Napabalikwas ako nang maramdamang may naglagay ng kumot sa akin.
Si mama pala.
Nakaidlip ako kanina dahil sa pag-ooverthink. Hindi man lang ako tinablan ng kape. Sabagay, kaunti lang naman yung ininom ko dahil halos hindi ko nga 'yon malunok.
"A-Anak..."
Ugh. Nakakamiss pala tawagin sa gano'ng paraan. Yung malambing yung tono. Yung marinig mo pa lang yung boses, feeling mo mahal na mahal ka.
"Yes, ma?" Sagot ko rito. Garalgal na yung boses ko dahil feeling ko anytime maiiyak na ako. Gusto ko siya yapusin pero hindi ko magawa. Parang naninigas yung katawan ko na tila pinipigilan akong gawin yung gusto ko.
"Uhm... Hehe. Y-Yung keyk ba doon sa table, hehe, akin b-ba 'yon?" Alanganin ang ngiti nito at mukhang nahihiya pa sa akin.
Kaya naman pala malambing, may kailangan. Haaaay, nako!
"A-- yup. Ah, oo nga pala 'ma. May natira pang Kapepè in can. Nasa ref--"
"Eto ba?" Nagulat ako dahil hawak na ni mama yung lata ng KIC. Malawak ang ngiti nito habang iniaalog alog yung lata. "U-Ubos ko na nga 'nak, e. Ang saraaaaap saraaaaap! Saan mo ba 'to nabili? Bili tayo dali! Samahan mo 'ko!"
Nagtataka man sa iniasal ni mama, natutuwa pa rin ako dahil kinakausap niya na ako ng katulad ng dati.
BINABASA MO ANG
Sending yellow hearts, Mr. K
HumorBeing a food-is-life-kind of woman, Camille decided to order food as she was so stressed about her failure in the University of the Philippines College Admission Test, commonly known as UPCAT which is part of the admission requirements of the Univer...