"Monalisa laban sa Higanteng Argona"
Naghanda si Mona ng isang sandata na maaring gamitin kay Arde ang punyal ng napatay niyang zombie. Itatarak niya ito sa puso ng Argona(Arde) upang mamatay ito.
Nang lalapit na si Mona ay agad nagbuga ng nagbabagang apoy ang Argona, sinalag ito ni Mona gamit ang makapangyarihan niyang kalasag.
"Kung inaakala mong nakaligtas ka na! Hindi pa! Hangal!" ani ng Argona
"You're so stupid monster! Kailangan mo nang pagdusahan ang mga kasamaan mo!" sambit ni Mona
Umakyat si Mona sa bato at tumalon sa likod ng Argona, ngunit nabalibag siya nito. Nagtago si Mona sa isang bato upang pansamantalang iwasan ang nagyayamut na Argona. Naisip ni Mona na kung lalabanan niya ito ng mano-mano ay hindi siya mananalo rito kaya naghanda siya ng mga makapangyarihang kasangkapan na maari niyang magamit laban sa Argona.
Una niyang ginamit ang mga mahiwagang bato na kayang lumaban kapag nailapag sa sahig. Inihagis ni Mona ang tatlong bato at ang mga bato ay nag-anyong halimaw na kung tawagin ay Golems. Lumaban ang mga ito para kay Mona, ngunit nilusaw lang ito nang makapangyarihang si Arde kaya isinunod ni Mona ang pangalawang kasangkapan. Ang Cloak of Invisibility na sa oras na ibanalot ni Mona sa katawan niya ay hindi siya makikita ng sinuman. Lumapit si Mona sa Argona at inatake ito, nabutas ni Mona ang pakpak ng Argona at dahil don hindi na nagawang makalipad nito. Sa hindi inaasahang pangyayari aksidenteng nasabit sa nagbabagang apoy ang cloak kaya nasunog ito at nakita si Mona ng Argona. Hinabol si Mona ng Argona, nilabanan ito ni Mona gamit ang kanyang ispada.Tsssk.
Tsakkk..
Pangaang .
"Tigilan mo na ako Arde! Hayaan mo nang makuha ko ang Orasan!" sambit ni Mona
"Hindi kita hahayaang magtagumpay sa balak mo! Hindi kita tatantanan!"sambit ni Arde
Sa galit ni Arde ay napakawalan niya at nabuhay niya ang mga mababangis na nilalang sa balaak ang mga dimenyo, itim na kaluluwa, mga taksil na Anghel, mga yumaong ganid na mga Hari at ang mga makapangyarihang mangkukulam. Sa damk ng mga nilalang na ito ay namuo ang pagaalinlangan ni Mona na manalo pa siya sa labanang iyon.
"Ano Mona? Hindi ka pa ba susuko? Milyon laban sa isa? May laban ka pa kaya?" pangaasar ni Arde kay Mona.
Gayunpaman ay hindi nagpatinag si Mona pilit niyang nilabanan ang mga demonyo atbp, ngunit sa kasamaang palad ay nabihag siya ng mga ito at isinuko sa panginoong Arde. Pilit mang magpumiglas ni Mona ay hindi niyang magawang makawala binigyan si Mona ng itim na usok ng mangkukulam upang makatulog.
"Panginoon!..purihin si panginoong Arde!...ang dakila" sigaw ng mga itim na nilalang.
"Panginoon?..anong gagawin sa babaeng iyon?" tanong ng isang huklubang mangkukulam
"Ikulong siya! Wag pakainin at patikimin ng sanlibong takot! Masyado siyang matapang at malakas! Batayan niyong mabuti!" Utos ni Arde
Ikinulong nga si Mona sa isang silid kung saan mayroon lamang isang sapin at basag na salamin. Nagbunyi ang mga itim na nilalsng sa pagtatagumpay ng kanilang panginoon, ngunit sa kalagitnaan ng pagdiriwang ay may bumagsak na sulat na nanggaling pa sa kalangitan sa harapan ni Arde na aktong umiinom pa ng dugo ng nabubulok na tao. Isang babala na nagmula pa sa panginoon ng langit na si Emre. Habang si Mona naman ay nagmumuni-muni nagisip siya ng paraan kung paano siya makakatakas sa selda niya, ngunit napaka-selyado nito ng majika at hindi kayang buksan ng kamay lang. Napansin ni Mona ang basag na salamin sa pader ng selda niya. At sa pagharap niya rito ay lumitaw ang isang makisig na lalaki ang akala ni Mona ay guni-guni niya lang ito, ngunit nagwika ang lalaki sa salamin. "Ikaw ba si Mona?" sinabi ni Mona na siya nga ang hinahanap ng lalaki.
"Kung magkagayon nais kong makita ang marka sa iyong kanang braso" wika ng lalaki sa salamin
Nang ipapakita na ni Mona ang marka ay biglang naglaho ang lalki dahil may dumating na isang kawal.
"Hoy! Ikaw! Sinong kausap mo diyan?" tanong ng kawal
"Ahhh.wala tinatanong ko lang ang sarili ko sa salamin! Wala kang pake!" sigaw ni Mona
Papasukin na sana si Mona ng kawal para saktan ng biglang lumitaw sa harap ng kawal ang lalaking kausap ni Mona.
"Sino ka? At paano ka nakapasok dito" tanong ng kawal sa lalaki
Hindi nagsalita ang lalaki, ngunit hinawaka niya ang ulo ng kawal at naging abo ito. Nagulat si Mona sa mga nakita niya pero lalo niya pang ikinagulat nang pindutin ng lalaki ang marka sa kanyang braso na itinatak ng mga diyosa sa kanya noong bata pa siya. Nagliwanag ang marka at doon na nagpakilala ang lalaki. Siya daw si Apollo diyos ng araw at ang dakilang mensahero ng buong sansinukob. Nais niyang maghatid ng magandang balita kay Mona.
Nagulat si Mona sa mga pangyayari kaya napaupo siya sa isang tabi. Pinagmasdan lang siya ni Apollo inusisa kung bakit natameme si Mona. Habang si Arde naman ay nagnganganit na sa galit dahil sa mensahing hatid ng mahiwagang bato sa kanya na ipinadala pa ng kanyang mahigpit na kaaway na nagmula pa sa kalangitan.
______(°=°)_______
Ngayun nabasa mo na ang unang adventure ni Mona? Maraming karakter sa kwentong ito na tiyak ikakagulat niyo. Maraming salamat sa pagbasa, sabay-sabay niyong alamin kung ano ang mensahe ng mahiwagang bato at ni ginoong Apollo.
"Pasensiya na po kung napaka-iksi ng mga kaganapan sa isang chapter at pasensiya na rin po sa typo...sana po maintindihan ninyo.😊😊"
-MsUnspeakable
YOU ARE READING
The Wonderful Adventure of Monalisa
Abenteuerit is the mix of a thousand stories of Monalisa Alamin ang mga kinaharap na pagsubok ni Mona sa iba't ibang panahon at Dimensiyon! Nakakatuwang pangyayari sa buha niya. Mga kakaibang nilalang na nakasama niya. At ang kakaibang kwentong ngayun niyo l...