Wag Lang

83 1 0
                                    

"Wag Nalang"

Hindi ko na kailangan
Pang isigaw ang nararamdaman
Alam kong hanggang kaibigan
Lang ang tingin mo at di mo man lang pagbibigyan

Alam kong wala naman tyansa
Bago pa ako maglabas ng sandata
Sa isang giyera ay alam ko nang talo
Walang pagasa sa milyon milyong mga kalaban sa harapan ko

Mas mabuti nang itago
Baka mas lumala pa
Mas mabuti nang handa na ako'y matatalo
Sa munting giyera

Mababago ang lahat
Dating akala kong sapat
Hindi pala aabot
Kahit pala bakal ay lumalambot

Tila wala talagang pagasa hawak na sandata
Nang makita ang mga kalaban
Tila puso ko'y nanghihina
Gusto ng sumuko na sa labanan

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon