13

1.4K 30 0
                                    

~Jack's POV~

Pagpasok ko sa classroom ay umupo na kaagad ako. Dahil nga magkatabi kami ni Monica eh napaka awkward. Buti na nga lang hindi pa sya dumating

Pagkadating nya ay tumingin kaagad sya saakin pero kaagad rin namang iniwas. Umupo kaagad sya,kaya magkatabi ngayon. Pero walang nagsasalita sa aming dalawa

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si prof kaya napa buntong hininga na lang ako saka nakinig kay prof

~*~

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman tumakbo kaagad ako papunta sa kotse at kaagad iyong binuksan saka pumasok

Nagpunas muna ako sa katawan ko saka magda drive na sana ako ng may makita akong babae na naglalakad habang umuulan. Kinuha ko naman sa back seat ang payong ko saka lumabas

"Miss,bakit ka nagpapa ulan?" tanong ko pagkalapit ko sakanya

Tinaas nya naman kaagad ang ulo nya saka tumingin saakin

"Jack?"

"Monica? Bakit ka nagpapa ulan?" tanong ko sakanya

"Wala akong dalang payong tapos na lowbat pa itong cellphone ko kaya di ko matawagan si manong" sabi nya saka ngumuso kaya napa ngiti na lang ako

"Pasok ka na nga sa kotse" sabi ko sakanya

"Huh? Edi mababasa ang kotse mo. Tingnan mo nga ako,oh. Basa ako,kaya wag na" sabi nya

"Hindi,okay lang. Baka magka sakit kapa nyan eh" sabi ko saka kami naglakad

Pinag buksan ko sya ng pinto ng kotse saka sya pumasok. Naglakad naman ako sa kabilang pinto ng kotse saka iyon binuksan saka pumasok

"Doon na lang muna kita sa condo ko,ihahatid" sabi ko sakanya kaagad naman syang tumango kaya nag simula na ako mah drive

~*~

Pagkapasok nammatapos.ondo ko ay kaagad akong kumuha ng tuwalya at kaagad iyong binigay kay Monica

"Pumunta ka muna sa cr saka maligo o di kaya mag half bath. Ihahatid ko na lang sayo ang damit mo" sabi ko sakanya at tumango na lang sya saka pumunta kaagad sa cr

Kumuha ako ng isang puting t-shirt at boxer saka iyon binigay kay Monica. Bago ko pa namang bili yung boxer eh kaya no problem

Nanonood na lang ako ng tv,habang hinihintay si Monica na matapos

~*~
{Monica's POV}

Nang makalabas na ako sa cr ay tiningnan ko kaagad ang sarili ko sa salamin. Ang laki ng t-shirt nya,pwede na akong hindi mag short nito eh

Nakita ko si Jack na nanonood ng tv kaya naman tumabi ako sakanya

"Ahhmm Jack,thank you sa pagpapahiram ng damin at boxer mo ah" sabi ko sakanya kaagad naman syang tumingin saakin

"Okay lang yun,saka malakas parin ang ulan sa labas. Mabuti pa tawagan mo na lang ang parents mo. Baka nag aalala na sila sayo,nasa kwarto ko ang charger. Pwede mo gamitin yun"sabi nya saka ngumiti kaya tumango na lang ako saka pumunta sa kwarto nya

Pagkadating ko sa kwarto ni Jack ay nag charge kaagad ako saka lumabas muna

Pagkadating ko sa sala ng condo nya ay nakita ko na may mga pagkain na nandoon

"Monica,kumain na tayo" sabi nya kaya lumapit ako kaagad

Gutom na ako eh!

~~~
Feeling ko hindi ako makaka update ng ilang araw kasi sumasakit na ang mata ko kapag kaharap ko ang cellphone eh

So magpapa hinga lang muna ako saka mag uupdate ulit

Hope you understand!😊

winternessa <3

The coolest girl ive ever meet {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon