This is Real

4 0 0
                                    

February 18,

Umaga yun nung una tayong mag usap.

yung simpleng "hi goodmorning" ay nauwi sa isang buong maghapon na kwentuhan. 

hind ko alam kung bakit magaan yung pakiramdam at alam kong ganun ka rin sa akin.

feb. 19,

ikaw agad yung tinext ko. 

alam ko na kulang ang isang araw para makipagkwentuhan. 

kaya tuloy tuloy lang ako kwento paulit-ulit man pero hindi tayo nagsasawa.

feb.20,

yung tawag mo ang gumising sa akin. 

nang sinagot ko yung celpone ko at narinig mo na nag hello ako. alam ko na masaya kang kausap ako dahil sa tono ng pagbati mo ng magandang umaga.masarap sa pakiramdam. 

feb. 23

 unang araw na tayo ay nagkita. 

naisip ko na gawaan kita ng sandwhich kasi alam ko di kapa uuwi nun magdamag ka sa office nagstay.

sobrang bilis ng mga oras na yun. 

nalungkot ako pag lakad mo palayo.

feb. 24

mas naging mas matamis yung araw ko. 

kasi feeling ko nakahanap ako ng perfect buddy ko.

feb. 25

masaya ako sa bawat oras na ka sama kita. halos hindi nga ako makaintay na mag umaga ulit. 

feb. 26

ito ang pinaka masayang biyernes ng buong bwan ng feb-ibig. 

sabay tayong nag breakfast.

halos ayaw ko nang umalis sa tabi mo. 

Inu~unti~unti ko yung iniinom ko ng hot choco ng hindi mo napapansin, para matagal pa kitang kasama. 

ang pinaka gusto kong part, yung sabay tayong lalakad, hawak mo yung kamay ko, kahit pasmado hindi mo binibitawan.

yung tatawid tayo sa kalye pero hawak mo parin ako feeling safe na safe. 

at yung pinaka sweet.

yung hinalikan mo ako sa noo. paalis na sana ako nun pero hinila moko ulit para halikan at yakapin. 

feb. 26 at 27

sabado at linggo na ikaw parin ang kausap ko.. sinabi mo nga sa akin na hindi naman kelangan ng TAYO para ipakita na mahal ang isat isa. 

oo may point ka. we kiss, hugs, holding hands, pero hindi tayo. 

feb. 29

last chance to have breakfast with you. 

this time magkatabi na tayo sa upuan.

mas sweet mas masaya. although may sad part na hindi na nagsasabing kelan man hindi na mauulit ulit.

march na mula march 1 - 17

naging masaya ako sa mga araw at gabi na nakikita kita. yung effort ko pag punta sayo makita ka lang. nakakatuwa kasi nappriciate mo naman. ok lang nagiintay ako ng 1 oras. kasi yung kapalit nun sobrang saya. hindi kita kinukulet pagbusy ka. pero mis na mis na kita nun. Sa totoo lang, magreply ka lang ng ok ka. ok na din ako. 

lagi mo akong tinatanong bakit ako nakasmile kapag tinitignan kita. 

hahaha iniisip ko kasi hindi ka naman gwapo,macho,mayaman o attractive pero gusto kita. 

gusto ko nakikita yung mga ngiti mo. 

yung makita kang masaya. 

gusto ko yun. 

mga text mo na sweet ang nag papangiti sa akin ng matamis. 

gusto ko talaga pag niyayakap mo ako ng mahigpit, halik sa noo. at labi. 

lagi akong umuuwi ng may baong ngiti sa mga labi, mata,isip at puso.

Hanggang sa hinahanap na kita. malungkot na ako pag di kita nakikita nakakausap. 

Hanggang sa sinubukan kong tiisin ka ng isang araw. hindi kita kinausap at ang pakiramdam nun ay mabigat. 

hindi ako masaya. 

sabi ko sa sarili ko iba ang feeling pag nandyan ka. 

nagtext ako sayo dahil gusto na kitang makita. pero hindi mo ako tinext. 

inisip ko baka busy ka lang. 

tuesday ng gabi

March 15.

nag text ako sayo na miss na kita. kahit di ka mag reply ok lang. pero nag txt ka. ito ang sinabi mo. 

" Plz dnt txt me nor see me muna.i knw its kinda rude and weird.bt m startng to miss u wen u r not around.and i dnt lyk it. Im not redi yet.plz undrstand. Tnx."

sumagot naman ako ng "ok", kahit sarcastic, kahit plastic, kahit gusto ko nang umiyak. after nun bumigat yung feelings ko. una hindi ko alm kung matutuwa ako dahil namimis din nya ako. o masasaktan na ayaw na nya ako makita. 

pumatak yung luha ko nun, sa mga unan na yakap ko. naiisip ko na baka kapag handa kana nasa iba na ako. nalungkot ako na hindi na kita pupuntahan para uminom ng kape. nalungkot ako na hindi na ako ngingiti ng matamis tulad ng nakikita mo. 

nalungkot ako,

nasaktan,

naisip ko yung ginawa mo.

'' hindi ako magpapagupit hanggat nakikita kita habang ang mga mata ko ay nakapikit"

ngayon gusto kong sabihin na

"magpapagupit ako, para makita ko ang nasa paligid ko. makita ko na wala kana sa tabi ko. "

Ang totoo ay nagsimula lahat sa isang pustahan na ang usapan ay hindi ka maiinlove sa isang tulad ko. Ako na babae makulit at isip bata. Pero nabigo ka. Ikaw mismo ang sumuko na hindi mo ako kayang saktan na hindi ka deserve sa pagmamahal at effort ko. Pinigilan mo na mahalin ako kahit alam mo sa sarili mo masasaktan ka rin. Pinigilan mo na magkaroon pa tayo ng pagkakataon na maging masaya.

Dahil mahal mo ako at ayaw mo na makita akong umiiyak.  Sinabi mo rin sa akin na kapag isinigaw ko na ang pangalan mo ay mahal na kita. Nag dare ako na i won't do it

But...i did,

zack thank you for those times that iam with you happiness and joy you brought to my life is priceless. i am thankful to share my time my life with you in a short time. i admit that i love you even how look you have. even you have pasts... 

i want to be with you as always. 

thank you for for making me happy, for respecting me, for taking care of me. i understand why we need to be apart. i know what youve been through. i spent my time and effort without hesitate. 

i love to look back for those time that were together,laugh together, eat together. sitting beside you and smiling without any reason is a crazy things. 

i admit that i SHOUT your name ZACK. 

i will never forget you. you hold my hand a for a while but you hold my heart 💘💘💘 for a lifetime.💔

falling in love at the wrong timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon