kailan ka magiging present, dude?,"gatong pa ni Edison.

"Kapag straight one week,magpapamisa ako," biro pa ni Saida.

"Mga gago," sagot naman niya.

Umupo na ako sa tabi ni Rich, na nakikipagkwentuhan kay Eka at Kisses,na pawang mga kaibigan ko rin. Marami kaming magkakaibigan pero sa kanilang tatlo ako pinakaclose.Nagbeso silang tatlo sa akin.

"Buti naman at pumasok na 'yang si Seth.Parati nalang siyang absent eh," comment ni Eka habang nakatingin kay Seth na nakikipagkulitan kina Nohlan.

Tumango-tango rin sina Kisses at Rich bilang pagsang-ayon.Narinig namin ang pagring ng bell kaya naman umayos na ang lahat sa kani-kanilang upuan. Pero siyempre hindi pa rin maiaalis ang pagdadaldalan.

Ten minutes have passed pero wala pa rin ang instructor namin. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking uniform.Nabasa ko ang message na galing kay Ma'am Adriano.Tiningnan ko si Kisses na katabi lang ni Rich. Tinanong ko kung natanggap niya rin ang text ni ma'am dahil mayroon din siyang binabasa.

"Oo.Ikaw na mag-announce," sabi niya.

Tumayo ako at pumunta sa harapan. Ibinalita ko na hindi makakarating si Ma'am  dahil mayroong emergency at dahil 3 hours ang klase namin dapat  sa kanya ay pinapapapunta niya nalang kami sa library para maghanap ng recipe ng lulutuin namin by Monday.

Hindi pa nga ako natatapos sa inaannounce ko ay panay na ang hiyawan nila. May mga plano na ang mga magkakaibigan kung saan magsisipagpunta. Mayroong magmomovie marathon daw sa bahay ng isang kaklase namin,may tatambay lang muna sa school kagaya ng mga irregular naming mga kaklase,pero ang mga regular classmates namin,panay gala na ang plano.

"Uy Tammy, sama ka na kasi sa amin.Pupunta kami kina Peachy eh.Movie marathon tayo." narinig kong hikayat ni Jewel kay Tammy na ngayon ay nagreretouch.

"Hindi ako pwede. May lakad kami ni Anthony," tanggi naman ni Tammy.

May isinagot pa si Jewel at iba pang kaibigan nila ngunit hindi ko na masyadong narinig iyon dahil isa-isa nang naglabasan ang mga kaibigan ko.

Nauna nang lumabas ang mga boys kasama si Saida at si Gelie kaya naman kami nalang apat nina Rich at ang grupo nila Tammy ang natira. Hinihintay pa naming matapos magretouch si Rich.Maya-maya lang ay lumapit si Jewel sa amin para ayain kaming sumama sa kanila sa pagmomovie marathon.Ngunit dahil may kanya-kanyang lakad din kami ay isa-isa rin kaming nagsipagtanggihan.

Napagdesisyunan naming kumain muna bago magsipaghiwa-hiwalay.Pumunta kami sa Mini stop na nasa labas lamang ng campus. Naabutan din namin na kumakain ang mga boys doon. Bumili na rin kaming apat ng pagkain pagkatapos ay pumunta na sa table na kinakainan ng mga boys.

"Tagal niyo," reklamo ni Saida habang nakakapit sa braso ni Nohlan. Isang taon na rin silang mag-on.

"Alam mo namang napakabagal gumalaw ng isang tao dyan." parinig naman ni Kisses kay Rich na ngayon ay nakanguso na.

Umupo na kami sa bakanteng upuan. Katabi ko si Eka sa kanan at katabi ko naman si Seth sa kaliwa. Nagsimula na naman silang mag-asaran.

"Magkikita na naman kayo ni Art? Masarap ba Rich?"  nakakalokong tanong ni Edison na nagpatawa sa aming lahat.

"Mga baliw kayo.Wala pa ah.Hindi pa namin ginagawa iyon." tanggi naman ni Rich.She blushed.

Nag-asaran pa sila nang nag-asaran. Napansin ko namang masyadong tahimik iyong katabi ko sa kaliwa kaya nilingon ko siya.

"Oh andito pala si Seth eh. Kanina ka pa dyan?," biro ko sa kanya. Medyo malakas pala ang pagkakasabi ko dahil si James ang sumagot sa sinabi ko.

"Uy 'wag mong niloloko-loko iyan.Badtrip pa man din 'yan," tumatawang turan ni James sa akin.

Nilingon ko ulit si Seth na seryoso sa pag-inom ng drinks niya habang nakakunot ang noo. Mayroon siyang tinitignan sa kanan ko pagkatapos tumalim ang titig niya. Curious, kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakita ko sa labas ng convenience store si Tammy kasama ang boyfriend niyang si Anthony.

Nakilala ko si Anthony nito lang pagsimula ng second sem. Dinala siya ni Tammy  noong nagconcert ang isang sikat na banda sa school namin.

Sumakay na ng jeep sila Tammy kaya naman ibinalik ko ang tingin ko kay Seth na ngayon ay nakayuko na at nakakuyom ang kamao.Bigla siyang tumayo at isinukbit ang bag niya sa balikat.

"Tara p're,inom tayo," anyaya niya kina Nohlan.

Agad naman ding nagsipagtayuan ang mga boys kasama si Saida at si Gellie na parehong umiinom din ng alak. Nakatikim na rin naman ako ng alak, kasi siyempre,bilang HRM student, nagkakaroon kami ng beverage tasting pero hanggang doon lang iyon. Hindi  ako  umiinom o tumitikim man lang outside the school. My parents will surely freak out once they found out I'm drinking alcohol.

Inaya nila kami pero tumanggi ako. Kailangan ko nang umuwi. I needed to be home by 12PM today. Alam kasi ng parents ko na hanggang 10 AM lang ako.

"Good girl ka masyado. Ingat sa pag-uwi," sabi ni Seth at ginulo-gulo ang buhok ko.

Lumabas na siya pagkatapos noon at sumunod naman sila Nohlan na nagpaalam din sa akin bago magsipag-alisan. Sumabay na rin ng alis sina Rich sa kanila dahil one way lang naman sila samantalang iba ang direction ko. Nang makasakay na sila sa jeep ay lumabas na rin ako para umuwi.

Pag-uwi ko ng bahay ay nagpahinga muna ako saglit. After 30 minutes of resting ay nagbihis na ako. Naglinis muna ako ng bahay dahil busog pa naman ako. Three PM nang natapos ako maglinis ng buong bahay and I am already starving. Naggawa nalang ako ng sandwich at binuksan ang laptop ko.

Seth Sevilla on Tammy Sebastian's wall:

Ako unang umayaw kaya alam kong wala akong karapatan na magalit sayo.Ginusto ko 'to,and I know that I should bear the consequences. Sorry kung nasaktan kita but I am regretting everything now. I asked for this and so I am willing to accept any punishment you will give me, but please promise me one thing,that after the punishment,you'll come back to me. Please choose me again.I still love you so much. I know you're still hurt,and I am too. Let's use that pain and let us start anew. I love you Tammy Sebastian.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon