Umiiyak ka na naman
Gulong-gulo na naman ang iyong isipan
Hindi ka na naman nakinig
Kaya nga ang puso mo'y lumalamigLagi nalang kitang nakikitang masaya
Wala ka proble-problema
Hinahayaan lang kita
Kasi alam kong masaya kaKapag ang puso mo'y nawawasak
Sa akin ka rin lumalapit
Kahit na alam kong di ka sa akin babagsak
Sa puso ko aking pinipilitLagi akong nandito para sa'yo
Pero kahit minsan hindi mo pinansin ito
Hindi ko nga alam kung ano ako sa'yo
Hindi ko alam kung ano tayoBase sa iyong pinapakita
Sa'yo ako ay mahalaga
Ngunit minamahal mo ay iba
At ako'y kaibigan lang pala

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PuisiFilipino poetry at pinaghuhugutan