Mahirap talagang mapunta sa isang bagay na hindi sigurado.Imagine, paano mo masasabing sa iyo ang isang bagay kung hindi ka naman sigurado kung sa iyo na ba siya o imagination mo lang ang lahat. Gaano ba kaimportante ang label sa isang relasyon? Bakit may mga taong mas pinipili ang walang commitment kung baga walang kontrata? Mas okey ba yun? O mas komplikado?
Naranasan ko nang mapunta sa relasyong muntik- muntikan nang maging masaya, muntik nang maging kaming dawala. Kadalasan,puro bolahan lang ang nangyayari,matatamis na salita na turing hanggang medaling araw na tawagan at kung ano-ano pang mga bagay na magpapahulog sa;yo sa patibong niya.
Sa simula, ayos lang. Ang nasa utak ko naman, kung ditto naman ako masaya, bakit pa ako magdedemand ng pormal na label. Pero habang tumatagal, parang unti-unti kong naiisip na nagsasayang lang ako ng oras. Nagbibigay ako ng effort sa isang bagay o tao o feelings na walan naman konkretong patutunguhan. Doon ko na realize na mahirap pala ang relasyong walang kayo.