JOHN VIC DE GUZMAN? That asshole. That scumbag. That douchebag. That stupid.
"Hoy caloy anuna? Mag drive ka na" kyle.
Pagkatapos banggitin ni kyle yung pangalan ng lalaking yun kanina nawala talaga ako sa mood.
Bakit ba kilala ni celine yon? Aaah! Small world nga naman.
"Caloy? Bakit ang bilis mo magpatakbo? Di naman tayo nagmamadali eh" kyle.
Si celine? Ayon tahimik lang sa likod habang nakatingin sa bintana. Tch, buti na lang talaga hindi bumaba si celine kanina akala ko magkikita nanaman kami ng lalaking yun eh.
"Ced? Bat ang tahimik mo?" kyle.
Simula nung marinig ko ang pangalan ni john vic nainis ako at mula nang mainis ako hindi na kami nagpapansinan or feel ko lang na hindi sya pansinin?
"Hello? People? May kasama ba ako dito? Wala bang kakausap sa akin dito?" kyle.
"Ate kyle babalik na ako kakausapin ko si -----" celine.
"Walang babalik" naiinis kong sabi.
Natahimik na lang si celine pagkatapos kong magsalita. Kung hindi ko lang kaibigan 'tong si celine hahayaan ko silang mag usap don kahit magdamag pa, kaya lang naging magkaibigan nga kami eh tsaka ewan ko lang pero feeling ko dapat kong alagaan at protektahan si celine.
"Caloy? Your overspeeding" kyle.
"Kung galit ka wag mo kaming idamay!" pagkasigaw ni celine naalarma na ako kaya naitigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan.
Nakatungo lang ako habang nakahawak sa manibela ang kaliwang kamay.
"Im sorry" paghingi ko ng tawad habang nakatungo pa din.
Tumingin ako kay celine sa likod na nakatingin pa din hanggang ngayon sa bintana.
"What?" mataray nyang tanong pagkatingin sa akin.
"Hmp! Taray naman ni ganda, ate kyle" pabiro kong sabi kay ate kyle.
"Hayaan mo na may period eh" pabulong na sabi ni kyle.
"Ehem! Im here lang! I can hear you po" celine.
"Go drive na caloy baka malate tayo" kyle.
"Yes boss" tapos parang nag aye aye ako.
Habang nagmamaneho ako tawag ng tawag si isa sa phone ko at dahil sobrang nakukulitan na ako pinasagot ko na muna kay kyle.
"Oh? Ha? Hindi 'to ang babe mo --- oh? Si kyle 'to ng FEU ---- what? --- eer may usapan kayo ngayon?" kyle.
"Oh shit I forgot!" napatingin sakin si kyle pagkasabi ko nan.
"Ewan? --- oh edi baka di na kayo tuloy kasama namin sya ngayon eh ------ sige tuankyou din" kyle.
"Ano daw?" pagtatanong ko.
"May usapan pala kayo ni isa eh dapat di ka na sumama samin" kyle.
"I totally forgot nga eh akala ko wala akong lakad today" napakamot ako sa ulo.
"I'll call her na lang later pag nasa venue na tayo"
"Psh! Papunta punta pa sa dorm may lakad pala sila ni isa" bumubulong lang si celine pero kinig ko pa rin.
"What celine? Are you saying something?" pagkasabi ko nan tinignan ko sya sa rear mirror
"Wala!" celine
"Taray mo kanina pa, ganda" panunukso ko nakita ko naman sa rear mirror na nag iwas sya ng tingin sa akin.
"Ah caloy nagtext si isa babasahin ko na ba? Pero dahil wala kang magagawa babasahin ko na" kyle