[DAY 4]
WHERE: @ RV
WHEN: Morning [5:30am]Maagang naghanda ngayon ang magkakaibigan. 5:30 am palang ay tapos na silang mag almusal at mag asikaso ng kanilang mga susuotin. Samantalang si niks ay nakahilata lang.
"Nga pala,Anong ipanglalaban niyo sa mga zombies sa labas?" Tanong ni niks.
"Ay. Nakalimutan namin sabihin ni briel na kaya nga pala ako natagalan sa pagbalik nung nakaraan nang pumunta ako sa Supermarket. Kumuha kasi kami ng mga stocks at--
FLASHBACK STARTS
11:10pm
Nakatulog na si nikki at yaz. Samantalang si Ambriel ay nakatanaw sa may bintana, umaasang biglang dumating ang kaniyang kasintahan.
Hanggang sa dinalaw na rin siya ng antok. Isinara niya ang mga bintana't pinto ng RV. Kumuha siya ng kumot, sumandal sa may pinto ng RV, at do'n natulog.
12:37am
*knocks continuously*
May maririnig na mga katok sa pinto, malakas, walang tigil, at tuloy-tuloy dahilan upang magising si Ambriel. Agad siyang sumilip sa peep hole upang makita kung sino ang kumakatok. Masyadong madilim sa labas kaya naman sa bintana na siya sumilip.
Pero laking gulat niya nang makita si shua na hysterical na kumakatok habang binabaril ang zombies, nakasilencer ang baril kaya naman halos wala na ring maririnig kun' di ang bilis ng galaw ng bala papunta sa infected.
Natulala saglit si ambriel, pero nang marehistro sa isip niya ang nangyayari ay agad niyang binuksan ang pintuan ng RV at agad na hinila ang damit ni shua.
"Teka lang love. May dala akong cart na usefull sa mga gan'tong sitwasyon." Sambit ni shua habang bumabaril pa rin.
"Po+@£na eh ano palang plano mo?!" Gulat na sambit ni Ambriel.
"Kumuha ka ng baril na kaya mong gamitin. Tutal naka-assemble naman na yan!"
Sigaw ni shua kahit nasa likod lang niya si ambriel. Di nito nililingon ang kaniyang girlfriend dahil focus siya sa pamamaril ng zombies.
"Are you out of your mind?!" Sambit naman ni Ambriel na nagdadalawang isip sundin ang boyfriend. Di kasi siya sanay na inuutusan siya nito.
"Mas malinaw ang mata mo sakin at mas marunong kang umasinta. Isa pa mabigat yang laman ng dalawang cart kaya ako na ang magpapasok. Mas mapapabilis tayo luv kung susunod ka nalang!"
Naghi-hysterical na si shua dahil kaliwa't kanang parami ng parami ang mga zombie na lumalapit.
Sinunod naman ito ni Ambriel. Sa una'y sinubukan niyang asintahin sa ulo. Pero dahil tumatakbo ito'y di niya natamaan. Pumangalawang subok siya ngunit sa balikat lang tinamaan ang zombie, hanggang sa nakaisip siya ng mas madaling paraan.
Inasinta niya ang dalawang tuhod nito at nagtagumpay siya dahil gumagapang nalang ito ngayon, tsaka niya inasinta ang ulo. Gano'n din ang ginawa niya sa sumunod. Bata, matanda, lalaki man o babaeng zombie ay walang awa niyang pinagbababaril.
"Damn it! I didn't know that this scene is sooo satisfying!" Ambriel said. Wala nang panic at takot. Patuloy pa rin siyang bumabaril.
"Don't worry love. Malapit ko na maiakyat lahat ng gamit" said Elishua.
15 minutes at nakapasok na sila sa loob ng RV nang hinihingal, pero Ligtas at walang galos.
"To be honest love. Aksaya ng bala yung ginawa ko" said ambriel then she laugh.
FLASHBACK ENDS
BINABASA MO ANG
PROJECT:Humanity's Extinction [MAJOR EDITING]
Science FictionHighest rank: #1 in Humanity ©All Rights reserve 2018 '' Humans destroy itself '' marami nang na extinct na spicies, dahil sa tao. at marami pang mawawala. kaya para di na mawalan ng iba pang species. Tayo na dapat mismo ang mawala. STARTED: May 1...