Natasha's POV
"Ahmm...Tasyang, hindi kasi ako pwede. Ah-ehh, yung booth kasi natin. Yung marriage booth! Sakin naka-assign yung pagde-design nun." sabi ni Mutya,
"Si Oyang na lang!" sabi ni Mutya at ipinunto ang daliri kay Oyang na sumusubo ng kanin at hindi alam kung ano ang pinag-uusapan namin ni Mutya, galing kasi kami sa cr at kababalik lang namin dun sa inuupuan namin,
"Kuya Oyang!" sino pa nga ba, edi si Mimay a.k.a espasol girl na naman, biglang sumimangot yung mukha ko,
Tiningnan sya ni Oyang.
"Pwede mo ba kaming tulungan sa pag-aayos nung booth natin?" tanong nya,
"Kita nang kumakain pa, tss." pabulong na sabi ko at umirap ako,
"Sige, hintayin nyo ko." sabi ni Oyang,
Bago iligpit ni Oyang ang kanyang lunch box ay tinusok nya muna ng tinidor yung ulam nyang fried chicken na halos wala pang bawas dahil kauumpisa nya pa lang kumain at inilipat sa baunan ko. Kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Pakabusog ka." sabi nya sabay ginulo yung buhok ko at naglakad na paalis,
Shett, parang namumula ata ako? I hope not.
"Kinikilig si Tasyang!" sigaw ni Mutya,
"Ano ka ba Mutya, wag ka ngang maingay." pinipigilan kong matawa dahil lalo akong aasarin ni Mutya, Natasha, guilty ka. Guilty.
"Kinikilig ka kasi, Tasyang!" sigaw na naman nya,
"Sshh. Tama na, Mutya. Pino-problema ko pa kung sino yung sasama sakin sa San Teodoro High School para mag-invite ng mga bisita." sabi ko,
"Bakit ba kasi sakin inassign yun." sabi ko in a depressed tone,
"Ang alin, Tasyang?" andito na pala si Lino, umupo sya sa damuhan katapat ko at inilabas ang lunch nyang tinapay,
"Yung pamimigay ng invitation." sabi ko,
"Ganun ba? Gusto mo, samahan na kita? Sa San Teodoro ba? Kabisadong-kabisado ko ang papunta duon." Nakangiting sabi ni Lino,
"Talaga, Lino? Sige!" sabi ko, hay sa wakas naman, problem solved.
"Yan, dyan magaling si Lino eh, sa lakwatsa. Tsk tsk." sabi ni Mutya kaya inirapan sya ni Lino,
...
"Tara Lino, kaylangan nating makabalik kaagad bago mag-uwian." aya ko kay Lino,
"Ako na'ng magdadala nyan, Tasyang." sabi nya at marahang inagaw sakin yung bitbit kong plastic na may lamang mga invitation,
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sakayan ng tricycle, kaylangan daw kasi naming sumakay ng tricycle papunta sa San Teodoro pero mga 15 minutes lang daw.
"Ahm, Tasyang..." tiningnan ko si Lino at hinintay ang sunod nyang sasabihin,
"Saan ka mag-kokolehiyo?" tanong nya,
I stopped for a second. Kaylangan kong matapos ang misyon na to bago pa matapos ang school year na to. It's not like I'm gonna follow Oyang until college, right? I wouldn't wanna do that. I...really wouldn't. Hindi rin magtatagal ay iiwan ko ang lugar na to and everything is just going to be a memory in the past.
"Balak kong kumuha ng entrance exam sa Manila University." Sabi ko, Lie. When I finish this, I'm gonna start working at SAC.
"Ahh, ganon ba. Sigurado akong makakapasa ka dun. Kung sakali pala ay hindi na tayo magkakasama." May halong lungkot na sabi nya, pero nakangiti pa din sya.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
أدب المراهقينTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...