Paano

84 2 0
                                    

Paano kung isang araw magising akong wala ka na sa piling ko? 
Hindi ko alam kung paano ko pa kakayanin ang lahat ng ito. 
Hindi ko alam kung paano ko pa sisimulan ang bawat araw ko. 
Hindi ko alam kung paano babalik sa dati ang mundo ko.

Paano kung nasanay akong lagi kang nandyan at naglalambing? 
Hindi ko alam kung paano pa ako muling gigising. 
Hindi ko alam kung paanong ang bawat bukas ay haharapin. 
Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sakin.

Paano ba ang dapat gawin para di ito dumating sa'tin?
Yung pagpapaalam na talagang di ko kakayanin. 
Dahil pagmamahal mo lang ang tangi kong nanaisin
Yung "ikaw at ako" lang sana ang panghawakan natin...

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon