Prologue:

11 2 2
                                    


April, 1988
Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isa sa malaking Mental Hospital sa lungsod ng Makati.
Hindi magkanda ugaga ang mga nurse at doktor sa pag aasikaso sa mga pasyente. Isa isa nilang pinapasok ang mga kwarto ng hospital para mailigtas ang kanilang mga pasyente.

Isang nurse ang nagmamadaling makarating sa dulong bahagi ng Ospital kung saan nandoon ang isang pasyente. Palaki na ng palaki ang apoy.

'Anu kaya kung bumalik na lang ako't sabihin ko sa kanilang natupok na ang bahaging yun ng ospital' sa isip isip ng dalagang nurse. Pabalik na sana siya ng makarinig ng sumisigaw na babae at humihinge ng tulong.Nakokonsensiya namang bumalik ang nurse at tumakbo kung san niya narinig ang paghinge ng tulong. Nagmamadali siyang makarating sa dulo at agad niyang pinuntahan ang nasabing kwarto. Nanginginig at nanlalapot na sa pawis ang dalaga.

Klick...

Pinihit niya ang doorknob ng pinto matapos itong i unlock. Padarag niya iyong binuksan at bumungad sa kanya ang isang babaeng pasyente.Umiiyak pa ang dalagang parang hindi nalalayo sa edad niyang 23. Nakasuot ito ng white gown at nakayuko sa kanyang tuhod. Nilapitan ng nurse ang pasyente, kinuha niya ang kamay nito at hihilahin na sana niya patayo ng napansin niyang hindi ito natitinag sa pagkakaupo.
"Miss, tara na!  anu ba?!" naiinis na sabi ng nurse.
"Bahala ka sa buhay mo! Mamatay ka jan, Baliw!" nawawalan na talaga ng pasensiyang sabi ng nurse. Tatanggalin na sana nito ang pagkakahawak sa pasyente ngunit nagulat siya ng hindi nito bitiwan ang kanyang kamay. Nilingon niya ang baliw at nakita niya kung pano ito dahan dahang ngumiti. Inosenteng ngiti na talaga namang nagpatayo ng kanyang mga balahibo sa batok. Patuloy siyang nakikipag agawan sa kanyang kamay ng bigla siya nitong itulak. Napahiga siya sa sahig at napatama ng malakas ang kanyang ulo sa kanto ng lamesa malapit sa kama. Nararamdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa likod ng kaniyang ulo. Sa sakit ay di agad siya nakabangon. Nagmamadaling lumapit sa kanya ang baliw at agad na dinakma nito ang kanyang leeg. Nakakapagtaka ang lakas ng dalagang baliw bagamat mas malaking bulas ang nurse ay di nito matanggal ang kamay na nakasakal sa kaniyang leeg. Marahil ay dahil na rin sa nanghihina siya dulot ng pagkakatama ng kaniyang ulo kaya hindi na makalaban ang nurse. Nararamdaman ng nurse na unti unti na siyang kinakapos ng hininga. Hanggang sa hindi na nga nito kinaya at nawalan na ng malay tao. Nakangiti namang tumayo ang baliw at hinubad ang suot na hospital gown at kinuha ang damit ng nurse, dali dali itong lumabas ng building at umiwas sa karamihan. Nang makalayo layo na ay lumingon pa siya sa kanyang pinanggalingan . At dun nga sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi habang tinatanaw ang building ng Ospital na nasusunog.
"Mamatay ka jan!" ang nakakaloko pa nitong sabi, habang ngiting ngiti.

AN: Hi guys ^.^ Sana mai vote nyo po itong story ko para mas ma motivate ako sa pagsusulat. Feel free to comment kahit negative or positive yan Ok lang ^.^  Goodbless sating lahat and Enjoy reading ^.^
Ps. Yung unang story ko ay nabura ng di sinasadya buti na lang chapter 1 pa lang. Ire remake ko na lang ulit pag sinipag. May readers na rin kasi ako nun eh ^»^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Orphan: Adelaida Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon