Chapter 2 (Brown Eyes)

16.3K 91 0
                                    

Chapter 2

Brown Eyes

"Uy nabasa mo ba iyong post ni Seth kahapon sa wall ni Tammy?," pabulong na tanong ni Eka sa akin.Tumango lang ako sa kanya at nginitian siya.

"Binura ata ni Tammy kasi kaninang umaga wala na eh," dagdag niya pa.

Nilingon ko lang siya at ngumiti ulit. I don't want to give comments.Afterall,I am not in the place to say anything.Limitado lang ang alam ko sa naging relasyon ni Seth at Tammy at hanggang ngayon ay 'di pa rin malinaw sa akin kung bakit sila naghiwalay. Ayoko rin namang magtanong kay Seth dahil baka isipin niyang nakikiusyoso ako.

Dati,parating sumasama si Seth sa grupo nila Tammy,that was,noong sila pa.Ngayong 'di na sila,balik si Seth sa grupo namin.

Noong una akala ko namimiss niya lang sina Nohlan,iyon pala ay hiwalay na sila ni Tammy. Doon din nagsimula ang madalas na pag-absent ni Seth sa school.

"Bakit ba kasi nagboboyfriend-girlfriend pa sila kung masasaktan lang din sila?," nakapangalumbabang tanong ni Eka sa akin.

"Malalamam mo rin iyan kapag nagkaboyfriend ka na," nakangiti kong sagot.

"Ikaw ba,may plano kang magboyfriend?," bigla niyang tanong sa akin.

"Balang-araw,pero 'di pa sa ngayon," sagot ko sa tanong niya at ibinalik ulit ang tingin sa binabasa kong libro.

"Nak, ayusan kita, gusto mo?" tanong niya ulit sa akin.

"Ayoko 'nay," tanggi ko. Si Eka 'yung sinabi kong kaibigan ko na tinatawag kong nanay.

"Putla mo kasi. Matuto ka naman maglagay ng lipstick at eyeliner man lang," komento niya.

Aminado naman akong 'di ako marunong maglagay ng mga iyon.Solve na ako sa paggamit ng lip balm at face powder. Tinignan ko ang oras, 9:34 palang. May twenty-six minutes pa bago dumating ang instructor namin. Kunsabagay,kami nga lang ni Eka ang nandito sa room.And I guess,trying to prep up won't hurt. Pumayag ako kaya naman nagpapalakpalakpak siya sa tuwa. Agad siyang tumayo sa upuan at kinuha ang kanyang kikay kit sa bag. Pumwesto siya sa harapan ko at sinimulan na akong ayusan. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos sa akin nang nagsidatingan ang mga kaibigan namin.

"Aba. Anong meron?,"tanong ni Rich.

"Ay! Dalaga na si Rhum.Papaganda na eh," sabi naman Kisses.

Ngumiti nalang ako sa kanila. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Nalaman ko nalang kung sino iyon nang magsalita.

"Rhum,sabi ko naman sayo,kahit 'di ka magpaganda,willing pa rin naman akong mahalin ka," ani James. Natawa ako sa sinabi niya. Nagcheer pa iyong iba naming kaibigan.

"Asa p're,mas gwapo pa
raw 'yung libro kesa sayo," pang-asar ni Nohlan.

"Inosente pa puso ni Rhum p're,wag mong dungisan," ani Edison habang tumatawa. Naubo pa siya kaunti dahil sinabayan niya iyon ng pagsipsip ng soda.

"Hoy! Kapatid ko 'yan.Dadaan ka muna sa akin.Kakaliskisan pa kita," sabad naman ni Seth.

"Kikiluhin ka pa namin," biro ni Edison.

"Isda?," tumatawang tanong ni Gellie.

Gustuhin ko mang makisali sa usapan ay 'di ko magawa dahil hindi pa tapos si Eka sa pag-aayos sa akin.Tagal ah!

Patuloy pa rin ang mga boys sa pagkakantiyawan habang nagsipaglapitan naman ang mga girls sa amin at iniinstruct si Eka kung anong gagawin pa.Kulang na nga lang ay utusan nila si Eka na tanggalin ang ilang parte ng mukha ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang natapos na rin kami sa wakas. Nahiya naman tuloy ako nang in-announce nila Eka na tignan daw ako.

"Shit p're,puso ko nalaglag.Pakipulot," ani James kina Edison habang hawak-hawak pa ang parte ng dibdib niya kung saan banda ang puso.

"Mas makati ka pa sa gabi.Kamutin mo 'yan," pabiro sagot ko naman sa kanya.

"Hoooh!"sigawan nila.

"Di pa nga pumoporma butata na,"sigaw pa ni Seth na hawak-hawak ang tiyan sa katatawa.

Buti naman pumasok siya. Sayang din iyong scores na dapat ma-gain niya tuwing absent siya. I wonder if his parents knew that he wasn't attending school everyday.

"Ikaw nga girlfriend mo na,naging bato pa," ganti naman ni James.

Seth just raised his middle finger towards James. Nahinto rin siya sa pagtawa. Napansin niya sigurong tinitignan ko siya kaya nilingon niya ako bilang nakaupo siya sa seat na nasa harapan ko lang. Sinimangutan ko siya.

"Bad," sabi ko sa kanya.Nagsalubong ang dalawang kilay niya. I raised my ring finger to him para magets niya iyong sinasabi ko.

"We're friends,Rhum.Those acts aren't  big deal anymore.It's just a matter of getting used to it,"paliwanag niya.

"Still," I answered shortly.

"Oh yes. Still,it's bad 'cause you're a good girl and I am not," he stated.

"Of course you are not....a good girl 'cause you're a boy," I countered.Grinning.

"Don't use your brainy acts on me,missy," he said. I just beamed at him. He stared at me and then pointed his eye portion in a circular motion.

"What?," I asked unable to comprehend what he meant.

"Bumagay sa'yo ang may eyeliner and mascara," he stated frankly.

"Thank you." I smiled. "Your eyes are beautiful too. Brown eyes," I added.

"Sayo rin naman," aniya habang nakangiti.

"Yours is more obvious. Mahahalata mo lang na brown ang mata ko kapag tinitigan  samantalang sa'yo malayo palang brown na brown na," sagot ko.

"Dapat na ba akong magselos? Titig na titig kayo sa isa't-isa ah," napalingon ako kay James na nakapamewang pa.

Napangiti ako dahil sa nakabusangot niyang itsura.Sumipol naman si Edison.

"Selos ka naman agad.Pinag-uusapan lang namin kung gaano ka kasagwa magbubble butt," napalitan ng tawa ang ngiti ko.

Nakitawa rin sila Eka sa sinabi ni Seth. Minsan kasing nagtruth or dare silang mga boys habang naghihintay kami ng next subject ay d-in-are nila si James na gayahin iyong mga babaeng sumasayaw sa music video ng bubble butt. Dahil nga matigas ang katawan ni James ay nagmukhang siyang katawa-tawa sa ginawa niya.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon