Chapter 60 (Missing Red)

275 4 0
                                    


Nagsimula ng mag-alala si Venus kaninang tanghali nakausap niya si Red at pauwi na ang binata pero gumabi na lang ay wala pa rin ito supposed to be nakarating na ito or kanina pa.

May nanalasa pang bagyo sa dakong Luzon kaya mas dumoble ang pag-alala niya. Nakatulog na lang si Venus sa sofa sa kahihintay ng tawag ng binata.

Mayamaya nakatanggap siya ng tawag kay Dante.

"Hello Dante? Thank God you're safe. Nasaan si Red? Pakausap naman ako pwede, hindi ko kasi siya macontact" sunod sunod na sabi ni Venus.

"Ms.Venus, hindi ko alam kung nasaan si Sir Red. Nagkahiwalay kami nang hampasin ng alon ang bangka namin."

"What? What about the rescue team nakita ba nila si Red?"

"Sorry to say this Ms. Venus pero hindi na rin kaya ng mga rescue team ang pumalaot pa dahil sa bagyo."

"No! No! Kailangan nilang hanapin si Red paano kung napahamak na siya. Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita."

"Nasa daungan pa Ms.Venus."

"Sige, hintayin mo ako dyan!"

Mabilis na lumabas ng bahay si Venus at pinaandar ang kanyang motorbike. Nang makarating sa daungan agad na hinanap ng dalaga si Dante.

"Dante, nasaan na si Red?"

"Hindi parin siya nahahanap Ms.Venus."

"Ano? I'm pretty sure he's just here somewhere. Kailangan ko siyang hanapin."

Akma ng sasakay sa speedboat si Venus pero mahigpit siyang pinigilan ng mga rescue team.

Dahil sa inis niya sinuntok ni Venus ang lalakeng nakahawak sa braso niya sinipa ang nasa kaliwa at binigwasan ang iba pang pumipigil sa kanya.

She is a black belter walang makakapigil sa kanya hanapin ang binata.

Nang makawala ay mabilis siyang sumakay sa speedboat. She went North, West, East and even South. Hindi nagpatinag ang dalaga sa paghahanap kay Red.

Basang basa na siya dahil sa lakas ng ulan pero tiniis niyang lahat iyon basta ang mahalaga ay mahanap niya si Red.

"Lumabas ka dyan Red magpakita ka sa akin babe. Ano ba! Naiinis na ako baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo Red! Red! Answer me!" sigaw niya.

Ilang oras na siyang sumisigaw but still no answer. Isang malakas na alon ang humampas sa speedboat ni Venus dahil sa sobrang pagod at lamig nawalan ng balanse ang dalaga kaya tuluyan siyang natangay ng alon.

Nakainom siya ng maraming tubig kaya nahihirapan na siyang huminga sa ilalim ng dagat. Subalit kahit kapos sa hininga ay pinilit parin ng dalaga na maabot ang speedboat hanggang nawalan na siya ng malay.

Nagising na lang siya na nasa hospital. Nang nilibot niya ang paningin nakita niya ang ina na natutulog sa tabi.

"Mom?" mahinang tawag niya.

"Athena?"

"Thank God you're awake. Hindi mo alam kung paano ako nag-alala sayo anak."

"What happened?"

"You were unconscious for three days because you lack oxygen in your body. You almost died Athena! Ano ba ang ginagawa mo sa dagat kahit may bagyo?"

"Hinahanap ko si Red. Nahanap na ba si Red?"

"Ipaubaya mo na lang sa mga rescue team ang paghahanap kay Red anak. We can't afford na mapahamak ka na naman."

"But..."

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon