Hindi ko mawari kung saan nagmula,
na parang isang mahabang kwento nagsimula,
Hindi ko alam kung bakit nawala na parang bula,
na parang sumagi lang na alaala,
Hindi ko alam na mali na pala ang akala,
na parang isang maybang na taong humarap sa madla,
Hindi ko pinakinggan ang mga babala,
na parang isang kabadong sarado ang isip at nababahala,
Hindi ko maintindihan kung ako ba'y pinagpala,
na parang ang katulad mo'y sa akin ay naisangla,
Hindi ko na marandaman pa ang pinsala,
Unti-unting natutunaw na parang isang kandila,
Hindi ko na alam kung saan hahantong ang nobela,
na parang ang buhay ng may akda ay naantala.