Last Romeo and the Guardian of Love Chapter V

45 1 0
                                    

CHAPTER V: Voice of my Heart 

Sa isang amusement park, kung saan nais sumakay ng roller coaster nina Yohan at Emily. 

"Hindi na ako sasama" wika ni Lance. "Sasamahan ko nalang si Julieanne dito." 

"Oh-- Okay! Tara Emily!" 

"Dali excited na din ako! Bye Julieanne!! Oy ah. Baka magkatuluyan kayo dyan". Asar ni Emily sa maiiwang sina Julieanne at Lance. Umalis na sina Emily at Yohan para sumakay sa roller coaster. 

Pagkaalis ng dalawa, "Tara!" hinawakan ni Lance ang kanang kamay ni Julieanne. Nabigla si Julieanne sa ginawa ni Lance. Idinala ni Lance si Julieanne sa isang bakanteng bench sa park na malapit din kung saan sasakay sina Emily at Yohan. 

"Para hindi tayo mapagod sa kakatayo habang hinhintay natin sila." wika ni Lance. Umupo ang dalawa. 

"Waah. Mas makikita din natin sila Yohan dito." natutuwang sabi ni Julieanne. 

"Uhmm.." He looked at Julieanne. "Mukhang may gusto ka sa bestfriend ko.." 

Nagulat si Julieanne. "Oy hindi ah." nahihiyang sagot ni Julieanne. Namula ang kanyang mukha kaya naman yumuko siya para itago ito kay Lance. 

"Wag mo ng itago, namumula ka ooh!" 

"Grabe ka sakin, ba't naman ako mamumula? Hindi no!" Maririnig sa kanilang pwesto ang mga hiyawan ng mga taong sumakay ng Roller coaster. 

Ngumiti si Lance habang pinapanood ang mga tao sa Roller Coaster. "Si Yohan... Sa tingin ko, may babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.. " 

"huh--" natulala si Julieanne sa sinabi ni Lance. 

"Nararamdaman kong in love sya ngayon.. " 

"Kilala mo ba kung sino?" mahina at nahihiyang tanong ni Julieanne. Tumingin si Lance sa kanya. 

"Mukhang interesado ka" Ngumiti si Lance. Mas lalong namula ang mukha ni Julieanne. 

"Oh! Hindi ah! Ba't naman ako interesado!" 

"Kung gusto mong malaman kung sino, madali lang.. ". Itinuro niya gamit ang kanyang labi si Yohan na sumisigaw. "Masdan mo siya.." 

"Bakit mo ito sinasabi..?" tanong ni Julieanne habang pinagmamasdan si Yohan na masaya. 

"Hmm?" pacute niya. "Wala lang. Gusto mo ng cotton candy?" Hindi umiimik si Julieanne. Tinawag ni Lance ang tindero ng cotton candy. 

"Kuya, dalawa nga po". Pagkabili, iniabot kay Julieanne ang isa. "Kunin mo na.." sabay kagat sa cotton candy. "ang sarap kaya." 

"Salamat dito ha" 

"No need to thank me, alam mo bang nakakagaan ng loob ang pagkain ng mga matatamis" 

"Sira ka talaga Lance. Hindi mabigat ang loob ko ha" 

Natapos na ang ride ni Emily at Yohan. "Nandito lang pala kayo" wika ni Yohan. "Hingi nga ako niyan" dagdag niya nang makita ang cotton candy. Ibibigay sana ni Julieanne ang kanya ngunit naunahan siya ni Lance. 

"Mukhang nahilo ka Emily" asar ni Julieanne. 

"Ayoko ng sumakay sa ganyan, last na yon! Mamamatay ako." 

"Ako gusto ko pa !" Singit ng isip-batang si Yohan. "Tara Lance! Samahan mo ako!" 

"Ayoko" 

"Wag mong sabihing natatakot ka?" tukso ni Julieanne. 

"Hindi aa" sabay iwas tingin ni Lance. 

"Mamamatay ka dyan Lance, maniwala ka sa'kin" asar din ni Emily. 

Last Romeo and the Guardian of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon