Masarap tumanaw sa liwanag ng buwan.
Habang kamay mo ang aking tangan.
Saksi ang dalawang magandang upuan,
Sa lahat ng pangarap na pagsasaluhan.Ang dalawang upuan na nakaabang,
Naghihintay upang maramdaman,
Mga puso natin na nagmamahalan,
Bubuo ng istoryang para sa atin lang.Hindi man ako naniniwala sa tinadhana,
Basta ikaw ang kasama sa may bintana,
Nakatanaw tayo at kapwa naniniwala,
Kakapit lang at walang mawawala.Sabay nating haharapin ang mundo,
Mundong nanakit sa akin at sa'yo.
Mundong nagkait ng saya sa tulad mo,
Mundong babago ng ating mga kwento.Mahal, ikaw na lang kaya ang kulang
Dyan sa dalawang upuang nakaabang,
Pero hindi ako maiinip kahit kailan,
Basta alam kong darating ka naman.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan