Chapter 18
Problem
Nakatulala lang ako sa balcony habang umiinom ng gatas ko. Hindi ako dinadalaw ni C at tatlong araw na rin ang nakalipas nang magkaroon kami ng issue sa tv. Maybe napagtanto niya na hindi niya ako kayang ipaglaban, hindi ni ako-kami kayang piliin kasi may mas malaki siyang responsibilidad. Kaya kong buhayin ang anak ko ng wala siya, pero mahirap magpalaki ng anak nang wala siya kinikilalang ama.
"Janelle, may bisita ka" agad akong napalingon. Binalewala ang mga iniisip. I was anticipating for him, pero parang nadissapoint ko naman ang sarili ko nang makita ko si Coreen. I miss her, pero I miss him.
"Kumusta?" bati niya kaagad sa akin. With his bodycon dress na hapit na hapit sa balingkinitan niyang katawan, at isang stiletto, he gracefully walk towards me para mayakap ko. Sinuklian ko ang yakap niya sa akin.
"May pinapasabi si kuya sayo" bulong niya. Sumigla ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya.
Janelle, kanina lang ano-ano ang pinag-iisip mo sakanya, ngayon ang saya-saya mo? Baka bad news pa ang dala ni Coreen!
Tumingin ako ng diretso sakanya.
"Pinapahirap siya ni Dad, not in a brutal way pero..." she pressed her lips together na parang pinipigilan ang nga salitang lalabas sa bibig niya.
"Ipakakasal siya ni Dad sa ibang babae,and she's a princess" sabi niya. Naramdaman ko ang sakit sa dibdid ko, parang hinihiwa sa dalawa ng puso ko. Oo, masakit. Natawa ako sa isipan ko. Dahil ba hindi ako prinsesa, hindi ako matatanggap ng pamilya niya? Fine!
Nang napansin ni Coreen na hindi na ako magsasalita ay nagsalita ulit siya.
"Mahal na mahal ka ni kuya, at gagawa siya ng paraan para magkita ulit kayo" sabi niya sabay alis. Nagpaalam siya kay Wendy at narinig ko siyang nagpaalam din sa akin. Tama ba ang pandinig ko? He loves me? How? Paano nangyari?
Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko ang pagliwanag ng phone ko. I was hesitating to look ay my phone pero nagawa ko. Napuno ng saya ang puso ko when I saw a text message from him.
Carlos:
I love you two.
Napapikit ako at napatingala para pigilan ang mga luhang kumakawala, hindi sa sakit ngunit sa saya. Ngumiti ako at pinatay na ang phone ko. Wala akong masabi dahil walang makakatumbas sa saya ko ngayon.
Dalawang buwan na ang tiyan ko ngayon at pansin ko na ang unti-unting paglaki nito. Nasa sala ako, kagagaling ko lang maglakad sa park. Nakapatong ang dalawa kong paa sa glass center table. Kinuha ko ang baso ng gatas sa mesa habang nakatuon ang mga mata ko sa magazing na binabasa ko about pregnancy.
"Janelle! Kung may kailangan kang ipabili sabihin mo, mago-grocery ako ngayon" sigaw ni Wendy mula sa kusina. Inilapag ko muna ang mga hawak ko at tumayo para mapuntahan si Wendy.
"Gusto ko ng maraming strawberries at nutella" bungad ko kaagad sakanya. Tumango lang siya ng sunod-sunod at nagpaalam na sa akin. Bumalik ulit ako sa sala, napanguso ako nang mapagtanto kong hindi ko na naubos ang gatas ko.
Sawa na ako sa lasa ng gatas. Naiinis ako!
Akmang iiwan ko ang gatas sa maliit na mesa at didiretso na sana ako sa kwarto nang biglang may magsalita.
"I told you to drink your milk, you promised me Janelle" my heart burst with happiness. I turned to the door. There he is, kalmadong nakahalukipkip at naka ngisi. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, nakasuot lang siya ng plain whte tee shirt at isang sweat shorts, naka slippers lang din siya. Di mo akakalaing dakila siyang prinsipe! Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, nanlalambot ang tuhod ko, my hands are trembling.
"Baby, you miss me that much?" sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Tumulo na ang mga luha ko sa sobrang saya. I wish everything was okay, walang sukatan ng estado sa buhay para sa pag-ibig.
"Paano ka nakapunta dito?"
Itinaas niya ang kilay niya. Kahit sa pagtaas lang ng kilay, he's totally a hot guy, damnit!
"Lumabas ako sa pintuan ng palace, sumakay sa kotse ko, binuksan ang pintuan mo. That's why I got here" his tone is mocking me.
"Can you answer me figuratively? You're being a jerk again" sabay iling. Tumalikod ako sakanya at pumuntang kusina. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis ako sa harapan niya, parang kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko. Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng kainin.
"I bought you strawberries ang nutella" naramdaman ko ang pagtunong ng isang plastic na pumatong sa counter top. Humarap ako kay C at totoo nga! May dala siya for goodness! May ngiti sa mga labi ko, lumapit ako sakanya at pinatakan ng isang marahang halik sa labi.
"Thank you, baby prince" sabi ko sabay talikod. I smirked, you're dumbfounded again Mr. Prince.
Sinawsaw ko ang tip ng strawberry sa nutella na nasa bowl habang ang mga mata ko ay nakatuon lang sa tv. Netflix nanaman ang karamay ko para sa pagpatay ng kainipan. I shrieked when a zombie appeard on the screen and parang magkaka heart attack ako sa sobrang kaba. Damn you ugly zombie.
"Sino ba may sabing manood ka ng zombie sa tren?" ang malalim niyang boses ang narinig ko pagkatapos. Kumunot ang noo ko.
"What's your problem? Ito ang gusto ko, this is my world and you cannot do anything about it!" sigaw ko. He chuckled! Lumapit lang siya sa akin at niyakap ako sa baywang ko.
"I have no problem. Ayoko lang ay yung nabibigla ka" bulong niya sa tenga ko. It sends electricity to my spine at parang natameme ako bigla. Ang reaction talaga ng sistema ko sakanya, ganoon ba kabaliw ang puso ko sayo na pati utak ko napapasunod mo? Damn you my young heart.
"I heard from tito that you're pregnant. Totoo ba?" nahihimigan ko sa boses ng pinsan kong si Cassandra ang kasiyahan. Hindi niya ako tinrato ng masama kahit anak lang ako sa labas ng tito niya, half of my father's family hates me pero some of them likes me.
I laughed. "Uh-huh. Two months" sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. She giggled. Nagkwento siya ng mga karanasan niya nang pinagbubutis niya ang baby niyang si Alessandra noon.
"Sa una masakit, pero kapag nakita mo na ang bunga ng sakit, the pain will disapear like poof!" then she laughed. Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan hanggang sa nagdesisyon na kaming magpaalam sa isa't-isa.
"Aalis kana?" tanong ko kay C. Nakatayo siya sa harapan ko habang hawak ang susi ng ferrari niya. Ngumuso ako at niyakap siya. Ilang araw nanaman kaya bago kami ulit magkita? Ilang araw nanaman ba ang titiisin? Ilang araw nanaman ba akong maghihintay?
"I'll be back again, baby. I love you both" sabi niya sabay halik sa akim at sa tiyan ko.
We love you too.
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
General FictionMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...