The blow of the wind makes me uncomfortable. Tila sa bawat paghaplos nito sa akin ay may sakit na kahalo ito. Napahawak ako sa aking braso ng maramdaman ang lamig na dulot nito.
Sa buong islang ito, na ang pangalan ay Poblacion Enrique's, ang karagatan ang siyang tumatayong ilaw ng lahat. May isda ito na siyang nagbibigay pagkain para sa lahat at siyempre dinarayo rin ang lugar na ito ng mga turista na siyang nagbibigay ng kita sa may-ari nito.
Halos gumewang gewang ako sa daan ng maramdaman ang hilo. Tila yata nalasing ako sa kaunting wine na ininom ko. All my life, ngayon lang ako uminom ng alak! Isa lang naman ang dahilan ko at ito ay ang problema! They are just a trash thay most people must throw because it is really toxic!
"Harriet! Harriet! Harriet!"
Wala akong ganang lumakad, tumayo, ikilos ang aking ulo at magsalita. Pakiramdam ko anumang kilos ay magsusuka ako, at nararamdaman ko ring kahit anong tayo ay bibigay at bibigay pa rin ako.
"Harriet! Please, let me explain!"
Halos matuliro ako at mabingi sa mga pinagsasabi ng taong sa tingin ko ay naririnig ko. Malamang naririnig mo 'yan! May tenga ka diba! Nakakarinig! The voice of the male is familiar. I just don't have the guts to pay my attention for them.
Sa gana kong manahimik at huwag kumilos, pinakatitigan ko na lamang ang dagat. Napaka asul nito na tila walang halong kemikal ito at kung titignan ay parang natural sa mga mata. Masarap maligo lalo na kapag sabayan pa ng paglubog ng araw.
I looked above and saw the sun setting, it was nice before the sun continues to hide until the sorroundings became dark, a sign of night and the moon is awake, reigning the whole universe temporarily without the sun.
Hinubad ko ang aking suot at natira na lamang ang kulay abo kong two piece. My skin is fair, perfectly match with any dull colors to make me more natural even though not.
Napahalakhak ako sa sarili ng matantong malamig talaga ang tubig sa dagat lalo't kasama pa nito ang hangin na para bang pinagtutulungan ako na patayin sa ginaw. It makes me upset in the first place but then, I thought about how sea is generous. Ito ang laging sandalan ng mga taong nangagailangan sa mga nasasakupan nito at sa buong mundo.
Sa hindi malamang dahilan, lahat ng kalasingan ko ay natanggal. My worries flew away in just a second. Tila yata isang mahika ang maglublob sa tubig at isipin ang kalayaan ng sarili. It's just a matter of making peace and making life and realization.
" Izza! Si Aris! They a-arrived..." halos hindi magkanda-ugaga si Sheryl sa pagpunta sa akin upang maiparating ang balita.
" I don't care!" irap ko sa kanya at saka nagpatuloy sa paglangoy upang ibalewala ang naturan ng kaibigan. Ayoko sa toxic!
" Si Harriet buntis!" sunod niyang sigaw ng halos ilubog ko na ang sarili ko sa tubig.
" What the hell?" sagot ko habang nagmamadaling umahon at ipinulupot ang katawan sa sariling damit at inayos ang sarili.
Sabay kaming lumakad patungo sa mga Enrique, Harriet can't be pregnant. Parang nawalan ako ng takas sa sarili at ang lasing na kanina ay tumitimpla sa aking sarili ay nawala na. The thought of Harriet being pregnant can't circulate in my brain.
" Kanino mo nakuha ang impormasyon na 'yan?" tanong ko sa kanya ng matapat na kami sa mansiyon ng mga Enrique hindi maaari. I have plans for Harriet, at siya lang ang natitira sa akin.
Mga kagamitang antik ang bumungad sa aming pagkapasok pa lang sa mansiyon nila. Unang palapag pa lamang mga pinta ng mga mukha ng kanilang mga ninuno ang bumungad sa amin.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Isa itong mansiyon kung tutuusin. Napakalaking chandelier ang nasa tuktok ng kisame nila at ang dalawang hagdanan nito patungo sa pangalawang palapag ay nababalutan ng red carpet. Tila isa silang mga hari at reyna na namumuno sa buong bansa.