Min Ji's POV
"Bukas nalang tayo mag-practice." Sabi ko.
"Ah sige, wala namang pasok bukas eh. Bakit nga ba?" Tanong nya.
"May camping daw sila." Sagot ko.
"Ah nga pala." Sabi nya
"Di ka nakinig sa klase no?" Tanong ko at ngumisi, inaasar ko sya.
"Ahmmm." Sabi nya, habang nababa kami sa hagdan
"Oo, Haha." Dagdag nya, sabay awkward laugh.
"O sige, alis na ako." Paalam ko at kinuha yung bag ko.
"Oh, sige bye." Sabi nya. Nag-lakad na ako papunta sa pinto ng biglang tinawag nya ako.
"Min Ji!" Sigaw nya.
"Ano ka ba malapit lang ako sayo, kailangan mo pa-" Napatigil ako sa sinabi ko kasi NIYAKAP nya ako. Owemji!!! Oo, hindi ko first time yakapin sya pero ibang iba ito sa dati nyang yakap. Dati wala namang expression yun pero ngayon parang meron na, at ako ang lagi unang yumayakap sa kanya pero ngayon, nauna sya. Niyakap ko siya pabalik
Jimin's POV
Niyakap ko sya at di ko alam kung bakit. Hindi naman namin first time 'to na magyakap pero first time ko 'to na ako ang unang
yumakap sa kanya. Biglang naramdaman ko na niyakap nya ako pabalik."T-thank you sa pag-comfort mo sa'kin kanina." Pasalamat ko.
"Psss, Wala yun." Sabi nya at tinapos yung pag-yayakapan namin, halos natapos yun ng mga minuto.
"Sige alis na ako. Bye" Sabi nya
"Bye." Ani ko. Naisip ko na ihatid ko na lang sya kasi baka maraming mga tambay dyan.
"Min Ji!" Sigaw ko uli at lumingon sya. Tumakbo ako sa kanya at inakbayan ko siya.
"Hatid na kita." Sabi ko
"Ah, wag na." Tanggi nya.
"Sabi ng kuya mo hatid na kita." Sabi ko, actually nag-kunwari ako. Hindi sinabi ng kuya nya yun, pero hahatid ko na sya para safe.
"Ah ok." Sabi nya. May nakita kaming bus at sumakay kami. Pag-upo namin ay bigla nalang nakatulog si Min Ji. Sinandal ko yung ulo nya sa balikat ko. Sinulyapan ko sya. Maganda pala sya, di ko napansin yun. Malamang kay Seulgi ka lang kasi naka-focus. Maya-maya ay nakatulog na ako.
2 minutes later
Nagising ako at malapit na kami sa bahay nila. Ginising ko sya at tumigil na yung bus.
"Tara na." Sabi ko, tumayo sya at umalis na kami sa bus. Kinamot nya yung mata nya na parang bata. Haha ang kyut.
"Sige, bye." Sabi nya
"Salamat sa pag-sundo." Dagdag nya.
"Welcam. Bukas ha. 12:00." Sabi ko. Tumungo nalang sya. Naglakad na ako pa-balik sa bahay.
Min Ji's POV
Pumasok na ako at nakita ko si kuya Jin, nagluluto.
BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend (Jimin FF)
Fanfiction"Anong gusto mo?" "Be my fake girlfriend" PS. Tagalog 'to.