"Ang Mensahe"
Ayon sa liham kay Arde at sa isinisiwalat ni Apollo kay Monalisa..
|Ayon sa propesiya isang diyos ang mamatay upang bumuhay ng isang mandirigma na gagapi sa lahat ng masama. At ang nilalang na pagaalayan ng buhay ni Arde ay walang iba kungdi si Monalisa. Sa oras ng kanyang pagkamatay ay siya namang paglipat ng presensiya ni Arde sa katawan nito upang bigyang lakas ang kaluluwa ni Mona. At sa muling pagkabuhay ni Mona siya mananahan ng panandalian sa Engcantadia upang iligtas ito sa a nagbabadyang pagbagsak ng buong kaharian nito. At si Mona ay gagabayan ng panginoon ng encantadia na si panginoong Emre. Sa pamamagitan ng presinsiya ni Arde ay magiging immune si Mona sa mga majika ng kapaw diyos nito at si Monalisa De Gancia ay maituturing ng DemiGod! By: Zeus ang panginoon ng kalangitan tagapamahala ng sangkatauhan.|
Nang mabasa ni Arde ang liham ay agad niyang ipinagutos na huwag papaslangin si Monalisa o kahit sugatan man lang ito, kundi sila susunod ay ipapakain sila sa bulkan at hindi na muli pang mabubuhay pa kahit saan.
"Ako mamatay?ngunit bakit?" tanong ni Mona kay Apollo
"Dahil iyon ang itinakda! Sa muli mong pagkabuhay makakamtan mo ang kakaibang lakas! Upang magapi mo ang mga kalaban."sambit ni Apollo bago maglaho dahil may parating na kawal.
Dinakip si Mona ng kawal gamit ang matibay na tali. Dinala si Mona ng kawal sa harap ni Arde. Nang makita ni Arde si Mona ay labis itong namuhi na sa isang tulad lang ni Mona mapupunta ang lakas niya.
"Ano Arde? Nakarating na ba ang balita sayo?" pang-aasar ni Mona
"Hangal! Hinding hindi ka mamamatay! Ipaparamdan ko muna sayo ang impyerno ng sampung ulit!" sigaw ni Arde
Ipinatawag ni Arde ang magaling niyang mangkukulam nagmungkahi siya rito na kung pwede bang lagyan ng sumpa si Mona upang hindi mamatay at maging imortal. Sumang-ayon ang mangkukulam mayroon siyang magagawa upang maisakatuparan ito. Pabulong ang usapan nila ni Arde kaya hindi nagawang malaman ni Mona ang plano ng Diablong Panginoon na si Arde.
"Dalhin sang babaeng iyan sa tremplo ko at doon siya igapos! Bantayan ninyo!" utos ni Arde sa mga mataas na uri na kawal niya.
Nang madala na si Mona sa templo ni Arde naisip ni Mona na doon na lang niya papaslangin si Arde. Habang nagpapalano si Mona sa gagawin niyang hakbang laban kay Arde ay agad pumasok ang itim na obispo ng balaak na may dala-dalang buhay na sanggol na toro. Inisip ni Mona kung para saan gagamitin yun akala niya ipang-aalay kaya niya ito at ipinagpatuloy ang kanyang plano. Dumating na si Arde sa gagawing ritwal.
"Monalisa!!Dapat kang magpasalamat sa akin!" wika ni Arde
"At bakit ako magpapasalamat sa demonyong tulad mo? " tanong ni Mona
"Dahil gagawin na kitang imortal! Para hindi ka na mamatsugi!" sigaw ni Arde
Nagsitahimik ang lahat st nagsimula na ang ritwal.
/kemsha buluki bulki kemsha idmuri idmuri kukuro kukuro templsu templsru depetnum kokotek derum/ paulit ulit na kinanta iyon ng mangkukulam.Naisip ni Mona na kailangan ns niyang kitilin ang sarili upang hindi masira ang propesiya kaya nagisip pa siya ng paraan.
"At ang huling sangkap upang maging imortal!..ang laway at dugo ng sanggol na torong ito!" sambit ng mangkukulam habang iwinawasiwas ang hawak niyang punyal.
Nagulat ang lahat maging si Arde ng mawala si Mona sa pagkakagapos niya. Yun pala ay nag-evictus si Mona papunta sa likod ng mangkukulam at kinuha ang punyal sa kamay nito.
"Hindi ako papayag na ilihis mo ang propesiya! Kaya ako na ang magtatama nito!" sigaw ni Mona nakatutok sa puso ang punyal na hawak niya.
Itinarak ni Mona sa kanyang puso ang ang punyal bumaon ito at sapat na para tapusin ang buhay niya. Nagalit si Arde sa ginawang kapabayaan ng mga kawal niya kaya lahat ito ay nilusaw niya ng parang yelo. Mula sa kalangitan ay bumaba si Zeus upang tupadin ang propesiya. Naglaban sila ni Arde at Zeus habang naglalaban sila ay nagkakaroon ng matinding yanig sa kalupaan.
"Ang propesiya ay dapat ng matupad Arde!" sambit ni Zeus
Pakk...
Dugshhh
Plakak!..
Shing!
Boigsh!
"Hindi ko isusuko ang buhay ko hangal!" sigaw din ni Arde
"Ahh gano'n? Sige..eto tikman mo!" sambit ni Zeus
Itinali ni Zeus si Arde gamit ang kidlat at inata-atake niya ito ng patalim na kidlat, ngunit hindi parin namatay si Arde. Maya-maya habang naglalaban sila Arde at Zeus napansin ni Zeus na nagiging abo na ang sungay ni Arde kaya itinigil niya na ang pag-atake.
"Arde! Suko na ako!...ikaw na ang nagwagi!" sambit ni Zeus. Pagkatapos nun ay bumalik na sa langit si Zeus. Nagtaka si Arde kung bakit umatras ang tulad ni Zeus na hindi basta basta sumu-suko. At doon nga napansin niya unti-unti ng nanghihina ang kanyang kapangyarihan at nahuhulog na ang abo ng kanyang sungay sa kanyang kamay. Sumabog si Arde kasabay ang sigaw na " hindi ito maari!"
Lumipat kay sa katawan ni Mona ang presensiya ng kapangyarihan ni Arde, ngunit naging abo rin si Mona pagkatapos nun at nawala. Kasabay ng paglaho ni Mona ang paglaho ng ginintuang orasan na nakapatong sa isang mesa.
____×----×______
Akala niyo Ending na?..Hindi pa simula pa lang toh!
YOU ARE READING
The Wonderful Adventure of Monalisa
Adventureit is the mix of a thousand stories of Monalisa Alamin ang mga kinaharap na pagsubok ni Mona sa iba't ibang panahon at Dimensiyon! Nakakatuwang pangyayari sa buha niya. Mga kakaibang nilalang na nakasama niya. At ang kakaibang kwentong ngayun niyo l...