Eugine's POV
"Tol, byernes santo na naman iyang mukha mo. Tara na naghihintay na sila sa atin." Sabi ko kay Ryzo sabay tapik sa balikan niya.
Pupunta kaming palawan kasama ang barkada. Isang linggo kasi kaming walang pasok dahil may seminar ang mga teachers kaya napag-desisyonan namin na magbakasyon ng ilang araw. May resthouse kami sa palawan kaya doon muna kami mag-sstay.
Sa airport na kami nagkita-kita lahat.
"Hi Babe, sorry nalate ako hinintay ko pa kasi si Niah." Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Hinalikan ko siya sa pisngi saka nilingon ang kaibigan niya.
"Hi mabuti naman at nakasama ka."
"Wala naman akong choice kung hindi ang sumama. Baka kasi awayin ako nitong girlfriend mong hindi ako tinantanan sa pangungulit na sumama." Nakapuot niyang sabi.
"Grabe ka manang pinapahiya mo ang beauty ko." Natawa naman ako.
Kakaiba talaga ang trip ng girlfriend ko kung anu-anong naiisip. Minsan nga tinatawag niya akong Bakulaw, sa gwapo kong 'to tatawagin akong bakulaw. Buti nalang talaga mahal ko siya kahit ganiyan iyan.
"Nasaan na pala sila Babe?"
"Nauna ng sumakay sa plane iyong private plane nila Yohan ang sasakayan natin, buti nga pinayagan siya ni tito na ipagamit iyon."
Pinsan namin ni Ryzo si Yohan may-ari sila ng isang airline company. Kaya hindi mahirap sa'min ang magtravel mag-pinsan kapag gusto namin magbakasyon. Basta siguraduin lang namin na maganda ang record namin sa school.
Habang papunta kami sa loob ng eroplano.
Alam kong magagalit si Niah sa gagawin ko pero ito lang ang paraan para kahit papano sumaya si Ryzo.
Lahat kami ay by pair sa upuan. Si Ryzo at Niah ang magkatabi. Isa din talaga sa dahilan ng bakasyon namin ay para sa kanilang dalawa.
Nang makarating na kami sa loob.
"Xhin, pwede bang tabi nalang tayo." Narinig kong sabi ni Niah.
Ayaw niyang makatabi si Ryzo. Talaga bang iniiwasan niya ang pinsan ko?
"Manang hindi pwedeng hindi ko katabi si Babe dahil alam mo naman na humihilik ako pag nakatulog ako. At ayaw mo ng humihilik." Ang galing talaga magpalusot ng Babe ko.
Napabuntong hininga nalang si Niah at walang nagawa dahil wala din gustong makipagpalit sa kaniya ng upuan. Kahit sila Camylle ay hindi pumayag. Napilitan nalang siyang umupo sa tabi ni Ryzo.
Hindi rin alam ni Ryzo na katabi niya si Niah dahil kanina pa daw siya tulog sabi nila Dexie. Ang ganda siguro ng mangyayari mamaya 'pag nakita ni Ryzo kung sino ang katabi niya ang alam kasi niya ay solo niya ang upuan at wala siyang alam na kasama si Naih papuntang palawan.
Exciting ang bakasyong ito panigurado.
--
Nasa bandang likoran kami nila Niah at Ryzo naka-upo. Hindi kami natulog ni Xhinia inaabangan namin ang eksenang mangyayari sa dalawa habang ang iba tulog na tulog napagod yata kasi madaling araw pa kami nagising lahat.
Lumipas ang kalahating oras..
Naramdaman naming gumalaw ang upuan nila sa harap namin. Mukhang gising na si Ryzo..
"Babe, gising na yata si Ryzo." Bulong ko kay Xhinia.
At pareho kaming nagkatinginan dalawa sa mga sumunod na nangyari.
Ryzo's POV
Nanlaki ang mata ko, totoo ba ang nakikita ko o nanaginip lang ako. Abala siya sa pagbabasa ng magazine. Napahinto siya sa pagbuklat ng susunod na page saka bumuntong-hininga at dahan-dahan na lumingon sa'kin.

BINABASA MO ANG
The Runaway Princess( Under Revision )
RomanceAryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya niya.