Introduction

105 3 2
                                    

 It hurts like hell

 to Expect from something that has Ended

It’s been years, since I last saw him. Sobrang tagal ko na rin siyang mahal; probably four years.

Nung una akala ko simpleng puppy love lang, highschool palang naman kami nun eh. Para saming dalawa infatuation na mawawala rin agad.

Kaya nga ako naiinis; three years na ang nagdaan pero hanggang ngayon umaasa parin ako.

Pakshet lang talaga tong puso ko; kahit ilang ulit kong sabihin na move on nako, alam ko sa sarili na hindi totoo yun.

When we broke up, I had a promise to myself.

Hindi ako iiyak ng dahil lang sa kanya. That I won't be pathetic enough to ruin myself just because of a guy. Kasi kung gagawin ko yun, pinakita ko lang sa lahat kung gano ako ka loser when it comes to love.

 But look at what happened to me, I am still hopelessly in love with him. Hindi parin ako magising sa katotohanan na hindi na siya babalik.

Kaya tignan niyo ngayon ang lala kong magdrama.

I tried naman eh, god knows how much I tried to forget him. But moving on from this is not simple, akala ko nung una madali lang pero hindi pala.

Hindi naman ako ganun ka desperado na maghanap ng rebound. 

Okay sana kung alam kong naghiwalay kami ng walang sama ng loob. 

Pero nakastamp sa utak ko kung pano siya nasaktan ng dahil sakin.

It was my fault that's why it sucks more.

Three years ago iniwan ko siya dito sa Pilipinas. Nasaktan kaming pareho at alam kong nagalit siya sakin noon.

There was this hope of mine na magkakaayos pa kami pero nahuli na pala ako.

He had moved on, ako nalang ang sadyang naiwang umaasa.

Kaya minsan nakakainis din ang facebook, hindi ko maiwasang makita kung kamusta na siya ngayon. At  ako naman si tanga naisipan pang tignan yung mga activities niya. 

Dapat pala hindi nalang ako nagpaka curious. Masasaktan lang pala tong engot kong puso.

So right now papunta ako sa school, bababarin ko ang sarili ko sa pag-aaral. Pathetic na kung pathetic. Loser na kung loser, hahayaan ko na lang ang oras na gumawa ng way para maka move on ako.

Kaso bakit ganito, nakikita ko siyang naglalakad papunta sa harap ko.

Kahit anung pilit ko na it was just an illusion, I know his face too well na hindi ako pwedeng magkamali.

"Anong ginagawa niya dito?" pabulong kong sinabi sa sarili ko

Parang nawala lahat ng oxygen sa katawan ko, like I got paralyzed by just the sight of him.

 

Wake Up It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon