My Mysterious Boy is a ghost!!!!
Please read my first story. I hope you will enjoy this. This is really a mysterious one.
-This is not the typical boy meets girl story. It just that happened, that day.
Yana May Ventura
Mysterious Boy
Theo James Aguinaldo
Arriana Angeles
Flexi Fahr
Dianne Geronimo
Ang love ay hindi hinahanap. kusang darating lang. Minsan sa di inaasahang paanahon. Sa 'di tamang oras at pagkakataon. At pag dumating na nga yun, 'di mo rin alam kung kelan kukunin at kelan mawawala sa'yo.
Sabi nga nila, "You can never see the beauty of love without enduring the pain that comes with it once it is lost". Ganun nga raw yun. Pag nagmahal ka, may kasamang pain. Bale, buy 1 take 1. Expect the unexpected.
I am Yana May Ventura, 16, and this is my story... OUR STORY
---
Chapter 1 - Welcome Back Yana
"Philippines!!!!" hindi ko mapigilang hindi sumigaw dahil sa sobrang excited.
"Hindi ka naman excited nuh? Hindi halata eh!" sabi sakin ng yaya Nesa ko.
"Siyempre naman po. Ilang taon din akong nawala dito eh."
Simula baby pa lang ako, si yaya na ang nag alaga sa akin. Tinuring na niya akong parang tunay na anak at kinalimutan na yatang mag asawa. Ē
Marami nang nagbago sa Pilipinas simula nung umalis ako. Ang mga malilit na gusali napalitan na nang mga nakakalulang buildings. Ang mga kalye, naku! lalong sumikip! Yumayaman na yata ang mga tao eh. Parami nang parami ang mga sasakyan. Kaya tuloy lalong trumapik. Aba, ang mga makikitid na kalsada, 4 lanes na!
Eh ang mga tao kaya, nagbago rin ba? 'Yung mga kaibigan ko, ganun pa rin ba sila? Naaalala pa rin kaya nila ako?
"Kinakabahan ka ba?" napansin yata ni yaya Nesa ang pananahimik ko.
"Parang ganun po yata yaya eh. I was wondering if they still know me. You know, my friends."
"Kung ugali ang pagbabasehan, siyempre naman. Walang nagbago sayo. Kung hitsura naman, magdadalawang isip yata. hahaha" napatitig sakin si yaya.
Tama nga si yaya. Marami ang nagbago sa panlabas kong anyo. Mula sa pagiging morena, pumuti yata ako. akalain mo yun! Gandang 'di mo inakala *evil laugh*.
Iba yata siguro ang tubig at hangin sa Canada eh. Sana pala nagdala ako nang sample para maparami ko dito sa Pilipinas.nyahahaha. Tumangkad din ako. Mula sa 5'1 kong height noon, naging 5'7 na ngayon.
Hindi naman mapagkakaila yun kasi nasa genes ko na talaga ang pagiging maganda at matangkad. Dating sikat na modelo ang papa ko dito sa Pilipinas at beauty queen naman ang mama ko.
"Nandito na tayo, gang." hindi ko napansin na andito na pala kami sa labas ng dati naming bahay.
GANG ang tawag sakin ng yaya ko. bisaya kasi siya. Galing siyang Davao. Ibig sabihin ng 'gang' o 'palangga' ay mahal..
"wow yaya, parang naging 10 years old ulit ako ah."
diko mapigilang ngumiti at maiyak. Marami kasing alaala ang nabuo dito.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Boy is a ghost!!!!
Teen FictionWhat if you met a very mysterious guy? What if as time passes by, you are falling na pala? At paano nalang kung nalaman mong HE'S NOT HUMAN?! HE'S A GHOST! Kilalanin kung sino si mysterious boy slash ghost at kiligin sa mga di inaasahang mangyayari...