Kabanata 1

4 1 1
                                    




I. Rue


Sunod -sunod na pag-langitngit ng lamesa't upuan na nasundan ng maiingay na yapak ng mga kapwa ko estudyanteng naglalakad palabas ng silid  matapos tumunog ang  alarmang indikasyon ng wakas ng una naming klase para sa umaga.

Dumiretcho na ako sa aking susunod na subject para sa araw na to. Sa Literature, ang aking paboritong subject.

Nang makarating sa tamang silid ay umupo na ako sa aking upuan na nasa dulo ng kwarto at nakatapat sa bintana. 15 minutes pa bago mag simula nang susunod na klase kung kaya't nag desisyon akong magbasa- basa muna.

"Nabalitaan nyo na ba? yung transferee na sinasabi ni Sir. Madrigal nung isang araw, ngayon daw papasok." ani ni Sheila ang numero unong chismosa sa section na ito.

"Oo nga balita ko din gwapo daw at Athletic!" yun naman si Evelyn ang numero unong kaututang dila ni Shiela.

Mukha ba akong hater nila? Hindi naman sadyang ganung klaseng tao lang talaga sila at nagiging totoo lang ako sa pag bibigay ng deskripsyon sa kanila.

Nadagdagan pa ang mga kachismisan ng dalawa ng at nagsimula nang umingay ang klase.

"Oo gwapo talaga at Athletic! nakita namin sya ni Mia nung isang araw sa try-out ng basketball!"

"Sya ba yung naka number 30 na jersey Dhen mae? "

"Oo Mia sya yun nakita ko din sya at meron syang fan page sa Facebook kaya may picture nya ako"

Mula dito sa pwesto ko ay kita ko na may pinakita sa cellphone nya si Jhendy sa mga kaibigan nya na ikinatili ng mga ito.

"Oh Rue! senti ka na naman dyan? lagi kang ganyan kaya walang nag kakagusto sayo e!" tawag sa akin ni Shiela na ikinagulat ko at may halong panunuya.

"Wala akong paki kung walang nag kakagusto sakin. at wala rin kayong paki di naman kayo ang hindi nagugustuhan." sagot ko sa kanya.

"Halika dito at may ipapakita kami sa iyo at wag ka nang mag-Inarte dyan" Pabalang na balik  sa akin ni Mia.

"Pwede ba wag nyo na ako idamay sa kung ano man pinag kakaabalahan nyo. Sigurado akong wala din namang kwenta yan." sabi ko sabay irap sa kanila at nag basa nalang ulit.

"Miss may nakaupo ba dito?" pag kalabit saaki ng isang di ko kilalang lalaking may kahabaan ang buhok na matingkad na brown ang kulay dahil nasisinag ng araw. at isa pa gwapo, may abuhing kulay ng mata at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at mapupulang labi. di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanyang mukha. napansin ko ding nawala ang ingay ng mag kakaibigang Shiela na napalitan ng bulong-bulungan ng buong klase.

"Walang nakaupo dyan." pag bawi ko ng tingin at hinarap ang aking librong tingin ko ay di ko naman na naiintindihan ang nakasulat.

"Patabi ha salamat." pag papaalam nya na ikinatango ko nalang at di na muling tumingin pa.

"Leaven Sketch Cuevo, Transferee yung sinabihan mong walang kwenta kanina." ani nya ng pabulog.

Napamulat ako ng mata at pabalikwas ng lingon sa kanya dahil di ko inaasahang maririnig nya yung pinag sasabi ko kanina.

"T-teka-- " naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating si Miss Calista Gererro ang aming Literature professor. Di na din ako pinansin nang lalaking katabi ko.

"Good Morning future Architects" masiglang bati saamin ng aming professor.

"Good Morning Ms. Gererro" pabalik na bati namin sa aming magandang professor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Who See GhostsWhere stories live. Discover now