11

1.4K 31 0
                                    

~Jack's POV~

Habang hinihintay namin ang driver nina Monica ay tahimik lang kaming dalawa. Wala akong maisip na pag uusapan namin eh

"Jack?" Biglang sabi ni Monica kaya naman napa tingin kaagad ako sakanya

"Bakit?" Sabi ko sakanya. Nagbuntong hininga naman sya saka humarap saakin na para bang kinakabahan

"Ikaw ba,may nagustuhan ka na ba? Or di kaya crush?" Tanong nya saakin kaya naman napa kunot nalang ang noo ko dahil sa tanong nya

"Huh? Wala naman,bakit mo naman natanong?" Sabi ko sakanya

"Ahhh wala,ano kasi eh" sabi nya saka napakagat sa labi nya

"Ano? Sabihin mo na,kaibigan mo naman ako diba?" tanong ko sakanya

Nakita ko naman na bigla nalang nalungkot ang mukha nya kaya napa kunot na lang ang noo ko

"Hoy,may problema ka ba?" tanong ko sakanya pero umiling lang sya sakto naman na dumating na ang driver nila

"Ahh sige,alis na ako Jack. Happy Birthday ulit" sabi nya saka pumasok sa van nila

Ano ba problema ni Monica? Bakit bigla na lang syang nalungkot? Kanina ang saya saya namin ah? Ewan! Ang gulo! Makapasok na nga sa bahay

                                    ~*~

Pagpasok ko sa kwarto ay humiga na kaagad ako sa kama ko. Hayy!! Nakaka pagod ang araw nato! Pero masaya naman dahil nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay,pati na rin si Monica

Makatulog na nga! May klase nanaman bukas eh

                                   ~*~

{Monica's POV}

Pagkahiga ko kaagad sa kama ay pumasok kaagad sa isip ko sinabi ni Jack saakin kanina

Kaibigan mo naman ako diba?

Kaibigan mo naman ako diba?

Kaibigan mo naman ako diba?

Kaibigan lang ba talaga tingin nya saakin? Kasi ako hindi eh,gusto na sya eh

Pero wala eh,na friend zone ako. Sabi nila masaya daw pag ang isang tao ay umibig. Pero bakit ganun? Nasaktan ako? Di naman ata yun totoo eh T^T

Ano naman ang gagawin ko kapag nakita kami sa school bukas? Iiwas ko ba sya? O magpanggap na walang nangyari?

Ewan! Naguguluhan ako! Sana pala di ko na lang ito naramdaman T^T

                                  ~*~

Habang naglilibot ako sa campus ay nakita ko na papasok si Jack. Ano gagawin ko?!!

Tumalikod naman ako kaagad saka naglakad papalayo sakanya. Sheyyt! Kinakabahan ako,paano na lang kapag malaman nya na gusto ko sya? Tapos sasabihin nya saakin na hindi nya ako gusto?

Ayaw ko marinig yun! Masakit na nga pag alam mo na kaibigan lang ang tingin sayo,tapos sasabihin nya hindi nya ako gusto? Ayaw ko na!

Dahil sa dami kung iniisp hindi ko napansin na may naka bunggo na pala ako

"Naku sorry,di kit-" natigilan ako sa pagsalita ng makita ko na si Jack pala ang naka bunggo ko

"Monica? May problema ka ba?" tanong saakin ni Jack kaya naman umiling kaagad ako

"Sige Jack,alis na ako" sabi ko saka tumalikod sakanya

Muntikan na ako dun ah! Woo! Sheyyt!

~~~~~~
Hope you enjoy!

winternessa <3

The coolest girl ive ever meet {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon