Mahal, hindi ko naman gustong iwanan ka o saktan ka
Ang gusto ko lang naman ay maging malaya kahit andyan ka
Yung kahit anong gawin ko sasaya ka
Yung kahit anong gawin ko suportado kaPero bakit nga ba ganito?
Na sa tuwing lalabas ang barkada lagi akong napapako?
Pinipipilit na makatakas sa lakas ng paghampas mo
Pinipilit indahin ang sakit na
nararamdaman koNaala ko pa nung sinabi mong "papasayahin mo ko"
Pero asan na?
Mukhang sarili mo lang ang
pinapasaya moSige, babaguhin ko na ang aking pananamit
Basta sa akin ka lang kumapit
Sige, hindi na ako sasama basta ang loob mo'y di sa-sama
Sige, di na ako kakain ng ganito basta wag kang aalis sa tabi ko
Pero mahal nasasakal na rin ako
Umaasa na balang araw baguhin mo rin yang sarili mo"Mahal, hihintayin kita"pero wag mong hintayin na mawala yung pasensya ko sayo
Pero isang araw napag isip isip ko,
okay lang sabi ng utak ko
Pero pagod na pagod na ang puso ko
Bibitaw na lang ako
Hindi ko na kayang maging puppet sa mga tali mo
Hindi ko na kaya
Hindi na

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesíaFilipino poetry at pinaghuhugutan