Kapalit (One-Shot)

427 19 30
                                    

R.K.'s Note:

Some parts of this story are based on real events. I wrote this as a remembrance of a person who was so close to me. Please let me know what you think about this story by posting comments. And don't forget to hit vote if you liked it! Thank you! :)

 * * *

The opposite of love is not hatred; it is apathy. Sa oras na tumigil ka sa pagpapahalaga at pag-iisip sa isang tao, doon tuluyang naglalaho ang pag-ibig.

The opposite of living is not death; it is giving up. Sa oras na sumuko ka sa iyong mga pinaglalaban, at huminto ka sa pagkapit sa mga bagay na iyong pinaniniwalaan, doon nawawalan ng saysay ang buhay.

But what about death? Hindi ba’t isa lamang ‘yang salita? Pero maraming tao ang ni ayaw marinig ang tungkol sa kamatayan; takot sila sa kamatayan. They sometimes suffer. They get depressed.

Pero isa itong pangyayari na hindi mapipigilan ng sinuman.

'Pag minsan napapaisip ako... What makes people stop loving? What makes them give up on their faith and dreams? What makes death a thing that can stun anybody?

Magdadalawang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang nakababatang kapatid na lalaki ni Anj. Siya lang ang nag-iisa nitong kapatid at sobrang malapit sila sa isa’t isa kaya naman sobrang sakit para sa kaniya nung mawala ang kapatid niya. Hindi niya alam kung bakit biglaan siyang kinuha sa kanila. Pero inisip na lang niya na mayroong dahilan sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa atin. Inisip na lang niya na kung may kukunin, mayroon ding ibibigay na kapalit.

Nang dahil doon, halos araw-araw siyang naghintay ng kapalit.

Hanggang dumating ang araw na nakilala niya si Blue.

"Anj," pagtawag ng isang lalaking mayroong napakahinahong ngiti na kayang mapaibig ang sinumang babae.

Naglakad siya papalapit sa kung saan nakaupong nagbabasa si Anj at inakbayan niya ito. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop na paborito nilang puntahan.

"Ang pagmamahal ko sa'yo ay parang sweldong kinsenas lang..."

Itinigil ni Anj ang pagbabasa at isinara ang librong hawak niya. Lumingon siya sa lalaki at nagtanong, "Bakit?"

Nilakihan pa ni Blue ang kaniyang ngiti at sumagot, "Kasi walang katapusan!" natatawang sabi niya. "Ano? Pwede na ba 'yun? 'Di naman ba masyadong inaamag 'yung pik-ap line ko?" tanong niya habang hinihila-hila ang dulo ng manggas ng t-shirt na suot ni Anj.

"Pwede na," natatawang sagot naman ni Anj habang tinaas-baba ang kaniyang balikat. "Kaninong babae mo na naman gagamitin 'yan? May bago kang nililigawan? Asa'n na 'yung war-freak mong girlfriend?" sunud-sunod na tanong niya.

"Nako, wala na 'yun. May bago na 'kong girlfriend. Itetext ko sa kaniya 'yung pik-ap line para mapangiti ko naman siya," sagot naman ng binata habang nagsisimula na siyang mag-type sa cellphone niya.

Nakilala ni Anj si Blue, isang taon na ang nakakalipas, nang minsan mayaya siya ng kaniyang mga kaibigan sa isang party. Pareho silang college students at iisa ang kanilang pinapasukang university.

"Puro ka talaga kakornihan," sabi naman ni Anj sabay tanggal ng braso ni Blue na nakaakbay sa balikat niya. "Basta pakilala mo sa'kin 'yan ah."

"Oo naman 'no! Ikaw pa? Basta pakilala mo rin sa'kin 'yung bagong boyfriend mo."

Kapalit (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon